Eight

68.8K 1.1K 31
                                    

Pagkagising ni Ellaine ay nagtaka siya nang mapansin niyang nasa kama na siya. Ang pagkakatanda niya ay nakatulog siya dahil sa kaiiyak at hawak niya ang picture frame nila ng Ate Elisha niya. Hinawi na niya ang comforter at tatayo na sana nang mapansin rin niya ang benda sa may binti niya. Napakunot ang noo niya at pilit na inaalala ang nangyari kagabi pero walang nangyari dahil sumasakit lang ang ulo niya sa kaiisip.

May pumasok kaya sa kwarto niya? Pansin rin niya kasi na iba na ang damit na suot niya. Kagabi kasi ay nakaroba lang siya sa pagkakaalam niya.

Huminga nalang siya ng malalim. Bahala na nga. Hindi nalang niya iisipin kung sino ang nagpalit at naglagay ng benda sa binti niya. Pagod narin siya kakaisip pa. At tsaka wala namang ring mangyayari eh.

Naligo na siya at bumaba na sa kusina. Nagugutom narin siya.

"Good Morning, señorita." Bati sakanya ng mga kasambahay na nakasalubong niya.

Tinanguan niya lang ang mga ito at dire-diretso sa dining area. Papasok pa lamang siya ay rinig na rinig na niya ang tawanan ng mga tao roon. She sighed. Dito nanaman kumakain ang mga trabahador ni Mico. Nag-isip siya kung sasabay ba siya kumain o hindi. Pero sa huli, nanaig ang pagkagutom niya. Kagabi pa siya hindi kumakain. Hindi na siya siguro magtataka kung ulcer ang kahihinatnan niya.

She entered the dining room. At nakita niya nga na naroon ang mga trabahador ni Mico. Si Mico naman ay napatingin sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Nasa gilid nito si Hannah na nginitian naman siya ng tipid. Inirapan niya lang ito.

"Where do I sit?" Mataray na tanong niya sa mga ito.

Okupado na kasi halos ng upuan eh. Sa totoo lang ang tanong na iyon ay para kay Mico pero may sumagot na iba.

"Kung gusto mo, dito ka nalang sa tabi ko." Sabi ng lalaking katabi ni Mico.

Tumaas lang ang kilay niya rito. Infairness, may ibubuga ang trabahador na ito ni Mico. Mukhang mabait at gwapo rin.

Walang reaksyon siyang tumabi rito. Inabot nito sakanya ang plato ng kanin. Tinignan niya lang ang katabi niya at pinaningkitan ng mata.

Ngumiti naman ito sakanya at napakamot sa likod ng leeg. "Kain na."

She rested her elbow on the table. Nangalumbaba naman siya paharap rito and looked at him boringly. "Trabahador ka ba rito?" Tanong niya rito.


Natahimik naman ang mga tao sa hapag na parang may mali siyang sinabi.

"What?" Tanong niya sa mga tao sa lamesa. Pero ni isa walang sumagot sakanya.

Narinig naman niyang tumawa ang katabi niya. Nilingon naman niya ito at tinaasan ng kilay. "What's funny?"


"Hindi ako trabahador dito sa rancho." Nakangiti nitong sinabi sakanya.

"Oh. Sorry." Sabi niya rito at tsaka kumuha na ng kanin.

She heard him chuckle again. Inis na nilingon niya ito. "Seriously, dude! What's so funny?"


Tumigil naman ito. At ngumiti nalang. "Sorry. I'm Rex by the way." He extended his hand to hers.


Tinignan niya lang ang kamay nito. Mukha namang nakuha nito na ayaw niyang tanggapin ang kamay nito kaya ibinaba na nito iyon. She just smirked at Rex's direction. Nakangiti parin ito kahit na napahiya niya ito.

"Ellaine." Sabi niya habang tinusok ang hotdog gamit ang tinidor niya.

Tumingin siya rito at ngumisi lang bago kagatin ang hotdog. "Ano'ng business mo rito?" Tanong niya. Wala naman kasi siyang makausap sa mga tao rito. Si Mico naman busy sa pagkain habang kinakausap ito ni Hannah. Ang iba naman ay may kanya-kanya ring usapan.


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon