PRECIOUS POV.
Nandito lang ako sa sala kasama si nick.Kanina pa siya paikot ikot haysst.
"Pwede ba nick..Tumigil ka na...Nahihilo ako sayo"Inis na sabi ko.Nakakainis naman na pakiramdam toh.Hindi ako sanay na parang feeling ko gusto ko laging kumain.
"Hindi ko lang kase alam kung bakit ganun yung reaction niya kanina"Sabi niya.Kinunutan ko lang siya ng noo.
"Oh?Bakit "balewalang tanong ko.Sumubo na lang ako ng strawberry..Tsk.Onti na lang tuloy toh.Kinain kase ng isip batang yun.
"Hindi ugali ni nikki na magalit...At mas lalo ng manakit..."Sabi niya kaya napataas ako ng kilay.
"Edi ikaw na rin ang nagsabi.Lumabas na rin yung tunay niyang ugali"Sabi ko.Agad naman akong tiningnan ni nick bago umiling.
"No,that's not my point...what I mean...parang ang weird niya"Napairap na lang ako.
"May mas magiging wirdo pa ba sa pagiging baliw niya."Mapang uyam na sabi ko.
"Hindi Siya baliw precious,isip bata lang"Depensa ni nick.Napairap na lang ako.Psh.Edi siya na isip bata.
"Fine....Tumigil ka na nga..."Naiinis na talaga ako sa pag iikot ikot niya.Nahihilo ako...
"What can I do?"Teka tinatanong niya ako?Huminga lang ako ng malalim bago tumingin sa kanya.
"Huh?Hayaan mo muna siya...Ikaw na nagsabi isip bata yun"Tss.I don't want na magkaroon sila ng time sa isat isa.Ano bang silbi ng pag tira ko dito kung hindi ko mananakaw lahat ng oras at atensyon ni nick?Napangiti ako.thanks for my baby...May alas ako.
"But hindi ako mapalagay.."Napairap na lang ulit ako.Psh.
"Where are you going?"Biglang tanong ko.Tiningnan niya lang ako.
"Pupuntahan ko siya"Sabi niya at umakyat na sa hagdan.Napairap na lang ako.
"Iiwan mo ko dito?"I just want him to stay.Gusto ko siyang konsensiyahin na iiwan niya kami ng baby ko.
"Precious...Plss this time pwede ko bang bigyan ng time si nikki?Lagi na lang kase kayo ang napagbibigyan ko"Napanganga na lang ako ng iwan niya ako.
"Arghhh"Agad kong naihagis yung vase sa mesa...
"Kahit kailan talaga..Sagabal yang nikki na yan sa buhay namin....Wait for me nirvanna.One day mapapalayas rin kita sa bahay natoh at sa buhay ni nick"
-----
NIKKI'S POV..
Busy lang ako sa pagkain ng mga strawberry.Hihi...Malapit na ngang maubos eh.Huhu...Grabeh kahit na andami ko nang nakain pakiramdam ko nagugutom pa rin ako.
Gusto ko ngang bumaba para sana kumuha ng ket chup kaso baka mamaya nandun si nick kaya wag na lang.Nagtiyaga na lang akong kumain ng walang sawsawan..
Nagulat na lang ako ng may kumatok sa pinto.Saglit lang akong napatingin dun.Nagkibit balikat lang ako at hindi pinansin yun.Eh mamaya si precious yan.Hindi pa ako nakakabawi ng lakas sa pag aaway namin kanina.Kung si nick naman ayoko siyang kausapin.Bahala siya mag isa niya.
Tsaka tinawagan ko na rin si kuya.Susunduin na niya ako bukas.Ayoko na kase dito.Pakiramdam ko saling pusa lang ako eh.*Pout*Tao naman ako.
Napalingon na lang ako sa pinto ng bumukas yun.Eh?Di ko tuloy natuloy yung pagsubo ko sa strawberry.
Agad kong sinubo yun at tumalikod.Anong ginagawa niya dito?Hmpp...
"Uh--Nikki?"Rinig kong tawag niya.Hindi ko lang siya pinansin.