10

2.4K 87 5
                                    

MULA SA bintana sa silid ay nakita ni Maeve ang pag-alis ng sasakyan ni Landis. She had the urge to run outside and stop him from leaving. Alam ng isipan niya na hindi naman aalis si Landis, babalik din ang binata mamaya ngunit hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng panic at takot sa kanyang dibdib. Natakot siya na baka hindi na magbalik si Landis. Hindi siya mapakali sa kaisipang baka hindi na niya makitang muli ang binata.

Naupo siya sa kanyang desk at pilit na sinupil ang mga kakaibang damdamin. Pilit niyang ipinagpatuloy ang pagsusulat ng nabinbing nobela ngunit hindi talaga siya makausad. Binalikan niya ang ginagawang "regalo" para kay Landis at kahit na distracted at tuloy-tuloy ang kanyang kamay sa pagguhit. Tuloy-tuloy rin ang kanyang isipan sa pagbuo ng kuwento na hindi niya inakalang kaya niyang isulat.

Nang tuimingin siyang muli sa bintana, nakita niyang papadilim na. Nais niyang malaman kung nakauwi na si Landis kaya naman isinara na niya ang laptop at tumayo sa upuan. Pumasok siya sa banyo at nag-ayos ng sarili.

Pagbaba ni Maeve ay nadatnan niyang abala sa paghahanda ng hapag ang mga kawaksi. Nakita siya ni Sir Magdiwang at nginitian.

"Male-late raw ng uwi si Landis," kaswal nitong sabi. "Nayaya siya ng mga kaibigan niya na kumain sa labas at uminom. They are celebrating. Kaya maaga kong ipinahanda ang hapunan. Hindi ka kumain sa maghapon. I'm sure gutom ka na ngayon."

Noon lang talaga naramdaman ni Maeve ang gutom. Nadismaya rin siya sa nalaman na wala pa sa bahay si Landis. Nais niyang tanungin si Sir Magdiwang kung totoo bang kaibigan lang nito ang kakatagpuin nito. Paano kung may date lang ang binata?

Eh, ano naman kung may date si Landis? Tuya ng isang bahagi ng kanyang isipan. Wala kang karapatan makaramdam ng kahit na kunting selos, Maeve. You had your chance and you freaked out.

Hindi pa rin maiwasang mainis at madismaya ni Maeve, gayunpaman. Ganoon na lang ba? Susuko na lang basta si Landis? Hindi ba siya nito bibigyan ng kaunting panahon para pag-isipan at limiin ang kanyang nadarama? Hindi ba nito hihintayin na maging handa siyang ganap na buksan ang kanyang puso sa isang bagong pag-ibig?

Don't jump into conclusion, Maeve. Ang sabi naman ng kabilang bahagi ng isipan ni Maeve. "H'wag ka munang mag-isip nang kung ano-ano. Hindi mo nasisiguro kung ano ang ginagawa ni Landis sa kasalukuyan.

Tahimik na nagsalo sa hapunan sina Maeve at Sir Magdiwang. Nais magsimula ng usapan ni Maeve ngunit hindi niya sigurado kung paano. Si Landis palagi ang mahusay sa ganoon. Masaya at maingay palagi ang hapunan dahil kay Landis. Napapasigla nito ang kapaligiran.

Noon nabatid ni Maeve na magiging dull na ang buhay para sa kanya kapag walang Landis. Hindi na siya makakabalik sa dating tahimik na mundo. Hindi niya malaman kung paano nagawa ni Landis sa kanya ang bagay na iyon. Paano nito nabago ang kanyang buhay sa loob lamang ng maikling panahon? Si Landis lang ang nakapagpasaya sa kanya nang ganito mula nang iwanan siya ni David. Maaari niyang sabihin na matagal niyang hinayaan ang sarili na mapag-isa, hindi siya maaaring makasiguro na hindi rin ganoon ang magiging reaksiyon niya sa ibang lalaki.

Ngunit nakasisiguro si Maeve na tanging si Landis ang makakabuhay ng mga damdaming inakala niyang hindi na niya mararamdaman, ang ilang mga damdamin na matagal nang natutulog sa kanyang kalooban. Landis made her feel so happy and so alive. Hindi niya gaanong maipaliwanag kung bakit o paano siya nakasisiguro, ngunit nakasisiguro siya.

Ayaw man niyang aminin, naipadama ni Landis sa kanya ang ilang damdamin na hindi naipadama ni David noong nabubuhay pa ang asawa.

Nakadama ng guilt si Maeve dahil sa realisasyon na iyon. Ayaw niyang pakaisipan ang kahulugan ng realisasyon na iyon. Baka mas lumago ang pakiramdam na waring nagtataksil siya kay David.

12 Gifts of Christmas: The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon