Kabanata 10

399 4 0
                                    

PAGKAGISING KO AY si Sianna kaagad ang nakita ko. Nakatayo siya sa aking harap habang naka-ekis ang kaniyang kamay sa dibdib. I yawned and sat at the bed. ‘Saka ko lang napagtantong nasa tabi ko pala si Elle at nagbabasa nanaman ng libro. “Ba’t ang aga niya?”

Sianna rolled her eyes at me. “Come on, cous, kailan pa naging maaga ang alas-onse ha?”

Umangat ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding at tama nga siya, alas-onse na nga. “Ganiyang oras lang naman akong nagigising.”

Elle snapped and lowered her book. “Ganiyang oras ka nagigising kapag magdamag na umiyak.” Tinitigan ko siya ng masama at ibinato ang unang hawak ko. “Hey! My book!”

Binuking pa ako! Siguradong hindi puwedeng hindi ako mag-kuwento kay Sianna nito.

Katulad nga ng inaasahan ko ay tumaas ang kilay niya at umupo sa kama. Now here I am, trapped with two gossiper. “Do I need to know anything?”

“Wala—”

“Meron kaya!” pagputol ni Elle sa akin.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Parang kahapon lang ay kakampi ko pa siya tapos ngayon ay ibinubuking niya ako. “Shut up,” inis kong bulong pero nginisian niya lang ako.

“So, anong kuwento ang hindi ko alam?” nakataas pa rin ang kilay na tanong ni Sianna sa akin na halatang gustong-gusto ng marinig ang kukwento ko.

Elle closed her book and looked at us, as if my heartbreak scene is interesting than what she is reading. “A boy—”

“I’m not talking to you, Elleanna.” Pinalo ko sa braso si Sianna ng sabihan niya iyon sa kapatid. Hindi na lamang siya pinansin ni Elle at napa-irap na lang.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang magkapatid na ito, kung minsan ay ayos sila, minsan naman ay para silang aso’t pusa.

“Ako na, cous,” bulong ko sa kaniya. Tumango si Elle at ikinwento ko na kay Sianna ang nangyari. Tahimik niya lamang akong pinakinggan habang nagkukwento.

“I know Owel since I’m a kid, cous,” komento niya.

Hindi ko maiwasang hindi magulat sa sinabi niya. Pero kung sabagay, mukhang matagal na siyang nagtatatrabaho rito kaya kilala na rin siya Sianna.

But what if niligawan niya rin si Sianna kaya kilala niya? Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng maisip iyon. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa katulad niyang manloloko.

Napabalik ako sa huwisyo ng paluin niya ang braso ko at mahinang tumawa. “Silly, we’re just friends! Alam kong iniisip mo ano.”

Umirap lang ako na kunyari ay mali ang hula niya kahit pa iyon talaga ang iniisip ko. “Paano mo siya nakilala?”

“Matagal ng nagtatrabaho rito si Koel, cous, kahit iyong lola niya pa lang ang natatrabaho rito ay tumutulong na siya,” sabat naman ni Elle.

Napatango ako. Kaya pala. Kilala nila si Koel bilang Owel, iyon kaya ang totoo niyang pangalan o pati iyon ay kasinungalingan rin?

“Pangalan niya ba ang Owel?”

“Nope. Nickname niya lang iyon, his real name is Koel,” tugon ni Sianna sa akin. “Naging magkaibigan kami ni Owel, cous, at hindi ko naisip na magagawa niya iyon dahil sobrang bait ni Koel kung alam mo lang.” 

I mentally rolled my eyes. May mabait bang magloloko ng ibang tao? Wala. If I know, he’s also showing his facade in front of them. “I don’t believe you.”

Napailing si Elle sa sinabi ko. “Well, ano pa bang magagawa namin? Paano mo ba kami mapapaniwalaan?”

“Paano ko paniniwalaan ang mga iyan pagkatapos nang lahat ng ginawa niya? If I know nagpapanggap lang din siya—”

“Saraia!” Natikom ang bibig ko sa pagbulaslas ni Sianna ng buo kong pangalan. “How much do you really know him? Masyado ka ng nagiging bitter, nakuha kong sinaktan ka niya kaya ka nagkakaganiyan pero sana naman hindi na iyong tipong pati yata pagkatao ay tinatapakan mo.” Right. Right. I just felt guilty calling him gold digger. “Saraia, hindi kasi lahat ng katotohanan ay makakabuti. There are times that we need to lie to please.”

I shook my head. They’re not getting my point, do they? Nasasabi nila iyan dahil hindi nila naramdaman ang naramdaman ko. These argument was nonsense. I raised my hands in defeat. “Fine. Fine. But pwede bang ‘wag muna natin siyang pag-usapan?”

Laking pasasalamat ko ng sang-ayunan nila ako. “Mabuti pa nga.”

“We’re done with my insane counterfeited love story, can we move on to another love story now?” inis kong sabi sa kanila dahil hindi ko alam kung paano pa ako mag-uumpisang mag-mo-move on kung siya palagi ang pag-uusapan.

Sianna shot a glare at me, obviously disapproving what’s swirling in my mind. “What do you mean, cous?”

Nginisian ko siya. “Why don’t you tell us your love story with that man in your hacienda?”

Namula ang kaniyang pisngi sa sinabi ko. “Don’t be malicious. Magkaibigan lang kami.”

“Magkaibigan o magka-ibigan?” sabat ni Elle.

Agad naman siyang binato ng unan ni Sianna na halatang hindi inaasahan ang tanong na iyon. “Shut up, Elleanna!”

Elle and I just laughed at her. “Pero sino ba iyon?”

Napatigil ako sa pagtawa sa tanong niya. Nang ma-process ng utak ko ang sinabi niya ay ‘saka pa lang ako napahagalpak kasabay ni Sianna. Sira ulo talaga, kung makapang-inis at makatawa hindi niya naman pala kilala. Hindi ko alam kung bakit laging ganito ka-i-slow si Elle, kahit kailan na lang.

Inirapan niya lamang kami na halatang nainis. She laughed sarcastically. “Nakakatawa.”

“Thank you, cous,” I muttered under my breath. Kahit sa sandaling panahon ay nawala ang sakit sa puso ko. Napasaya nila ako. Pero heto nanaman ulit. Bumabalik nanaman ang sakit na kani-kanina lang ay nalimutan ko.

Naramdaman ko ang pagyakap nila. Kung sanang naging pamilya ko na lang sila. . . .

Napakalas lamang kami sa yakap ng marinig namin ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan iyon. Si ninang ang unang bumungad sa akin. Her face looks shock and nervous. “Bakit po ninang?”

“M-marienna… ang mama mo…”

“Ano pong nangyari kay mama?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Naramdaman ko ang paglipat rin nila Elle sa likod ko.

“Anong nangyari kay tita, ma?” singit ni Sianna.

“N-na-aresto si Vivian.”

I literally agape. Damn. Ito na ang kinatatakutan ko!

Treacherous RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon