Kabanata 1

10 2 0
                                    

"Hay nako Lexus! Ewan ko sayo! Tignan mo Ken! Yang anak mo! Hindi pa nga nakakakalahati ng school year nya, dalawa na ang nasirang sapatos! Yung isa, nabutas na! Tapos yung isa! Nadurog na!"

Mahabang dakdak ni nanay.

Napailing iling na lang si tatay at medyo natatawa.

"Hahaha! Hayaan mo na si Lexus, sadyang bakal ang paa nyan!" pabirong sabi ni tatay

Napairap na lang ako sa kawalan at pumunta sa kwarto ko. Charot! Wala akong sariling kwarto. Dalawa kwarto dito sa bahay. Yung isa, sa amin ni nanay at tatay. Tapos yung isa ....

KAY KUYA! ABA GIGIL!!!! KAASAR HINDI BAAAA!?

Grabe, solong solo nya talaga yung kwarto nya!

Ako nga pala si Tristane Lexus Dominguez, 4'th year college at nagaaral dito sa Unibersidad sa maynila. 20 year's old pero kamukhang kamukha pa rin ni Liza Soberano. Echos! Yung Koreana daw eh.. Sino nga yun?

Ah! Si Yoona! Hehe!

Si nanay ay si Margaret Dominguez at si tatay ay si Kenny Dominguez. Si kuya? Sus. Wag na yon.

De joke! Sya si Aldrich Lex Dominguez. Panget yan, hahahah! Security guard sa isang restaurant at 29 years old.  May Girlfriend sya... Si ate Trice Laudie Martinez.

Sa school, Tristane ang pangalan ko. Dito sa bahay, ako si Lexus. Gets?

"Lexus! Kakain na tayo!" Pasigaw na sabi ni nanay. Tsk, yun lagi na lang galit at pasigaw! Parang laging may problema sa buhay!

"OPO!"

"SINISIGAWAN MO BA KO!?"

"HINDI PO!"

"HE! BILISAN MO!"

"OPO, ETO NA!"

Nyeta! Nakakainis talaga! Pumunta na ako sa kusina at kumain. Ang sarap ng ulam namin ngayon, tuyo at dilis. Haha!

"Oh Lexus kain lang ng kain, ubusin mo yan ha?" Sabi ni tatay. 20 years old na ako pero kung tatruhin ako ay parang 10 years old palang.

Si tatay ang paborito ko, mabait sya sa akin. Lahat ng pangangailangan ko sa pagaaral binibigay nya sa akin. Lahat ng makakabuti sa akin binibigay nya kaya nga ang swerte ko dyan kay tatay! Gusto ko din magkaroon ng asawa na tulad nya, mabait, mapagmahal, may takot sa Diyos.. Basta lahat ng katangian ni tatay.

Pero malabo na yata yan ngayon.

Masyadong mataas ang standards ko kaya baka mag madre na lang ako. Iyak

"Tita. Eto oh," sabay lapag ni Kuya sa hapagkainan ng manok at pansit.

"Oh, kuya. Kumain na kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo" at dire diretso syang pumunta sa kwarto nya.


Pagod din yun kasi pang gabi sya at mahirap talagang maging security guard. Biruin mo yun? Magpupuyat ka ng bongga. Nagtataka nga ako paano pa sila nagkakabonding ni ate Trice.

"Lex, may pera ka ba dyan? Wala tayong pambayad sa ilaw ngayon" tanong ni nanay kay kuya ng lumabas ulit ito mula sa kwarto at dumiretso sa hapagkainan.

"Wala pa po tita." Sagot ni Kuya kay nanay.

Siguro nagtataka kayo kung bakit Tita ang tawag nya kay nanay..

Hindi kasi kami tunay na magkapatid. Kapatid ko sya kay Tatay.. Namatay kasi ang nanay ni kuya noon at naging asawa naman ni nanay si tatay kaya ang turing ko kay Kuya Aldrich ay isang tunay na kapatid, magkadugo kami eh.

Ewan ko nga kung bakit tita pa rin ang tawag nya kay nanay.. Pwede nya naman tawagin si nanay na "nanay" kasi pinalaki naman din sya ni nanay ng mamatay ang totoo nyang ina.

"Saan napunta ang sinahod mo? Hindi ba, sabi mo ngayon ang sweldo mo? Wala tayong pangbayad sa kuryente, mapuputulan tayo nyan! Siguro, nabigay mo na naman dyan sa Nobyo mo!?" Sabi ni nanay.

Ayaw talaga ni nanay kay ate Trice, kasi alam nyang pera lang ang habol nito kay kuya kahit hindi kami mayaman.. Sa sweldo ba namang 15,000 ni kuya, mabigyan lang sya ng 5,000 every month ni kuya edi solve na sya sa isang buwan.

Nanahimik na lang si kuya at pumunta pabalik sa kwarto nya. Mabait sya at tahimik pero nasa loob ang kulo nyan, ganoon din si tatay.

"Kahit kailan, hindi ako pupunta sa kasal nilang dalawa... Bahala sila."

---

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon