2

4K 103 0
                                    

"I THOUGHT you'd be here."

Mula sa ginagawa ay nag-angat ng paningin si Landis at nginitian si Emily. Nasa Casa Carillo siya nang umagang iyon kung saan naroon ang kanyang opisina. Partner na siya sa ipinatayong kompanya ng kaibigang si Jem na isang architect at developer. Nagkakilala sila dahil sa kanilang mga therapist, naging grief buddies. Nang malaman ni Jem na nagtapos siya ng civil engineering at lisensyado, madalas na nitong kunin ang kanyang serbisyo hanggang sa alukin siya nitong maging partner. Hindi siya makatanggi dahil nakita kaagad niya ang napakagandang oportunidad. Mabilis ang paglago ng kanilang kompanya. Pumasok siya kahit na holiday upang matapos na ang ilang trabaho na nakabinbin. Wala rin naman siyang ibang gagawin.

"Come in and have a sit," nakangiting sabi ni Landis kay Emily. Tumayo siya at hinagkan ang dalaga bago inalalayang makaupo sa isa sa mga visitor's chair. Tinungo niya ang personal ref na nasa gilid ng silid at naglabas ng maiinom mula roon. "What can I do for you today?" aniya matapos niyang makabalik sa upuan sa likod ng desk. Hindi nagmamaliw ang ngiti sa kanyang mga labi. It had always felt good to see Emily. She reminded him so much of happy memories. Si Emily ang kanyang nakasama sa paglago, sa kasiyahan at sa pagdadalamhati. He once thought he would marry this woman, grow old with her. He once firmly believed she was it for him.

"December one na bukas," ani Emily sa tinig na bahagyang nag-aalangan.

Tumango si Landis. "Yeah, I know. Pasko na."

"Baka nawaglit sa isipan mo--"

"You're going on a trip tomorrow," pagtatapos ni Landis sa sinasabi ni Emily. Noong Setyembre pa lang ay binanggit na nito ang tungkol sa nakaplano nitong pag-alis ng bansa. Kasama ni Emily si Paul, ang nobyo nito ng dalawang taon. Iyon ang unang pagkakataon na bibiyahe ng ibang bansa ang dalawa na magkasama. Noong una ay nagulat siya nang itinaon ng magkasintahan ang pag-alis ng bansa sa buwan ng Disyembre. Pagkatapos ay nais niyang magalit kay Paul. Inakala ni Landis na naiintindihan ng nobyo ni Emily ang sitwasyon. Ngunit kaagad din nabura ang nakaambang galit nang sabihin ni Emily na ito ang may gustong umalis ng Disyembre. Ninais magalit ni Landis kay Emily.

Hindi niya ipinakita ang totoong nararamdamdam, gayunpaman. Ipinakita niyang okay lang, walang kaso sa kanya kahit na mawawala si Emily sa buong buwan ng Disyembre. Ngunit paglaon ay nakapag-isip-isip din siya. Inilagay niya ang sarili sa sitwasyon ni Emily. His ex-girlfriend was trying to have a new life. She was starting over again. They had moved on a long time ago but starting over had been another struggle. Emily was more than ready. She found Paul. She found another love and a perfect guy. Nakita ni Landis na mahal na mahal din ni Paul si Emily. He had been patient and kind.

Naintindihan ni Paul ang pinagdaanan ni Emily at na parte si Landis sa buhay ng nobya. Tinanggap nito ang role ni Landis sa buhay ni Emily. Nabatid ni Landis na wala siyang tutol kung nais nang magsimula ng bagong buhay ni Emily kasama si Paul. Magiging masaya siya na kaya nang magsimula ng pamilya ni Emily. Kanyang nabatid na hindi por que wala sa bansa ay hindi na aalalahanin ni Emily si Olivia, ang kanilang namayapang anak. Saan mang panig ng mundo sila naroon, anumang buwan, patuloy nilang aalalahanin at mamahalin si Olivia.

Nabatid ni Landis na hindi naging madali para kay Emily na umalis sa buwan ng kamatayan ng kanilang anak. Hindi niya kailangang mas pahirapan pa ang ina ng kanyang anak. He just had to let her be happy. Christmas gift na niya ang bagay na iyon kina Emily at Paul.

"Huwag mong kalilimutan ang mga pasalubong ko," ang nakangiting bilin ni Landis. "Take a lot of pictures at inggitin mo ako."

Napangiti nang maluwang at matamis si Emily. Bumadya ang relief sa mukha nito. May mababakas pang kaunting guilt sa mga mata nito ngunit sisikapin ni Landis na burahin iyon.

12 Gifts of Christmas: The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon