IWINAGAYWAY KO ANG ang aking kamay kasabay ng pagpagaspas ng hangin. Ramdam na ramdam ang malamig na hanging nanuot sa balat ko.
Ang sarap sa pakiramdam, para bang pagmamay-ari ko ang mundo. Bakit kaya may mga taong halos perpekto na ang buhay? Iyong tipong simula pagkabata mula sa diyamante, pagmamahal, kasikatan lahat nasa kanila na.
Sabi nila isa daw ako sa mga taong may perpektong buhay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis kapag naririnig iyon. Heck no. Ni minsan hindi naging perpekto ang buhay ko.
Siguro nga lumaki akong may nakasubong gintong kutsara, pero walang pagmamahal. Hindi mo pwedeng makuha ang lahat ng bagay. It’s just between matters of choice. A choice that I’m not the one who choose.
Simula pagkabata ay magulang ko na ang pumili sa buhay na tatahakin ko. Pinili nilang subuan ako ng gintong kutsara, pero nakalimutan yata nilang walang lamang pagkain ang ipinasubo nila sa akin. Walang pagmamahal.
“Wohoo!” sigaw ko sabay paspas ng aking kamay.
“Kapag tayo nahulog, kasalanan mo!” inis na suway ng lalaking kasama ko.
Napairap na lang ako sa kawalan. Kahit kailan talaga napaka-kill joy ng taong ito. Minsan na nga lang niya ako i-bangka sasawayin pa ako. “Edi mahulog.”
Liningon niya ako kaya sandali akong napatitig sa mukha niya. Kung bakit ba kasi napaka-ganda ng pagkagawa sa mukha ng lalaking ito, sa mga panga pa lang niya na hulamadong hulmado at maninipis niyang bigote ay mapapa-awang ka na. Isama mo pa ang halos kumikinang niya ng mata at magandang pangangatawan.
“Titig na titig tayo, huh?” pang-aasar niya sabay ngisi.
“Ang kapal mo rin ano! Iniisip ko lang kung sino ang gumawa sa’yo, sabi kasi nila walang pangit na ginawa ang Diyos e,” pangbabara ko sa kaniya sabay iwas ng tingin.
Tumaas ang gilid ng labi niya. “Magulang ko ang gumawa sa akin, malamang.”
Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ang pansin sa asul na dagat ng Buhanteryo. Kung sanang dito na lang ako nakatira, araw-araw sana akong nagsasaya dito. Buti pa dito walang stress.
Itinaas ko ang kupya ko at mariing humalakhak ng pumagaspas sa buong mukha ko ang mahaba at kulot na itim na itim kong buhok. Masyadong maingay ang makina ng bangka pero mas maingay ang pagaspas ng hangin sa tainga ko. Ang sarap sa pakiramdam!
Tumayo ako sa bangka, isang bagay na mahigpit na ipanagbabawal ni Koel. Baka daw mawalan ng balanse ang bangka sabi niya. At katulad ng inaasahan ko ay nakuha ko ang atensyon niya. “Saraia, ano ba! Umupo ka!”
Limang segundo rin akong tumayo habang winawagayway ang kupya ko at humahagikgik. Tuluyan lang akong umupo ng tinitigan niya ako ng masama.
Oh, those eyes mean danger so I better stop. Pero kahit ganoon ay may ngisi pa ring nakapinta sa labi ko. Magtatlong buwan na rin ako rito, at si Koel iyong lalaking walanghiyang bangkero noon.
Papunta kami ngayon sa Whiteland Sand ng Buhanteryo. May mga turistang nilalangoy lang ito, pero dahil hindi ako marunong lumangoy at marunong naman si Koel na mag-bangka ay ito na lang ang ginamit namin.
Natatanaw ko na ang puting buhanging naka-angat sa asul na asul na dagat. Magtatatlong buwan na akong nag-i-i-stay dito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang hindi mamangha sa ganda ng Buhanteryo. Sa dagat pa lang ay mapapaawang na sigurado ang bibig mo.
Mala-kristal ang tubig na makukuha mo pang maaninag ang repleksyon mo rito, habang puting-puti naman ang buhangin na para bang maliliit na perlas na kumikinang kapag itinututok sa araw.
Minsan lang ako pumunta sa pampang dahil souvenir at tindahan lang naman ang mga naroon. Palakad-lakad ka lang, masyadong nakaka-boring at walang thrill.
Teka, kailangan kong matutong lumangoy. Hindi kumpleto ang pag-i-stay ko dito kung hindi ako marunong lumangoy! Walang thrill! “Koel! Turuan mo akong lumangoy, huh?”
Kahit nakatalikod ay tinanguan niya ako. Nakakainis kapag ganiyan ang kausap mo. Ikaw ang kausap pero nasa iba ang atensyon. Napanguso ako ng makitang nasa mga babaeng naka-bikini na lumalangoy malapit sa Whiteland Sand ang atensyon niya.
Porke’t ba hindi ako naka-swimsuit e pangit na ako sa paningin niya? Kapag talaga natuto akong lumangoy talbog ko ang mga babaeng iyan. Tumigil ang makina at naunang bumaba si Koel, pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko para tulungan akong bumaba.
Hinintay ko siyang itali ang bangka bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ako nagsuot ng tsinelas kaya naman ramdam ko ang magaspang at malamig na puting buhangin.
Maraming turista na ang narito, pero hindi naman naging masyadong crowded ang lugar. Hindi ko mapigilang hindi matuwa kapag may mga ngumingisi sa aking lalaking turista. Halos foreigner ang mga ito o kaya naman ay mga Filipino rin na halatang may kaya.
Iyong iba ay may mga kaakbay na babae o kaya naman ay may mga kasama ring kaibigan. Madalas ay basa na sila dahil na rin siguro sa pagligo. Hindi kasi gaanong katirik ang araw.
Sabay naming nilakad ang Whiteland Sand hanggang sa kabilang dulo. Bago kami makarating doon ay may lalaking ngumisi ng malapad sa akin. Kahit pa basang basa siya ay nakasuot pa rin ito ng sunglasses. Which made me laugh, somehow.
“Sa susunod nga ‘wag kang mag-sh-shorts,” napabalikwas ako sa bulong ni Koel sa akin.
Napatingin ako sa suot ko, isang itim na sleeveless blouse na nakahapit sa katawan ko at mahjong shorts na nagpapakita sa porselana kong kutis. Wala namang masama sa suot ko ha.
“Why? Maayos naman ang suot ko, ha.” Umupo ako sa buhangin ng makarating kami sa dulo. May isang lalaking umahon sa tubig ang nakakuha ng atensyon ko. He’s white and has golden curly hair. Mukhang may lahi rin ang isang ‘to dahil parang itim na itim ang kulay ng mata niya.
Bakit ba puro may lahi na lang ang mga tao dito? Wala man lang bang naligaw na normal na tao? Iyong hindi ka-gwapuhan.
“Naririnig mo ba ako?” Napabalik ako sa huwisyo sa ma-otoridad na pagtawag sa akin ni Koel.
Agad ko siyang nilingon. “H-hah?” naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa kaniya.
He hissed. “Ewan ko sa ‘yo.”
Malay-malay ko bang dumadada pala siya. Nakikita niya namang busy pa akong tumingin ng mga turista. “Hey, what’s that?”
Napabuntong siya bago sumagot. “Ang sabi ko, bakit ka nakasuot ng ganiyan?”
Tumaas ang gilid ng labi ko. Now he’s curious about me. Nakukuha ko na rin ba ang atensyon niya? “Attention.” Kunot noo niya akong tinignan na halatang hindi maintindihan ang ipinupunto ko. “All I want is attention, Ykoel.”
“Bakit mapapakain ka ba ng atensyon na iyan? Paano na lang kung mabastos ka?” His voice was so deep that sends shiver to me. So freaking manly.
Napahinto ako at napatitig sa mata niya. Wala pang nagtanong sa akin ng ganoon. It was unexpected actually. Tanong na kahit sa sarili ko ay hindi ko pa natatanong, at alam kong kahit ako ay hindi masasagot iyon.
Agad kong inilag ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko siya kayang titigan ng ganoon katagal. Nang ganoon kalalim na para bang kinakalkal niya ang pagkatao ko.
Luminya ang labi ko at napatingin na lamang sa asul na dagat habang pinapagaspas ang paa ko dahilan para gumalaw ito. Napalunok ako. Bakit nga ba?
“Natahimik ka?”
“Walang’ya kasi ‘yang mga tanong mo,” natatawa kong tugon sa kaniya.
Tumawa rin siya na nagpatitig muli sa akin sa kaniya. “Whatever it is, magiging ayos din ‘yan.” Sana. “Ano ba hindi ako sanay na tahimik ka.”
Napangiti na lamang ako. Bakit may mga bagay na hindi tayo sanay? Katulad niya, hindi rin kaya sanay sina mama kapag tahimik ako? O baka mas gusto nilang tikom lang ang bibig ko?
Sandali akong napahinto ng akbayan niya ako. It’s only seconds, yet I felt comfortable. Yet I felt the butterflies in my stomach partying.
Not knowing that comfort could be one of the most noxious things.
BINABASA MO ANG
Treacherous Romance
RomanceFor Saraia Marienna Esconte, attention is the key to love. Atensyon na animo'y baryang pilit niyang nililimos sa iba. She got everything since she's a kid. Everything except love. All she want is to have someone who can embrace all her flaws and im...