Kabanata 8

5 1 0
                                    



Kabanata 8

Sabado ngayon. Walang masyadong nangyari nung weekdays. Ang boring kaya.

Kaya ngayon. Nandito ako sa covered court ng baranggay namin. Pilit kong hinihiram kay Kuya ang mountain bike nya dahil hindi naman nya gagamitin to ngayon kasi may basketball game sya ngayon dito.

Sorry sya kasi walang mag che cheer sa kanya. Mag gagala ako at wala din si Ate Trice Para icheer sya ng bongga.

"Ano kasi Kuya! Pahiram na kasi!" Pagpipilit ko.

"Alam mo ang kulit mo no?! Gagamitin ko nga yan mimiya!" Sabi nya.

"Mimiya mo pa naman gagamitin eh! Eh ako gagamitin ko yan ngayon para makagala na!"

"Ikaw! Ang gala gala mo! Baka mimiya, may kinikita ka na sa plaza ha? May boyfriend ka na?!"

"Tangi ka! Wala nga akong boyfriend! Sinong papatol sa dyosang katulad ko ha!?" sagot ko

"Oo nga. Wala nga palang papatol sayo. pero baka may ginagayuma ka ha?!"

"Ulul ka! Di ako marunong manggayuma! Ikaw, Ginayuma mo si Ate Trice!"

"Tss. Ipapahiram ko na nga sayo, Basta ha! Ingatan mo yang bike! Sinasabi ko sayo, pag may nasira dyan! Yari ka sakin!"

"Hahahahaha! Kaya mahal na mahal kita kuya eh! Sige bye na! Galingan mo sa basketball mo ah?" Sabi ko at kumindat.

Napatawa na lang sya at sumaludo sakin. Sumaludo din ako sa kanya.

Inayos ko na ang sarili ko at nagsuot ng cap, Sumakay ako sa bike at nag goodluck sign ako kay Kuya.


Saan ba ako pupunta? Teka, Syet! Di ko alam. Basta kating kati ang paa ko para sa galaan eh Mwahaha! Tumipa ako at ang pupuntahan ko ay ang plaza. 

Habang papunta ako sa plaza ay napahinto ako sa may kanto. Tinignan ko ang Gulong kung flat. Pero parang Hindi naman eh,

Nag start ulit ako tumipa. Pero habang nagba bike ako ay nakatungo ako at nakatingin sa gulong. Parang may mali eh, Parang flat talaga! Teka, Ganoon ba ako kataba para ma flat-an?!

I'm on a diet ka------

"HOY MISS!!!"

Naramdaman kong napatagilid ang bike ko at napaupo ako sa semento sa tabi ng kanto!!!!!

"Hoy ! Ano ba ha!?" Singhal ko.

"Aba eh tang---"

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nakabangga sa akin ...

"Eh gago ka pala eh! Bakit mo ko binangga?! Pati, Bakit ikaw pa nakabangga sakin?! Ha!? Aeious!?" Tanong ko.

Tumayo ako at inayos ang bike ko. Buti na lang medyo hindi nasira ang bike. Hays! Bahala na.

"Eh ikaw itong  nakatungo eh! Sino bang nagba bike ng nakatungo ha?!" Sabi nya.

O-kay. Medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Bwisit ah!

"E-eh... Tinitignan ko kung flat yung gulong eh!"

"Tss. Flat ka na nga, Pati ba naman yung gulong" May halong pang aasar sa sinabi nya.

"A-aba teka! May problema ba tayo sa Flat?!" Tanong ko

Eh gago pala tong Aeious na to eh. Parang nung isang araw lang... Pinapatahan nya... Arg! Potaenames! Wala!

"Tss. Wala. Sige bye." Sabi nya at sumakay na sa bike. 

Sumakay na rin ako sa bike at nagayos. Inayos ko din yung cap ko sa ulo, Nagulo pa bwiset!

Tumingin ako kay Aeious. Nasa harapan ko sya. Well, Ang ganda ng outfit nya Tadey! Naka complete uniform sya ng pang biker talaga... Biker ba talaga sya? Pati ayan... Naka helmet pa  Naka rubber shoes pa... Aba pre, bigatin pala to eh. Biker talaga sya?

"Gusto mong sumama sakin?" Tanong nya.

"H-ha? Saan?" Tanong ko.

"Sa langit." Sabi nya at kumindat.

Napakunot naman ang noo ko.

"Joke, Basta maganda doon. I guess, Naggagala ka rin naman eh diba?" Tanong nya.

Tumango na lang ako.

"Okay. Sumunod ka na lang sakin. Tara na" Sabi nya.

Umayos ako at tumipa na. sumunod ako sa kanya..


Saan kaya kami pupunta nito?


Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon