MATIIM KONG TINIGNAN ng masama si Koel. “Hey punk, hanggang ngayon hindi mo pa rin ako tinuturuang lumangoy!”
He raised his eyebrows. “Kapag nalunod ka kasalanan ko pa.”
“Kaya nga tuturuan mo ako ‘di ba?” mataray kong tugon sa kaniya.
Napakibit lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad sa pampang. Ugh, naiinis na ako sa lalaking ito ha! Gustong gusto niyang kumakausap ng tao kahit hindi nakaharap sa kaniya. Hindi niya ba alam na nakakainis iyon? Parang hindi niya naman ako gusto a! “Koel, ano ba bastusan na lang? Ayaw mo talaga akong turuan?”
Sa wakas ay nilingon niya rin ako. His hair is still shuffled. He smiled at me using his thin lips. “Ayaw ko.”
“Yuck, pink. Bakla,” bulong ko. Iniinis ko siya dahil sa suot niyang kulay pink na t-shirt. “Akala ko pa naman nanliligaw ka. Ayaw mo pala, sige sa iba na lang ako magpapaturo.”
Hindi man lang niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad. Akala niya siguro, hindi ko tututohanin? Inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko at ang maroon na off-shoulder na suot ko. Pagkatapos ay linapitan ko ang isang lalaking sa tingin ko ay ka-edad ko lang. He’s tall, making it hard for me to look directly at his face. Mukhang may itsura naman, wala naman yatang pangit dito.
Pagkalapit ko sa kaniya ay agad ako nitong nginitian. Good. “Hi kuya, I’m—“
Hindi ko na natuloy ang sinabi ko ng agad akong hinigit ni Koel papunta sa bangka niya. “Aw, Koel ano ba!”
Hindi siya sumagot at pinaikotikot ang kaniyang dila sa loob ng kaniyang bibig, halatang naiinis na. “Oo na, tuturuan na kita.”
Lihim akong napangiti, sabi ko na nga ba tatalab e. Ako pa ba? Hindi ako kakayaning tanggihan ng lalaking ito. Kaya nga siguro sa loob ng tatlong buwan ko dito ay siya lang ang kilala ko. Iba talaga ang karisma ko sa pangit na ito.
Malapad akong ngumisi. “Sabi ko na nga ba mapapayag din kita,” usal ko sabay halakhak na kina sama naman ng tingin niya.
Really, I don’t know how did I even like a sadist, or how did he even like me.
Nauna siyang sumakay pagkatapos ay tinulungan niya akong makasakay din. Ilang segundo siyang nakatayo sa harap ng motor pero hindi niya iyon pinapaandar at nakatingin lamang siya sa akin.
Napataas ako ng kilay. May balak na naman ba siyang magsagwan? No— I mean, why not? “Nakatanga ka diyan?”
Nginisian niya ako, which made me star struck for a second. Koel naman, kung ngingisi ka sabihan mo ako para ma-ready ko ang puso ko.
Iniabot niya sa akin ang sagwan. “Magsagwan na lang tayo.”
Hindi ko mapigilang hindi matawa nang maalala ang nangyari noong huli kaming nagsagwan. Hindi ko alam kung sa saya o sa biglang pag-isip ko na napaka-awkward pala noon kung sakali.
Nakakunot niya lang akong tinignan. “Ano?”
I shook my head and continued laughing. “Tyuma-chansing ka lang yata e, gusto mo ko no?” Bago ko pa mapigilan ay nadulas na ako. Shit. Hindi ko tuloy alam kung mas lalo ba akong ma-a-awkward-an sa sinabi ko.
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang tumawa. Mabuti naman, dahil akala ko titigan niya nanaman ako. Nakakahiya kaya iyon. “Ang kapal mo rin. Kailangan ipamukha mo pa sa akin?”
Inirapan ko na lamang siya at nag-umpisa ng magsagawan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi siya nakaharap sa akin o maiinis. But I think it’s better this way.
Malayo-layo rin ang Whiteland Sand kaya sampung minute yata bago kami makarating doon. Nangangalay na nga ang braso ko, kung hindi lang talaga ako nagpapaturong lumangoy ay hindi ako sasama dito.
Nang maitali niya ang bangka ay naglakad-lakad lang kami hanggang sa dulo. Teka, akala ko bang tuturuan niya ako? Hindi ako umupo nang umupo siya sa buhangin. Nakataas ang kilay na tinignan niya ako.
Ayaw mo akong turuan ha? Hinugot ko lahat ng lakas ng loob ko at matapang na tumalon kahit hindi ko alam kung gaano nga ba kalalim ang tinalon ko.
I felt the splash of water after I jumped in the blue water. Hindi ko maimulat ang mata ko pero alam kong nasa ilalim ako ng tubig.
Ipinagaspas ko ang paa ko at kamay para subukang umangat sa tubig pero walang epekto! Oh freak, you’re so stupid, Saraia! Ano nanaman bang pumasok sa kukote mo?
Nauubusan na ako ng hininga! Then suddenly I felt hands embracing my waist. Naramdaman kong umaangat ako hanggang naramdaman kong wala na ako sa tubig.
Pagmulat ko ay si Koel agad ang nakita ko. And he have this ugly scowl in his face that made me smirk. Oh, stupid, why are you smirking out of a sudden? “Nababaliw ka na ba?”
Pinapagaspas ko ang paa ko sa tubig upang manailing nakalutang. Hindi ko alam pero tinawanan ko lamang siya. “Ayaw mo kasi akong turuan e.”
“Kung ganiyan ka rin naman pala papaturo, ‘wag na lang,” inis niyang saad.
Napanguso ako. Ang daya naman. “Sige na kasi. Sabi mo kanina tuturuan mo ako. Ang daya mo ta—“
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko at agad na pumikit ng bigla niya akong isama nang maglublob siya sa tubig. Kapit na kapit siya sa baywang ko na nagpaharumentado sa puso ko. I felt safe in his arms.
Nang umahon siya ay sabi kaming natawa. “Siraulo ka talaga!”
He laughed at me. “Ganoon ang gusto mo e,” tugon niya. “Ganito ang gawin mo, kapag nasa baba ka na ng tubig ipagaspas mo ang paa mo, kunyari nakahiga ka.”
“Opo, boss,” loko ko sabay tawa. Naglublob muli kami sa tubig, ginawa ko ang sinabi niya habang hawak niya ako sa kamay pero hindi ko magawa. Agad kong inahon ang sarili ko mabuti na lamang at mababaw pa ang tubig at ramdam ko pa ang buhangin sa baba. “Ang hirap!”
Tumutulo ang butil ng tubig sa kaniyang noo na nagpakagat sa labi ko. Fudge. “Isa pa, isa pa. Ayos lang bang hindi kita hawakan?”
“Uh… Hawakan mo na lang ang kamay ko.” Tumango siya at katulad ng sinabi niya ay kusa kong nilublob ang katawan ko sa tubig. Nagpasama ako sa agos nito at unit-unting pinapagaspas ang paa ko. Ilang segundo kong ginagawa iyon pero parang hindi man ako umaalis sa puwesto kaya umahon ako agad.
Tumatawa si Koel ng iangat ko ang tingin ko. “You don’t even move from your place,” tawang tawang saad niya.
“Damn you!” inis kong usal sabay tapon sa kaniya ng pang-ipit ko sa buhok. He didn’t stop and keep on laughing. Walangyang ito, porke’t ba hindi ako marunong gaganiyanin niya na ako? “Wag mo na nga akong hawakan, madaya ka e!”
He composed his self and nodded. “Okay, sabi mo e.”
Inirapan ko lamang siya at buong lakas na ginawa ang katulad ng kanina. At least this time I moved… a bit. Pagkaahon ko ay medyo malayo na ako sa puwesto ni Koel kumpara kanina.
Nginisian niya lamang ako ng makitang nakangisi ako sa kaniya. “Pwede na.”
“Whatever,” inis kong singhal sabay irap. Sinubukan ko muling lumangoy papunta sa puwesto niya. Hirap pa akong gumalaw sa tubig pero kinaya kong ipagaspas ang mga paa ko at siguro kahit ilang minuto man lang ay naramdaman kong gumagalaw ako. Napahinto lang ako ng may mahawakan ako.
Wait, was this, chest? Abs?
Umahon ako at mukha ni Koel agad ang nakita ko. I blushed. Fudge. So katawan niya pala ang nahawakan ko? Pagkalingon ko sa kaniya ay tumawa lamang siya. “You’re blushing.”
BINABASA MO ANG
Treacherous Romance
RomanceFor Saraia Marienna Esconte, attention is the key to love. Atensyon na animo'y baryang pilit niyang nililimos sa iba. She got everything since she's a kid. Everything except love. All she want is to have someone who can embrace all her flaws and im...