“MAGLALARO TAYO? SERYOSO ka ba? Anong akala mo sa atin bata?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
He smirked and jumped up. Nitong mga nakaraang ay napapansin kong parang masyadong nagiging energetic si Koel, ‘di tulad ng dati na bukod sa masungit ay walang imik. “Bakit? Bata lang ba ang pwedeng maglaro? Bakit nasa singkwenta ka na ba?”
Napairap ako sa tanong niya. Singkwenta pala, huh? Kumuha ako ng kaunting buhangin at ibinato sa mukha niya. Agad siyang napapikit kaya tumakbo na ako. “Edi habulin mo ako!”
Matapos niyang i-mulat ang kaniyang mata ay agad niya akong sinundan. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil hindi ko naman alam na may lahi yatang runner ang lalaking ito.
“Tanda! Ang bagal mong tumakbo!” pang-iinis niya pa.
Sandali ko siyang nilingon at tinignan ng masama, agad akong yumukod at akmang kukuha sana ng buhangin ng maramdaman kong may bumuuhat sa akin! Shit, ang bilis talaga! He piggy bank me in his back. “Koel! Ibaba mo ako! Madaya ka!” pinagpapadyak ko pa siya habang tumatawa pero masyado siyang malakas.
Pati siya ay humahalakhak na rin. “May arthritis ka yata, ang bagal mong tumakbo.”
“Walang’ya ka talaga, Koel!” nilakas ko pa ang pagpapadyak sa likod niya. We’re making a scene, okay, may mga napapalingon na rin sa amin na sa tingin ko ay na-iingayan na sa boses ko. Nasa Whiteland Sand kasi kami at mabuti na lamang at hindi ganoon karami ang tao.
Bumitaw ako sa pagkahawak sa leeg niya. “Hoy, Saraia! Anong ginagawa mo—”
Wala na siyang nagawa pa at binatawan niya ako dahilkung hindi ay mahuhulog ako. Binilis ko ang pagtakbo ko para hindi niya ako mahabol pero sadyang mabilils yata talaga siya.
Napahalakhak ako nang makitang natalisod si Koel. “Hindi mo ako mahahabol!” pang-iinis ko sabay belat.Muntikan ko namang mapahiga ang isang babaeng nakaharang sa daanan ko ng itulak ko siya. Lumingon ako sa likod at agad niya akong binelatan dahil kaunti na lang talaga at mahahabol niya na ako.
Sexy. Come on, Saraia, ‘wag ka muna ngayon mag-isip ng ganiyan.
“Hah!” Napasigaw ako sa gulat ng bigla maramdaman ang agaran niyang pagyakap sa baywang ko. “Huli ka!”
“Peste, Koel! Madaya ka!” sigaw ko sa kaniya sabay suntok ng marahan sa dibdib niya. Naririnig ko ang paghalakhak niya habang nakabaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
Pero nang tumigil siya sa pagtawa ay iba na ang narinig ko… ang tibok ng puso niya na nakasabay sa akin.
Bigla kong naalala ang nag-iisang sinabi sa akin ni mama na tumatak sa utak ko.
“Sa mundong ito, may isang tao lang ang kapareho ng pagtibok ng puso mo. At ang taong iyon ang para sa ‘yo.”
Sana.
Mas lalo ko pang ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya t pinakiramdaman ang bawat pagtibok ng puso niya. I can even smell his manly scent.
“Ready?”
Magtatanong pa sana ako kung anong ready ang sinabi niya nang maramdaman ko ang pagtakbo niya. Umalis ako sa pagkaka-akap sa kaniya at napagtantong tatalon siya papunta sa dulo. Agad siyang tumalon dahil siguro akala niya susunod ako pero hinayaan ko lamang siya. I laughed hysterically. Nang maka-ahon siya ay tinignan niya ako ng masama habang tinuturo ako. “Madaya!”
“Ikaw ang madaya ano!” sambit ko sabay halakhak muli. Seeing the disappointed scowl in his face made me laugh. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Yet, seeing his face with waters dripping from his hair made him look so… hot.
BINABASA MO ANG
Treacherous Romance
RomanceFor Saraia Marienna Esconte, attention is the key to love. Atensyon na animo'y baryang pilit niyang nililimos sa iba. She got everything since she's a kid. Everything except love. All she want is to have someone who can embrace all her flaws and im...