ANG TAGAL NIYA naman. Nakakabanas, kanina pa ako naghihintay. Sampung minuto na yata akong nakatutok sa orasan at tinititigan ang bawat paggalaw nito.Sabi kasi ni Koel ay pupuntahan niya ako ngayong alas-siete pero hanggang ngayon wala pa siya. Minsan kasi ay bigla-bigla na lang siyang nawawala. Hindi ko alam kung saan siya napupunta, samantalang naka-check in naman siya dito. Nagsasayang lang yata ng pera ang isang iyon e.
Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nag-surf hanggang sa sumakit ang mata ko. Ganito ka-boring ang buhay kong mag-isa. Ang na-iba lang ay nasa Buhanteryo ako at nandiyan si Koel. 'Di tulad sa bahay na ako lamang mag-isa.
Napagpasyahan kong lumabas na lang sa may veranda. Dahil tanaw ko lang naman ang Whiteland Sand mula dito ay napansin kong kakaunti lamang ang tao roon hindi katulad kaninang umaga at may mga rumorondang bangka.
Payapang payapa ang gabi ng Castillo Rosa na pati sa pampang ay walang masyadong nag-iingay. Kadalasan kasi ay may mga nag-co-concert sa pampang.
"Saraia!" Tumingin ako sa baba kung saan naroon si Koel na tumawag sa akin. "Baba na bilis!"
Timid akong umirap sa kaniya bago bumaba. Inalalayan niya pa akong sumakay sa bangka niya hanggang sa makaupo ako sa dulo ng bangka.
Akala ko ay paandarin niya ang makina pero umupo lang siya sa isang dulo nang bangka at kinuha ang sagwan. Nang ikunot ko ang noo ko ay tinawanan niya lamang ako.
"Magsasagwan ka lang?"
"Pati ikaw," tugon niya sabay abot ng isang sagwan sa akin.
Agad akong umiling at ibinalik iyon sa kaniya, lumangoy nga hindi ako marunong, magsagwan pa kaya. "Ayoko nga! Kasalanan ko pa kapag nalunod tayo, saka hindi ako marunong ano!"
"Madali lang naman." Ibinaba niya sa tubig ang nagsagwan. "Gayahin mo lang ako."
Ipinaspas niya ang sagwan sa tubig at unti-unting gumalaw ang bangka. Matagal ang alam ng lalaking ito, baka bukas pa kami makarating, pero dahil wala na akong magagawa ay sinunod ko na lang siya.
Hanggang sa parang na-e-enjoy ko na ang ginagawa ko. Walang umiimik sa amin, pokus ang tingin ko sa buwang nagbibigay liwanag sa amin habang nagsasagwan. Nang idako ko ang tingin ko sa kaniya ay 'saka ko lang napagtantong tinitignan niya pala ako.
Ngumiti lamang ako sa kaniya na sinuklian niya rin ng isang ngiti. Ilang minutong ganoon ang posisyon namin, magkatitigan habang nagsasagwan sa ilalalim ng buwan.
Malalim ang mga titig niya kumpara sa akin. Sa sobrang lalim ay hindi mapigilang hindi magharumentado ng puso ko. Oo, gusto ko si Koel simula pa ng magkakilala kami.
Dito ko siya nakilala sa may resort noong una nga akala ko ay isa siya sa mga nagbabangka dito dahil natiyempong sumakay ako sa bangka niya. Sabi niya ay marunong daw siya nito at kakilala niya ang manager ng resort kaya nakakahiram siya.
Simula noon ay lagi ko na siyang kasama. Siguro nga kung hindi ko siya nakilala ay hindi ako tatagal dito.
Umiwas siya ng tingin at hindi nakatakas ang pag-ngisi niya. "Alam mo bang pinangarap ko ito noong bata pa ako?"
Tumaas ang kilay ko. "Pangarap ang ano?"
"I can show you the world. Shining, shimmering, splendid..." Napahinto ako sa pagsagwan ng marinig ang pagkanta niya habang nakatitig sa mata ko. "Tell me princess... now when did you last let our heart decide?"
I smiled. Alam na alam ko ang kantang iyan, sa lahat yata ng fairy tales ay ang sound track ng Aladdin ang pinaka-nagustuhan ko.
"I can open your eyes. Take you wonder by wonder. Over sideways and under, on a magic carpet ride." His voice is 101 percent more enchanting than the real man who sang this. Napakalalim at lalaking lalaki na para bang hinaharanaan ako. "A whole new world. . . A new fantastic point of view. No one to tell us no or where to go, or say we're only dreaming."
"A whole new world. A dazzling place I never knew." Kasabay ng pagharumentado ng puso ko ay ang pagkanta ko. He looked at me in astonishment na kaagaad ring napalitan ng isang matamis na ngiti. "But when I'm way up here, it's crystal clear. That know I'm in a whole new world with you."
"Now, I'm in a whole new world with you." Itinuloy niya na ang pagsagwan para sa akin pa rin nakapokus ang kaniyang mga mata. Sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung paaano pa ba ako nakakahinga at nakakapag-kanta.
"Unbelievable sights, indescribable feeling. Soaring, tumbling, free-wheeling through an endless diamond sky," napabirit ako na nagpatawa sa aming dalawa. Masyado yatang halatang lumulundag ang puso ko dahil sa nangyari. "A whole new world."
"Don't you dare close your eyes."
"A hundred thousand things to see. I'm like a shooting star, I've come so far. I can't go back to where I used to be." Papalapit kami ng papalapit sa pampang, at sa mga oras na iyon, inihiling ko na sana huminto ang oras kahit ilang minuto lang.
He smiled genuinely, a smile that I never saw. Isang ngiting tanging liwanag lamang ng buwan ang nagbigay sa akin ng pagkakataong makita ito. Isang ngiting halos magpakawala ng naghuhurementado kong puso. "A whole new world. With new horizons to pursue, I'll chase them anywhere, there's time to spare. Let me share this whole new world with you." And with his last line, the boat stopped. "Nandito na tayo."
Katulad ng nakasanayan niya ay nauna siyang bumaba at ginabayan ako. Nang matapos na siyang itali ang bangka ay lumakad kami papunta sa isang pares ng niyog kung saan mayroong duyan.
Naka-set na ang bonfire na halatang kami na lang ang hinihintay. Kanina pa kaya siya naghanda rito kaya natagalan siya? Pinaupo niya ako sa duyan habang siya ay sa buhangin.
"Ang ganda pala ng boses mo," papuri ko sa kaniya habang nakatingin sa lumalagablab na apoy.
"Akala ko nga hindi mo alam iyong kanta," tugon niya sabay tawa.
"Memorize ko yata ang kantang iyon," pagmamayabang ko. "Saan ka pala nakatira? Bakit bigla-bigla kang nawawala?"
Napahinto siya at napakagat sa ibabang labi. Damn. "Ah... sa may Castillo Rosa din. Minsan umuuwi ako, pero wala namang ano... ah, wala naman kasing tao sa amin palagi kaya dito ako... nag-i-i-stay. Ikaw?"
Tumango-tango ako. Parang may pag-aalinlangan pa sa boses niya. "Regalo sa akin ni ninang iyong rest house kung saan ako nag-i-i-stay noong college graduation ko. Sabi niya sa akin na daw iyon."
Tila ba nagulat siya sa sinabi ko. "N-ninang? Ninang mo iyong may ari ng Buhanteryo? Si Ma-Don-Ah... Tita Janna?"
Grabe naman yata ang pagkabulol niya sa pangalan ni ninang. "Anong sabi mo?" tanong ko sa kaniya sabay halakhak. "Oo, ninang ko siya. Matalik siyang kaibigan ni mama. Para ngang siya na iyong tumayong magulang sa akin e."
Suddenly, I remembered ninang's sweetness. Kung paano niya ako alagaan kapag mawala si mama na para bang siya na ang tumayong magulang sa akin. "E ikaw? Nasaan ang mga magulang mo?"
Binasa niya ang kaniyang labi sabay kamot ng ulo niya. "P-pareho silang nasa Dubai, nagtatrabaho."
"E sinong kasama mo sa bahay?"
"Si lola," tugon niya. "Siya na ang nag-alaga sa akin mula pagkabata ko."
Napatango na lang ako ng mapagtantong pareho pala kami ng buhay na tinatahak ni Koel. Noong una akala ko ay perperkto siya, iyon pala, katulad ko ay mukhang kulang rin siya sa atensyon ng magulang niya. Ang pinagka-iba lang ay may lola pa siya, ako wala. Wala na...
Siguro nga ganoon na lang talaga. Sa mundong ito may dalawang klase ng mayaman, ang isa ay mayaman sa pagmamahal... at ang isa ay literal na mayaman. Kung ako ang papipiliin, mas pipiliin ko na ang pagmahahal, dahil kahit kailan ay hindi iyon mabibili ng yaman.
Pero ano pa ba ang magagawa ko? Ito ang buhay na ibinigay sa akin. The easiest thing I could do to give thrill to this boring life is to enjoy it. Enjoy it until I can finally find the man who will fill the space of love in my heart. The man who can embrace all my flaws and imperfection.
And I wish it is the man in front of me.
BINABASA MO ANG
Treacherous Romance
Roman d'amourFor Saraia Marienna Esconte, attention is the key to love. Atensyon na animo'y baryang pilit niyang nililimos sa iba. She got everything since she's a kid. Everything except love. All she want is to have someone who can embrace all her flaws and im...