KUNG PWEDE LANG makapatay ng tao sa text, siguro matagal ko ng nagawa kay Elle iyon. Dios mio, hindi niya na ako tinigilang kakapilit na pakinggan si Koel! Siguro kung malapit lang siya sa akin ngayon ay kanina pa nalagas ang buhok niya sa sabunot ko.
Ibinababa ko ang cell phone at nakasimangot na naghilamos sa CR ng kuwarto ko. Bakit kaya hindi na lang ang mga taong ito ang pumalit sa sitwasyon ko at ng malaman nila ang pakiramdam ko, ano?
Pagkalabas ko ay nakarinig ako ng katok sa aking pinto kaya pumunta ako roon para buksan ito. Bumulaga sa akin ang pigura ni Koel na para bang naitulak para pumunta sa tapat ng pinto ko. Tinaas ko ang kilay ko para pigilan ang pag-ngisi ng makita ang hawak niyang bouquet.
What the heck? Ano na naman ba ito?
"Anong ginagawa mo rito?" mataray kong tanong.
Napakamot siya sa kaniyang batok at nahihiyang ngumiti. "Uhm... bu-bulaklak pa-para sa 'yo."
Kinuha ko ang inilahad niyang bouquet. Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti dahil ang paborito kong sunflower ang nandoon. Matalas ang memorya ng isang 'to at hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang paborito ko, ha?
Tinignan ko siya at nakitang naglakad na pababa. Shame, aren't we? Ibinuklat ko ang nakalagay na kulay yellow note at binasa ito.
I'm sorry. Sana mapatawad mo na ako bago man lang ako umalis. Mahal pa rin kita kahit anong mangyari.
- Koel
Aalis na siya? Hinarap ko siya at napagtantong hindi pa pala siya bumaba, nakatalikod lang siya malapit sa may hagdanan na animo'y pinapakiramdam ang galaw ko.
Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay may naramdaman akong kirot sa puso ko ng malamang aalis siya. No, dapat nga masiyahan ka dahil wala ng gugulo sa iyo, 'di ba? "Akala ko ba hindi ka susuko?" What the damn? Did I just say it? Fudge. Koel is probably smirking right now. Great. You just boost his confidence again.
Humarap siyang muli sa akin, ang inaasahan kong ngisi ay wala sa labi niya. "Kailangan ako ni lola. Mag-dadalawang linggo na rin ako rito."
"So, it means you don't really love me and you're not serious about my forgiveness?" Ilang beses akong napalunok, may gusto akong sabihin sa kaniya at ipagtabuyan siya pero iba ang sinasabi ng bibig ko. Great. You just sounds like a brat, Saraia.
Umiling siya at lumapit sa akin. "Hindi ganoon. Hindi naman porke't iiwan kita ay hindi na ako seryoso. Pero kasi, kung patuloy mo rin naman akong ipagtatabuyan at hindi pakikinggan, hindi ba't parang sinasayang ko na lang ang oras ko?" I saw the sadness in his eyes. "Gustong gusto kong patunayan sa 'yo na mahal kita at makapagpaliwanag, pero paano ko magagawa iyon kung sa bawat pagkakataon na lang ay ipinagtatabuyan mo ako?"
Napipi ako sa mga sinabi niya. I admit, he hit the nerve. Sapul na sapul ang sinabi niya na tipong hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko pa sa kaniya. Dapat matuwa ako, hindi ba? Kasi wala ng manggugulo sa akin. Mas makakapag-move on na ako.
Pero hindi e, parang mas lalo lang dumagdag ang sakit dahil iiwan niya ako. I hate it when I only like the chase. Ngayong nakapagdesisyon na siyang umalis, may parte sa akin na gusto siyang pigilan. I want him to stay... ngunit mali. Mali dahil unang una, ako ang nagtulak sa kaniya para lumisan.
"Okay." Iyon na lamang ang tangi kong nasagot sa kaniya. Ang mga kayumanggi niyang malungkot na mata ay tila ba nawalan ng pag-asa sa sinabi ko.
I cleared the lump in my throat. Stop this shit, Saraia. Panindigan mo ang sinabi mo. Oo, hindi iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya, pero iyon ang idinidikta ng isip ko. The sadness in his eyes almost break me into pieces.
"K-kailangan ka na ng lola mo," sinigurado kong sinsero ang pagkasabi ko roon. "Baka nag-aalala na siya sa 'yo." Isang tango ang sinagot niya sa akin bago siya tumalikod. "I'm sorry for wasting your time." Iniwasan kong magkaroon ng hinanakit sa sinabi ko ngunit hindi pa rin iyon nakatakas.
Kahit na nakatalikod ay umiling siya. "'Wag kang magpa-sorry. Kasalanan ko rin, tanga ko e. Ginto na pinakawalan ko pa."
Nang maramdaman ko ang malapit ng pagtulo ng mga luha ko ay agad akong pumasok sa kuwarto at sinarado ang pinto. Tears raced as soon as I entered the room. Kinagat ko ang kamay ko para pigilan ang hikbing tumatakas sa aking bibig.
Ako na yata ang pinakatangang tao sa buong mundo. Ginto na pinakawalan ko pa.
Damn, pagkakataon na iyon para humingi ng tawad sa kaniya sa mga nasabi ko at hingin ang eksplenasyon niya. Pero anong ginawa ko? Nagpakain nanaman ako sa pride ko! Dios mio, Saraia Marienna Esconte, saaang parte pa ba ang hindi sinsero doon?
For pete's sake, he's already swallowing his pride for you and you just did that? Kingina lang.
Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at nangyari iyon?
MAHIGPIT KONG NIYAKAP si mama ng makalapit ako sa kaniya. "I miss you, ma."
Nginitian niya ako ng makaupo na kami. "How are you?"
Napakagat ako sa labi. Hah, niloloko ko na lamang ang sarili ko kapag sinabi kong ayos lang ako pagkatapos ng nangyari kahapon. Pero alam ko sa sarili kong hindi ko masasabi iyon kay mama. "I'm... fine?"
"Really?" nagdududang tanong niya na para bang may nahihimigan siyang mali. Napalunok ako at tumango. "So, that man who came here must be lying at me."
Nanlaki ang mata ko. Pumunta si Koel dito? No way! "Pumunta siya?"
Tinanguan niya ako. "Humingi siya ng tawad sa ginawa niya sa 'yo."
Napatakip na lamang ako sa bibig ko sa pagkagulat. Just, what the heck? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginawa niya. Hindi ako open kay mama kaya kahit gusto ko ay nahihiya kong sabihin sa kaniya, tapos ngayon malalaman kong sinabi sa kaniya ni Koel ang nangyari? "A-ano lahat ng sinabi niya?"
"Ay teka, may voice record niya yata-"
"Mama!" suway ko sa kaniya na tinawanan niya lang. "I'm serious."
Nginitian niya ako pagkatapos ay hinaplos ang kamay ko. "He told me that he love you dearly. Na nagawa niya iyon dahil ayaw niyang lumayo ang loob mo sa kaniya. Noong una nga nagalit ako dahil parang he underestimate you na hindi mo kayang magmahal ng katulad niya. But his explanation made everything clear."
Lahat yata sila narinig na ang explanation ni Koel at ako na lamang ang hindi.
"Anak, he did that because he's afraid you might reject him, not because he thought you can't love a man like him. I think he's a good man. Dahil kung hindi, why would he spend time coming here without knowing where to stay, right?"
Oo nga pala, hindi ko alam kung saan siya nag-ii-stay. Hindi naman sa amin dahil walang tao sa guest room. "Where does he stay?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay na para bang nagulat na hindi ko alam. "Sa ninang mo, hindi ba?" Napatango ako. Kaya pala. "Sana pag-uwi mo pag-isipan mo nang mabuti ito. Para habang maaga pa, mapatawad mo siya."
Napa-iling na lamang ako sa sinabi ni mama habang iniisip kung gaano ako katanga. "Iyon nga ma, e. Umuwi na siya."
Namilog ang mata niya sa sinabi ko at napatakip ng bibig. "U-umuwi siya ng hindi kayo nagkaka-ayos?"
Umiling muli ako. "Pinairal ko po ang pride ko."
Tinignan niya ako gamit ang mga na-aawang mata bago ako pinuntahan at niyakap. "May magagawa ka pa, gusto mo naman siyang patawarin hindi ba?"
"S-siguro po."
BINABASA MO ANG
Treacherous Romance
RomanceFor Saraia Marienna Esconte, attention is the key to love. Atensyon na animo'y baryang pilit niyang nililimos sa iba. She got everything since she's a kid. Everything except love. All she want is to have someone who can embrace all her flaws and im...