MARIIN KONG SINURI ang bangkero. Liningon niya ako at mas lalo kong naanig ang kaniyang kumikinang na mukha. Teka bakit kumikinang? Ginto lang? Natawa ako sa iniisip ko. Dahil siguro sa kaputian niya kaya ganoon. Atsaka, Saraia, iyon kayang mata niya ang kumikinang! It was brown, but lighter than the usual. Tipong parang masisilaw ka kapag tinitigan mo ito.
He got the body, okay. His bicep and triceps was evident because of his black sleeveless shirt.
Mas lalong lumitaw ang mga linya sa kaniyang noo ng i-kunot niya ito. His chin is covered with thin stubble that made his face look more mature. May lahi kaya ang isang ‘to?Sa lahat yata ng nakita kong nagbabangka kanina ay isa siya sa mga pinakamakisig.
Pero bakit hindi siya umaalis? ‘Di ba dapat ihahatid niya ako sa pagtutuluyan ko? “Ah, hindi pa ba tayo aalis manong?”
“Ah…” napahinto siya at binasa ang kaniyang labi. “T-turista po kayo?”
I nodded and pull up my shades revealing my chinky eyes. “Oho. Bangkero kayo ‘di ba?”
Ilang minuto siyang napahinto sa sinabi ko. Bakit, tama naman ha? Bangkero naman yata talaga siya e. Napakamot siya sa batok. “T-turista rin kasi ako…”
Napaawang ang labi ko. Kung ganoon bakit nandito siya? Akala ko bang mga bangkero ang maghahatid sa akin? Ano ‘to, may sarili siyang bangka? “Gan’on ba? Sorry! Ang akala ko kasi—“
“Okay lang, okay lang. Sige ihahatid na kita. Anong number ba?”“34,” tugon ko, iyon kasi ang number ng resthouse na ibinigay ni ninang sa akin. Tumango siya at ipinaandar ang makina ng bangka.
Pinili ko na lamang manahimik kahit pa ang dami kong gustong itanong sa kaniya. He’s just to dashing and intimidating. Pakiramdam ko ay malulusaw ako kapag tinitigan niya ako.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ng mahjong kong palda. It’s a message from Leena.
May rally nanaman kanina sa may munisipyo, Saraia. Nasa sampu yata sila, pero katulad ng dati ay iyong mga sumusuporta pa ang nagpaalis sa kanila.
Napabuntong ako sa nabasa. Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng munting isla. Mula rito ay naaninag ko na ang resthouse na inuupahan ng mga turista kung saan ako mag-i-i-stay. Pare-pareho ang mga disenyo nila, matingkad ang kulay kayumanggi nitong pintura na para bang itim na sa malayuan. Nakatayo ito sa dagat at kinakailangan pang sumakay ng bangka mula sa pampang bago ka makarating kung ayaw mong lumangoy. Sa pangpang naman ay mayroong mangilan-ngilang pares ng puno ng niyog ang nakatayo na mayroong duyan sa gitna.
Buong biyahe ay nakatuon lang ang pansin ko sa cellphone kaya hindi ko napansin nna huminto ang bangka. “Andito na tayo, miss…”
Tumango ako at dahan dahang umakyat sa hagdan. Medyo nahirapan pa ako dahil malayo ang bangka sa hagdanan para maka-akyat ako. Mabuti na lang ay hindi ako nawalan ng balanse.
Pinagpagpag ko ang suot kong high waist shorts ng tuluyan akong makaakyat. Teka parang may kulang, ha? Kinapa ko ang cellphone at wallet ko, nandoon naman pero— ah shit! “Kuya iyong bag ko!”
Napahinto ang lalaki sa pagpapaandar at tinitigan ako ilang sandali na para bang sinusuri ako. Hindi man siya kumibo at may kinuha lang sa ibaba ng makina niya. Teka baka magnanakaw ito, kaya siguro sabi niya hindi siya bangkero! Kailangan kong sabihin kay ninang na may magnanakaw sa Buhanteryo! “Hoy! Iyong bag ko ibalik mo!”Tumuwid siya ng tayo at nakita kong hawak hawak niya na ang bag ko. Mabuti naman akala ko magnanakaw na siya! “Ito ba?"
“Oo,” tugon ko sabay lahad ng kamay mula sa baba, nagbabakasakaling umakyat siya para iabot sa akin. “’Asan na?”
“Heto.” Inilahad niya lamang pataas ang bag na halata namang hindi ko makukuha. Niloloko ba ako ng lalaking ito? “Bakit hindi mo kunin?” matapobre niyang tanong.
“Bakit hindi mo kaya abutin? Sa susunod kasi ‘wag puro cellphone.”
Tinitigan ko siya ng masama. Ang kapal ng isang ito, kung wala lang akong kailangan sa kaniya kanina ko pa nasupalpal ang mukha niya. “Ano ba kasing paki mo? Bakit hindi na lang ikaw ang magbigay sa akin?” inis kong bulalas sa kaniya.
“Ang swerte mo naman kung ako pa ang magbibigay sa iyo, ikaw itong may kailangan sa akin,” halatang naiinis na ang tono niya.
Kung kasing inabot mo na kanina pa edi natapos na tayo! I clenched my jaw and calm myself before trying to go down.
Nang nasa pangatlong step na ako ay inilahad ko ang isa kong kamay para makuha iyon pero sadyang malayo pa rin. Nilalayo niya ba ang bangka niya para hindi ko makuha? Aba, walanghiya naman. Pasalamat talaga ang lokong ito at hindi siya bangkero kung hindi isusumbong ko talaga siya. “’Lumapit ka kasi! Ibigay mo na!”
Patago niya akong inirapan bago unti-unting nilapit ang bangka niya. Dalawa ang bag at parehong mabigat kaya naman ng kuhanin ko ang isa ay hindi ko alam kung paano ko aabutin ang isa ng hindi nawawalan ng balanse.
Kung hindi naman kasi loko ang lalaking ito edi sana hindi na ako mahihirapan pa!
Nang maabot ko ang isa ay inilahad ko ang isa ko pang kamay na nakahawak sa hagdanan para maabot ang isa pang bag sa kamay niya.
Nadulas ang paa ko at nawalan ako ng balanse. Shit! Hindi ako marunong lumangoy!
Napapikit ako at hinihintay na lang na maramdaman ang pagkahulog ko sa tubig ngunit pagmulat ko ay nakita kong ang mukha ng lalaking mayabang ang sumalubong sa akin.
His arms were holding my waist. Sandaling napaawang ang bibig ko at mas lalong napatitig nang malapitan sa kaniyang mala-banyagang mukha. Sayang ang loko, ang gwapo ang pangit naman ng ugali. Pero, pwede na rin— Teka, ano bang ginagawa ko?
Tumuwid ako ng tayo at pinagpag ang sarili ko na animo’y nandidiri sa pagkakahawak niya sa akin. Napatutop ako sa labi ko sa kahihiyan na baka napansin niya ang pagtitig ko kanina.
“Iakyat mo na iyong isa, iaabot ko ang pangalawa,” usal niya sabay iwas ng tingin sa akin. Halatang naiilang din siya katulad ko.
Tahimik akong tumango at kinuha ang bag. Mabuti na lang at medyo malapit ang bangka at hindi ito nahulog kanina. Dahan dahan akong umakyat at iniwasang mawalan muli ng balanse. Nang mai-akyat ko ang unang bag ay bumaba muli ako at inaabot niya ang pangalawa.
Saktong magpapasalamat pa lang sana ako ng makitang agad na umalis ang bangka niya. Pero bakit ka naman magpapasalamat sa masungit na ‘yon, Saraia? Muntik ka ng mahulog sa ka-arogantihan niya, ano!
Sayang talaga, ang gwapo pa naman.
BINABASA MO ANG
Treacherous Romance
RomanceFor Saraia Marienna Esconte, attention is the key to love. Atensyon na animo'y baryang pilit niyang nililimos sa iba. She got everything since she's a kid. Everything except love. All she want is to have someone who can embrace all her flaws and im...