Kabanata 4

543 7 3
                                    


HINDI KO MAPIGILANG hindi mapangiti ng makita ang pangalan ni ninang sa caller’s ID ko. Sinagot ko iyon at ang malambing na boses niya kaagad ang sumalubong sa akin. “Marienna, ija? Kamusta ka na?”

“Ninang! Ayo slang po ako, how about you? Napatawag po kayo?” tugon ko sa kaniya.

“I just want to invite you, ija. Umuwi kasi kami ni Luisianna dito sa Casa Puerto, mind coming here?” Agad akong napangiti. Nandito na rin pala sila sa Isla Tala! Sa wakas, magkikita na ulit kami!

“Sure, ninang! Ngayon na po ba?” napataas ang boses ko sa saya. “Hindi naman ako busy.”

Narinig ko ang paghalakhak ni ninang sa kabilang linya. “Ikaw talagang bata ka. O sige, ipapasundo kita para mas madali ang pagpunta mo rito sa Casa Puerto.”

“Sige tita, magbibihis na ako. Bye.” Ibinababa ko na ang linya at kumuha ng damit na isusuot. I picked a light yellow fit crop top and paired it with black skirt. Pagkatapos ay naligo na ako.

Lalabas kami ng Castillo Rosa para makapunta sa Casa Puerto kung nasaan ang hacienda nila ninang. Sa pagkakaalam ko ay tatlo ang mga iyon na bumubuo sa Isla Tala, ang Castillo Rosa, Casa Puerto at Fuego Montayno. Masyadong malawak ang Isla Tala kaya dito pa lamang ako sa Castillo Rosa at Casa Puerto nakapunta. Madalas kasi noong bata pa ako ay dinadala ako ni mama rito sa Buhanteryo o kaya naman ay sa hacienda ni ninang, kaya kahit papaano ay medyo alam ko na ang dito.

Nang matapos akong makaligo at makapagbihis ay na-received ko ang text galing kay ninang na malapit na raw ang magsusundo.

Lumabas na ako at akmang magtatawag na sana ng bangka ng makita ko ang papalapit na bangka ni Koel. Kinawayan ko siya at ngumiti. Mabilis siyang nakalapit sa tapat ng resthouse.

“Saan ang punta mo?” usisa niya.

Bumaba ako at sumakay sa bangka niya. “Hatid mo ako sa pampang, ha?” Tumango naman siya at pina-andar ang bangka. “Pupunta ako sa hacienda ni nina, iyong may-ari nitong Buhanteryo. Ayaw mo bang sumama?”

Sandal siyang napahinto at napa-awang ang bibig. “H-ha? ‘W-wag na… Nakakahiya naman.”

“Ayos lang iyon, ano ba. Malakas yata ako kay ninang,” abot tengang ngiti kong tugon sa kaniya.

Sandal siyang hindi umimik at umiling muli. “Huwag na. May gagawin pa ako.”

Napanguso ako sa sagot niya. Sayang naman, ipapakilala ko sanan siya kay ninang. Mas masaya kapag kasama siya. “Okay.”

Hindi na ako umimik pa pagkatapos noon hanggang sa makarating kami sa pampang. Nang makababa ako ay nginitian niya ako. “Ingat.”

Ngumiti ako pabalik at naglakad na palabas ng Buhanteryo. Katulad ng sinabi ni ninang ay nandoon na nga ang van na magsusundo sa akin. Sa malayo pa lang ay nakita ko na kaagad na nakatayo ang driver nila na si Mang Jose. Mula pagkabata ay siya na lagi ang nagsusundo sa amin kapag pumupunta kami kina ninang.

Kumaway ito sa akin at tumugon ako ng matamis ng ngiti. “Mang Jose!” bati ko sa kaniya sabay ngiti.

Nasa singkwenta na rin si Mang Jose kaya dumarami na ang mga putting buhok niya na dati’y binibilang ko pa. Ginulo niya ang buhok ko matapos akong magmano sa kaniya. “Ang laki mo ng bata ka.”

“Syempre po, matangkad pa nga ho ako sa inyo ngayon,” sagot ko sabay pasok sa loob ng van.

“Ilang araw ka ba doon, ija?” tanong nito pagkasakay niya sa van.

“Baka hanggang bukas lang po. Kailan pa po pala naka-uwi sina ninang?”

Nag-umpisa nang umandar ang sasakyan at katulad ng dinaanan ko noon ay mga puno nanaman. “Kahapon lang din. Mukhang matagal yata sila diyan.”

Treacherous RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon