NATAGPUAN NI Maeve si Landis sa may pool area nang gabing iyon. Nakahiga ang binata sa madamong parte at nakatingin sa kalangitan. Hindi ganap na lumapit si Maeve. Waring malalim ang iniisip ni Landis. Pinag-iisipan niya kung hahayaan niya ang binata sa pananahimik nito. Baka kailangan nito ng panahon para sa sarili nito. Nguit nais din naman niya itong makasama at makausap. Umakyat na sa silid nito si Sir Magdiwang upang magpahinga. Hindi pa siya inaantok. Pinagtatakhan ni Maeve ang masidhing kagustuhan na makausap si Landis. Hindi siya dating ganoon. She didn't like talking.
"Hey."
Napakislot si Maeve nang marinig ang tinig ni Landis. Hindi nakatingin sa gawi niya ang binata ngunit alam niya na siya ang kausap nito. Alam nitong naroon siya. Naramdaman nito kahit na hindi nito ganap na nakikita.
Bago pa man lubos na makapagpasya ang kanyang isipan ay naihakbang na ni Maeve ang mga paa palapit kay Landis. "Hindi ba kita naiistorbo?" tanong niya sa nag-aalangang tinig. Kung sasabihin nitong nakakaabala siya sa katahimikan nito, ano ang kanyang gagawin? Aalis siya?
Hindi. Ang tugon ng isipan ni Maeve sa kanyang sariling tanong. Sasabihin niyang kaya niyang manahimik. She wanted to be with him.
"No. Not at all," ang nakangiting tugon ni Landis na tumingin na sa pagkakataon na iyon kay Maeve. He made no attempt on getting up. Nanatiling nakahiga ang binata sa damuhan na waring iyon ang pinakakomportableng posisyon.
Niyuko ni Maeve si Landis. Mas lumalago ang nadarama niyang pagkailang sa bawat paglipas ng sandali. Hindi niya malaman kung mahihiga rin siya o ano.
"Come on. 'Wag ka nang mahiya," pang-eengganyo ni Landis kay Maeve. "You can see the stars. They're beautiful. Hindi kasingganda mo pero dapat pa ring pagmasdan at hangaan."
Nag-iinit ang mga pisngi na nahiga na rin sa damuhan si Maeve. Hindi niya inalintana na baka may mga insektong gumagapang na roon. Kapagkuwan ay kumakawala ang naaaliw na tawa sa kanyang lalamunan. Hindi niya napigilan ang sarili.
Inilinga ni Landis ang ulo sa kanyang gawi. "Ano ang nakakatawa?"
Umiling-iling si Maeve habang ibinabalik ang paningin sa kalangitan. "Wala naman gaano. I'm flattered. Sa tuwing tatawagin mo akong 'beautiful', I'm flattered."
"Hindi ko makita kung ano ang nakakatawa sa bagay na iyon. You are beautiful."
Kumislot ang puso ni Maeve sa kumbiksiyon at paghanga sa tinig ni Landis. This man was seriously doing things to her feelings. O sadyang hindi lang siya sanay na nasasabihan na maganda siya? David used to tell her how beautiful she was. She missed that maybe?
But Landis could really make her feel beautiful. Hindi basta-basta namumuri. Hindi basta-bata nambobola. He was so sincere and genuine.
"What are you doing here?" pag-iiba ng usapan ni Maeve matapos tumikhim. Hindi pa niya alam kung paano pakikitunguhan ang nadarama kaya mas pinili niyang umiwas muna. Ang mahalaga naman ay malapit siya sa binata, magkausap sila.
Ilang sandali na nanahimik si Landis. Matiyagang naghintay si Maeve kahit na bahagya siyang nag-alala. Hindi yata dapat niya inabala ang pananahimik ng binata. May kakaiba kay Landis, ramdam niya.
"I'm talking to my daughter," ani Landis sa munting tinig na halos hindi umabot sa pandinig ni Maeve. May bahid ng lungkot sa tinig nito. His eyes were fixed on the sky.
Hindi alam ni Maeve ang sasabihin. Ibinuka niya ang bibig at sinubukang magsalita ngunit hindi niya maapuhap ang mga angkop na kataga.
Naramdaman ni Maeve ang pagsakop ng kamay ni Landis sa kanyang kamay at banayad na pinisil. "You're not obliged to say anything," anito sa tinig na puno ng pang-unawa. "It's okay." Muli nitong pinisil ang kanyang kamay. "It enough that you're here."
BINABASA MO ANG
12 Gifts of Christmas: The Gift
Romance"This something special that's going on between us, sinisiguro ko sa 'yo na hindi magtatapos ngayong Pasko." Parehong nakatanggap ng tsekeng may malaking halaga sina Maeve at Landis bago ang unang araw ng Disyembre. Ang kapalit ng malaking halaga na...