NAG-AALANGAN na lumabas si Maeve sa kanyang silid. Kinailangan niyang ipaalala sa kanyang sarili na wala siya sa sarili niyang bahay. Hindi siya maaaring magkulong sa loob ng silid kagaya ng kanyang nakagawian. Naroon siya dahil pumayag siyang samahan si Sir Magdiwang kaya kailangan niyang lumabas ng silid. Kailangan niyang ipaalala sa sarili na hindi siya mag-isa sa bahay na iyon. Wala rin namang saysay ang kanyang pagkukulong dahil wala rin naman siyang naisusulat.
Kagabi ay sinubukan ni Maeve na magtrabaho ngunit hindi niya maituon ang isipan sa kuwentong nililikha. Abala ang kanyang isipan sa pag-iisip tungkol kay Landis. Kahit na nakahiga na sa kama ay ang binata pa rin ang laman ng kanyang isipan. Nahirapan siyang aminin ngunit nasasabik siyang muling makita si Landis ngayong umaga.
Nainis pa nga siya sa sarili dahil nakailang beses siyang nagpalit ng damit. Nainis siya dahil wala siyang matinong damit. Puro maluluwang na T-shirt at shorts ang kanyang mga dala dahil ang mga iyon lang ang damit na kanyang pag-aari. Komportable kasi ang mga kasuutan na iyon at hindi naman siya lumalabas ng kuwarto.
Nahiling ni Maeve na sana ay naisip niyang mamili muna bago siya nagtungo sa bahay ni Sir Magdiwang upang hindi naman nakakahiya. Bigla siyang natigilan kanina sa pagsusuklay nang buhok nang mabatid kung ano ang kanyang ginagawa. Nagpapaganda ba siya para kay Landis?
Mabilis ang tibok ng puso ni Maeve habang pababa ng hagdanan. Naririnig niya ang masayang tinig ni Landis sa direksiyon ng kusina. Naririnig din niya ang tinig ni Sir Magdiwang kaya nagtungo siya roon.
Nadatnan ni Maeve na nakaupo sa harap ng kitchen counter si Sir Magdiwang. Nakatayo naman si Landis at waring may pinagkakaabalahan sa kalan. Nakasuot ang binata ng asul na apron at nakalugay ang may kahabaang buhok. He looked so cute and adorable.
Dahil nakatalikod sa kanya si Si Magdiwang, si Landis ang unang nakakita kay Maeve. Nagliwanag ang buong mukha nito pagkakita sa kanya. Isang malapad na ngiti ang iginawad nito. Halos awtomatiko ang pagganti ng ngiti si Maeve. Mas gumaan ang kanyang pakiramdam. Waring unti-unting napupuno ng masarap na pakiramdam ang kanyang dibdib. She was happy. Bahagya pa niyang ikinagulat ang realisasyon na iyon.
"Hi! Good morning, beautiful!" ang masiglang bati ni Landis sa kanya. "Come on. Have some breakfast."
Biglang na-conscious si Maeve nang marinig ang itinawag ni Landis sa kanya. Maaaring nakasanayan na nitong tawaging 'beautiful' ang mga babaeng nakakasalamuha nito. Maaaring isa lang iyong walang katuturang endearment, ngunit iba pa rin ang epekto kay Maeve.
Nilingon na rin siya ni Sir Magdiwang at nginitian. "Halika at saluhan mo ako sa almusal."
Ganap na ngang lumapit si Maeve at naupo sa high stool na katabi ni Sir Magdiwang. Kaagad na naglagay si Landis ng isang malaking plato sa kanyang harapan at mga kubyertos.
"You don't have to—"
"Hayaan mo na siya, hija," ani Sir Magdiwang. "Hindi ka naman niyan pakikinggan. Kanina ko pa sinasabi na hindi na niya ako kailangang pagsilbihan pero mapilit siya. He said it's his thing. Gusto niyang may pinagsisilbihan tuwing agahan. Mukha naman siyang masaya sa ginagawa niya kaya hayaan na lang natin at mag-enjoy sa breakfast. He makes mean vegetable omelette."
Nilagyan ni Landis ng dalawang pancakes ang kanyang plato. "I hope you like chocolate chip pancake," nakangiti nitong sabi habang inilalapag sa kanyang harapan ang syrup.
Maeve loved sweets. Hindi nawawala sa supplies niya ang chocolates. Minsan ay naiinggit sa kanya si Hannah dahil hindi siya nananaba kahit kumain siya ng maraming pagkaing matatamis. She loved pancakes.
"Thank you," sabi ni Maeve kay Landis. Hindi na niya maalala kung kailan ang huling pagkakataon na may nagluto para sa kanya—kung maituturing na pagluluto ang paggawa ng pancakes. Dinadalhan siya ng mga lutong pagkain ni Hannah ngunit alam niya na take out ang mga iyon sa mga restaurant. Hannah doesn't cook.
BINABASA MO ANG
12 Gifts of Christmas: The Gift
Romance"This something special that's going on between us, sinisiguro ko sa 'yo na hindi magtatapos ngayong Pasko." Parehong nakatanggap ng tsekeng may malaking halaga sina Maeve at Landis bago ang unang araw ng Disyembre. Ang kapalit ng malaking halaga na...