Eleven

71.9K 1.2K 47
                                    

Ellaine wrinkled her nose at the smell of the carabaos. She was just standing beside the coconut tree watching Mico's farmers planting. Si Mico naman ay naroon rin sa palayan at hawak ang tali ng kalabaw habang paikot-ikot sa kabuuan ng palayan.


Hindi niya talaga maintindihan kung bakit pa siya ginising ni Mico ng alas-kwatro ng madaling araw, paano ba naman siya lang ang nag-iisang babae rito. Hindi niya alam ang gagawin dahil nang kausap niya si Mico ay tinawag ito ni Mang Densio at hindi na siya binalikan pa.

She was just wearing a simple white shirt and maong shorts. Nakatsinelas lang rin siya. Looking at the dirty clothes of the people working in the fields, she was thankful that Mico insisted her to buy clothes yesterday. She will not risk her signature clothes and shoes. Never.



"Tsk.. Boring." Bulong niya sa sarili.


Paglipas siguro ng mga thirty minutes ay tumigil muna silang lahat sa pagtatrabaho. Ang iba ay naghugas sa may poso na makikita sa gilid ng kubo. Ang iba naman ay dumiretso sa loob ng kubo para magpahinga. Si Mico naman ay diretsong nakatingin sakanya.


"Kamusta?" Tanong nito pagkatapos siyang tabihan.


Kaagad naman siyang umusod dahil ang putik putik nito. At amoy kalabaw. "Huwag ka nga tumabi! Amoy kalabaw ka!" Sigaw niya rito.


"Natural! Kita mong kalabaw ang kadate ko kanina pa 'di ba?" Sarkastikong sabi nito.


She just rolled her eyes at him.

"Señorito! Señorita! Halina kayo, nagdala ng pagkain si Hannah!" Tawag sakanila ni Mang Densio.


"What is she doing here?" Nakakunot noong tanong niya kay Mico.

Mico shrugged his shoulders. "Nagdala daw ng pagkain. Lagi namang nagdadala si Hannah ng pagkain kapag ganitong magbababad kami sa ilalim ng araw."


Tumayo na ito kaya sumunod narin siya. Kahit na naiinis siya sa Hannah'ng iyon, hindi niya ito ipapahiya. Kawawa naman. Tsaka nalang kapag silang dalawa nalang.


Pagkarating nila sa kubo ay naabutan nila ang mga lalaki na akala mo hindi nakakain ng isang linggo dahil kung makapag-unahan sa pagkain ay akala mo mauubusan.

Nakita niya si Hannah na nakapink na tshirt at shorts - aba at hindi ata mukhang lalaki ang isang ito. Nakapusod ang maikli nitong buhok. Nakita niya kung paano ito nangiti nang makita si Mico.

At hindi na siya nagulat nang lumapit na ito sakanila ni Mico - well alam naman niyang si Mico naman talaga ang pakay nito.


"Heto Mico oh, nagluto kami ni nanay ng pansit at biko." Sabay lahad nito ng isang plato na may lamang pagkain. Kinuha naman iyon ni Mico.


"Ako wala?" Inosenteng tanong niya kay Hannah.

Napatingin naman ang dalawa sakanya.

"Ah, ano - ano kasi.." Hirap na salita ni Hannah na ikinataas ng kilay niya.


"Eto nalang sa'yo Ellaine oh. Hindi pa naman ako gutom." Baling sakanya ni Mico at inabot ang pagkaing bigay ni Hannah rito.


"Hindi ka ba gutom? Ikukuha ko nalang siya Mico." Sabi naman ni Hannah.


"Huwag na, Hannah. Hati nalang kami ni Mico. 'Di ba?" Baling niya sa lalaki.


Hindi naman agad ito nakasagot. Kaya tinaasan niya ito ng kilay at inirapan ito at si Hannah nalang ang binalingan.


"Salamat sa pagkain ah." Inismiran niya ito pagkatapos ay pabalyang binigay kay Mico ang plato at lumabas sa kubo. Bumalik siya sa puno ng buko at doon naupo. Buti pa dito hindi maingay. Walang asungot.


Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon