Kabanata 11

372 3 0
                                    

HALOS TALUNIN KO na lamang ang ang distansya ng gate namin papasok sa bahay. Nang bumukas ang pinto ng sasakyan ay kaagad akong bumaba kahit pa hindi ito tuluyang nakakahinto.

Mabilis ang kalabog ng puso ko  habang tumatakbo papasok. Oo, aaminin kong galit ako sa ginagawa ni mama, pero hindi naman ibig sabihin noon ay wala na akong pakialam sa kaniya. Ayaw ko siyang makulong. Ayaw kong mawalan ng ina. Siya pa rin ang ina ko at mahal ko siya kahit anong mangyari.

Nang makapasok ako ay nakita ko si papang nakatalikod. Hindi ko mapigilang hindi magulat. Bakit nandito siya? Ayos na ba sila ni mama? Huling bumisita siya sa bahay ay noong nag-graduation lamang ako. “Papa?”

Humarap siya sa akin. Napansin kong tumanda ang itsura niya kumpara sa dating bata niyang itsura, ang mga singkit niyang mata ay mayroon ng kulay itim sa baba nito at mukhang nangayayat siya kumpara sa dating malaki niyang katawan.

“Marienna.”Agad niya akong sinungaban ng yakap.

Yinakap ko rin siya pabalik. Heck, I miss dad so much. Ang tagal na naming huling nagkita. I miss his embrace. Walang kapantay. Pakiramdam ko ay protektado ako sa yakap niya. Hindi ko maiwasang hindi maluha ng maalala si mama. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa pamilya ko at nagkakaganito.

Hindi naman kami ganito dati. Dati ay ang saya-saya namin. Pero dahil sa pesteng yaman nasira ang lahat. Nagkagulo-gulo.

“Papa, si mama…” bulong ko habang nakayakap sa kaniya.

Hinagod niya ang aking likod kaya hindi ko mapigilang hindi maiyak sa kalong niya. “Shh… maayos din ang lahat.”

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Tinitigan niya ako, titig na katulad ng ginagawa niya noong bata pa ako kapag natatakot ako. Pakiramdam ko ano mang oras mapapahagulgol ako ng makita ang kalungkutan sa mata niya. Mas lalo kong naalala si mama sa mga mata niya… pareho sila ng mata. Alam kong mahal pa rin ni papa si mama, alam kong hindi lang ako ang nagluluksa sa nangyari.

Hindi ko kaya. Hindi namin kaya.

“Papa, ayokong makulog si mama… hindi ko kaya,” bulong ko sa kaniya habang unti-unti ng nahulog ang mga luha sa mata ko. He kissed my forehead and hugged me again.

Napahagulgol na ako ng tuluyan. Buti pa sana kung malayo na lang ang loob niya sa amin, pero iyong makukulong siya? Hindi. Hindi ko kaya. Para bang tuluyan ng gumuho ang pag-aasa kong magiging ayos na ang pamilya namin.

Alam kong masama ang ginawa ni mama at kailangan niyang pagbayaran iyon, pero sa mga pagkakataong ito hinihiling ko na sana mabulag na lamang ulit ang mga tao. Na sana ay hindi na lang nila nakita ang kamalian ni mama.

Kung dati ay hiling kong malaman na nila ang katotohanan tungkol sa kaniya, ngayon ay ayaw ko na. Parang gusto ko na lang na bumalik sa dati ay hayaan na lamang silang mabulag sa katotohanan basta malaya si mama.

Pero alam kong mali iyon… maling mali. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya, at iyon ang bagay na ikinatatakot ko ng husto. Na kapag pinagbayaran niya na ang ginawa niya ay mas lalo lamang kaming magkakahiwalay.

“Tahan na,” bulong ni papa sa akin habang hinahagod ang buhok ko.

Sandali akong kumalas sa yakap at umupo sa sofa. I composed myself and tried wiping my tears. Kanina pa pala nakapasok sina ninang at tinitignan kami. I felt conscious for a while. Ang ayaw ko sa lahat ay aksidente akong nakitang umiiyak.

“Nasaan po si mama?” inosente kong sambit sa kanila. Nagtitigan sila na para bang may tinatago sa akin. May hindi ba ako alam dito? May tinatago ba sila sa akin?  “May kailangan po ba akong malaman?”

Treacherous RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon