PAGKATAPOS maghapunan ay nagpaalam na si Sir Magdiwang na magpapahinga na. He always retired early, he said. Pinanood ni Maeve ang pag-alis ni Sir Magdiwang. May parte sa kanya ang nais hilahin ang dating guro at igiit na huwag siyang iwanan mag-isa kasama si Landis. Nag-aalala siya na baka hindi niya mapakitunguhan ang binata nang maayos. Nag-aalala siya na baka maging awkward siya sa harapan nito. Ngunit pinigilan niya ang sarili. She was being silly.
Ipinaalala ni Maeve sa sarili na hindi na siya high school. She was still awkward and socially inept but she was also smart. She could hold a normal conversation. Ipinangako niya sa sarili na hindi siya mapapahiya.
Humugot si Maeve ng malalim na hininga bago hinarap si Landis na may nakahanda ng magandang ngiti para sa kanya. Paano nagagawa iyon ng binata? Pansumandali niyang nakalimutan ang planong pagpapaalam. "I, uhm..." Hindi na niya maapuhap ang mga salita na nais niyang sabihin. Nais tuloy niyang sabunutan ang sarili.
"Maaga pa. Tumambay muna tayo sa pool," pagyayaya ni Landis habang hindi nabubura ang magandang ngiti sa mga labi nito.
Kaagad tumango si Maeve bago pa man siya makapag-isip nang matino. Hindi naman niya gaanong maikaila kahit na sa kanyang sarili lang ang kagustuhang makasama pa si Landis. May mga nais siyang itanong. Umaasa siya na baka kapag nalaman na niya ang ilang bagay tungkol kay Landis ay mapapawi na ang anumang interes na kanyang nadarama.
Kung maganda sa umaga ang pool area, mas maganda iyon sa gabi. Nagkailaw ang ilang decorative wooden statues. Illuminated din ang pool. Maging ang ilang halaman ay napapalibutan ng Christmas lights. Kung ganito, gabi-gabi ay malamang na napakalaki ng electric bill ni Sir Magdiwang. Ngunit wala talagang reklamo si Maeve. Masarap sa mata ang epekto ng mga ilaw.
Hinubad ni Landis ang sapatos nito at naupo sa konkretong bahagi malapit sa swimming pool. Ilang sandali na pinagdebatehan ni Maeve kung gagayahin niya ang ginawa ni Landis. Again, she felt a little awkward. Hindi niya alam kung paano aakto nang tama.
Nakangiting tiningala siya ni Landis. "Tatayo ka lang ba r'yan?"
Bahala na nga. Naupo na rin sa konkretong sahig si Maeve at itinuon ang mga mata sa tubig na nag-iiba-iba ang kulay. Isinawsaw na ni Landis ang mga paa sa tubig.
"Tell me about yourself," kaswal na hiling ni Landis habang itinutukod ang mga kamay sa konkretong sahig. Bahagya nitong itiningala ang ulo sa kalangitan. "What happened to you after graduation?"
Sandaling sinundan ni Maeve ang tinitingnan ni Landis. Mabituin ang kalangitan. Kahit na kaaya-aya sa mga mata ang langit, kaagad pa ring ibinalik ni Maeve ang mga paningin kay Landis. He was beautiful. How can a man be so beautiful?
Nilingon ni Landis si Maeve. Bahagyang nag-init ang pisngi ni Maeve nang mahuli siya ni Landis na nakatitig. Mas nag-init iyon nang mas lumapad at mas tumamis ang ngiti sa mga labi ng binata. Masasabi niyang nahuhulaan na ni Landis ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Tumikhim si Maeve at pilit na ibinaling sa ibang bagay ang kanyang paningin.
"Sige, ako na ang mauuna kung medyo naiilang ka. Noon pa man ay hindi mo na gaanong kinatutuwaan ang pagsasalita, ano?"
Tumango si Maeve, sabik sa impormasyon. Mas nais niyang malaman ang ilang bagay tungkol kay Landis kaysa magkuwento tungkol sa kanyang buhay. Mamaya, kung matatapos sa pagkukuwento ang binata at pakiramdam niya ay kaya na rin niyang ibahagi ang ilang bagay tungkol sa kanyang sarili ay magkukuwento rin siya.
"You all know Emily and I had a very strong relationship. Natanggap kaming pareho sa iisang university. Life had been good. That summer, dahil likas na mapupusok ang mga kabataan, nakabuo kami ng buhay. We were both scared but idealistic. Hindi kailanman naging option ang abortion. Sir Magdiwang helped us, supported us. Kinausap namin muna ang parents ko then and parents ni Emily." Nakangiting napailing-iling si Landis habang inaalala ang nakaraan. "Angry was a kind word to describe what her parents felt when we told them about our pregnancy. Her father wanted to kill me. Naintindihan ko naman. They had so much plans for Emily. She's brilliant and she can go places. She can rule the world. She was just seventeen—too young to be a mother. I was eighteen and my parents had plans for me too. Hindi rin nila inakala na magiging ama ako sa murang edad. But the baby was there. Hindi na kami maaaring tumalikod sa mga responsiblidad namin. Nang humupa ang galit ng mga magulang namin sa tulong ng pakikipag-usap ni Sir Magdiwang, napagpasyahan nila na susuportahan nila kami. Hindi kami nagpakasal, ayaw ni Emily kahit na gusto ko. Sumang-ayon ang mga magulang namin sa desisyon na iyon. Pinagbigyan ko sila kahit na hindi ko gaanong maintindihan. That time, I was certain Emily was it for me. Kumbinsido ako noon na wala na akong ibang babaeng mamahalin. Inisip ko na makukumbinsi ko rin siya paglaon. Dahil naka-enrol na kami, itinuloy namin ang pag-aaral ng kolehiyo. Mas naging pursigido ako dahil bubuo na kami ng pamilya ni Emily. Alam ko na hindi habang-buhay na aasa kami sa mga magulang namin."
BINABASA MO ANG
12 Gifts of Christmas: The Gift
Romantik"This something special that's going on between us, sinisiguro ko sa 'yo na hindi magtatapos ngayong Pasko." Parehong nakatanggap ng tsekeng may malaking halaga sina Maeve at Landis bago ang unang araw ng Disyembre. Ang kapalit ng malaking halaga na...