Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NIKKI'S POV.
Nagsalubong lang ang kilay ko habang nakatanaw sa papalayong bulto ng boss ko.
bT_Tb
Eh? iniwan niya ako?
Napabuntong hininga na lang ako tsaka naghugas ng kamay sa may sink.
Ano kayang lasa ng dugo ko?
Hmm.... titikman ko sana kaso inubos naman ni sir.
Hindi kaya may lahing bampira si sir kaya niya sinipsip ang dugo ko?Huhu,nakakatakot talaga si sir.
Pero gwapo naman siya kaya ayos lang kahit ubusin niya ang dugo ko. Hehe, gwapong masungit na bampira.
Bahagya naman akong napatalon ng may marinig akong bumagsak na kung ano mula sa loob ng isang cubicle.
Huhu, anong tunog 'yon?
"Huhu !!Lord bata pa po ako, hindi pa po ako handang mamatay--ahray" Nasapo ko na lang ang ulo ko ng maramdaman kong may bumatok sakin.Agad naman na nagsalubong ang kilay ko.
Kailan pa nagkaroon ng kakayahan ang isang multo na mambatok o makapanakit ng isang tao?
"Woi! Ano na naman bang drama mo hah! Anong mamatay ang sinasabi mo dyan? Kahit kailan talaga may sapak ka sa ulo!"
Napangiwi naman akong napatingin kay Venice.
Ano naman kayang ginagawa niya dito? Narinig niya rin kaya ang narinig ko?
"Eh hehehehehehe ikaw lang pala yan bf.Saan ka galing kanina? may nakita ka bang multo?"Tanong ko naman at nangunot naman ang noo niya habang magkasalubong ang kilay na nakatitig sakin.
Hindi ba niya narinig yung kalabog?Diba kanina may narinig pa akong kalabog mula sa isang cubicle tapos bigla na lang sumulpot si bf
Agad naman na nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kanya.
Hindi kaya,Wahhhhhh,Imposible!
"Wag mong sabihin sakin bf na multo ka na--ouch!"
"Abah!nababaliw ka na talaga.Gusto mo bang masapak hah?"Singhal niya pa kaya naman napangiwi ako.
Hehehehehe, hindi nga siya yung multo.Ang sakit ng batok niya eh.
"Hehehehehehe!ayaw ko na masakit eh"Nakangiting sabi ko kaya naman inirapan niya lang ako.
"Tss...halika na nga sa labas at baka kung ano pang gawin mo "Tapos hinila na niya ako palabas ng cr.
Hihi siguro nga walang multo. Pwede rin naman na si bf ang multo kaso paano naman niya ako nahahawakan kung ganun?
"Wala ka bang work?" Malumanay na tanong niya.Nilingon ko naman siya at tumango lang din ako.
"Heheheheh, wala pa kaseng iniutos sakin 'yong masungit kong amo"