Kabanata 5
Argh! Nakakainis! Nakakainis! As in, Super duper ultra mega nakakainis!
Akalain mo, Yung Aeious na yon naka perfect sa lintik na test na yon pero ako?! Shet talaga eh! Isang number lang yung mali ko! Bakit kasi ang tanga ko, Hindi ko pa pinerfect?! Dapak!
Nandito na naman kami sa Cafeteria at nagsama sama kami ng mga tropa ko. Kahapon kami nag test at hanggang ngayon, naba badtrip pa din talaga ako! Tss. Huwag talagang magpapakita sakin yang lalaking yan, Tatamaan sakin yan! Argh!
"Tane, Okay ka lang ba? Kahapon ka pa naka busangot dyan ah? May problema?" Tanong ni Anne sakin.
Padabog kong inilapag sa plato ang kutsara, Bwisit talaga, Kung hindi lang talaga ako nagugutom hindi ko bibilhin tong nakakasurang spaghetti na to! P*t*ng*n*!
"Paano ba naman kase?! Bakit kasi may pa "EPAL" Na nag transfer dito, at inaagaw ang "PWESTO" ko sa batch! Nakakainis! Ang sarap nyang balatan ng buhay!" Nakabusangot kong sabi.
Pinagdiinan ko talaga yung "Epal" at "Pwesto" para marinig ni Zach. Nang malaman nya kahapon na 29/30 lang ako sa test at samantalang ang transferee na yon ay perfect, tumawa lang talaga sya. Tsk.
At dahil nga sa pagpaparinig ko, napatigil si Zach sa pag ta type sa laptop nya. Tumingin sya sakin at ngumisi.
'Aba Gagong to, Nakuha pang inisin ako!'
"Well, Kasalanan mo na 'yon Tristane. Actually, Obvious naman eh, Aeious can change the rank in 2nd sem. Sya ang mauuna, at ikaw, Second ka na lang." Sabi sakin ni Zach, Imaginin nyo na lang na sinasabi nya yan habang nakapout at nangaasar.
Inirapan ko na lang sya at kumain na.
"Errr--That church isn't beautiful. And that arc Isn't beautiful too. Eww" Sabi ni Mandy habang nakatingin sa laptop ni Zach
'Ang arte nito. Isa pa to, babalatan ko to ng buhay.'
"Huwag ka ngang maarte. Pinaghirapan ng mga Espanyol gawin ang mga iyan. Well, Mas matanda pa itong arc at church na ito kesa sa Lola at Lolo mo 'no. D-diba F-flora?" Sabi ni Zach.
Napatingin naman si Flora kay Zach. Alam nyo bang may something sa dalawang tukneneng na ito? Yes. Tama ka ng basa Ineng/Utoy. May something sa kanilang dalawa kaso ayaw mag first move ng torpeng si Zach.
Nauutal pa nga sya kapag kinakausap nya si Flora. Mga ulul talaga Tss.
"A-ahh Hehe. O-oo" namumulang sagot ni Flora.
"Hay nako! Ewan ko kung bakit Engineering ang course mo Zach! Eh magaling ka sa History, Bakit Hindi ka nag educ?!" Tanong ni Cris.
"Errr-Eh sa gusto nya at nasa Engineering ang Puso nya eh Tss. You're so Bobo." Mataray na sagot ni Mandy.
Oh well. Matagal ng may lihim na gusto itong si Cris pero ayaw nya lang talagang ma reject ni Mandy kasi Sobrang taas ng Pride nya. At halata namang Hindi sya type ni Mandy kahit maitsura sya. Look? Tinatarayan sya hahaha!
"Oo nga Cris hahaha. Bobo mo talaga hahahaha! Hayaan mo na si Zach Kasi kahit weird yan, Matalino naman eh Hahaha!" Parang tangang sabi ni Ivan.
Nakita kong tumingin si Anne kay Ivan. Well, si Anne lang ang nagmamahal ng patago kay Ivan. Si Ivan kasi masyadong mataas ang standards sa mga babae at ayaw nya kay Anne dahil nga ayaw nya sa simple.
Sabi ko na lang kay Anne, Huwag nyang baguhin ang sarili nya para lang magustuhan ni Ivan
-------
Last period na namin Ngayong hapon. Kating kati na akong umuwi dahil madami pa akong gagawin sa bahay.
"Class. Answer this Short quiz." Sabi ni ma'am.
Short quiz pero hanggang 20 items, yung totoo Ma'am? Chos.
Sinimulan ko ng magsagot.
"Ms. Dominguez?" Tawag sakin ni ma'am.
"Y-yes ma'am?" Sagot ko.
"Mr. Salvidar has a 100% chance to be in the first Rank. I think you should be aware Ms. Dominguez" Sabi ni ma'am.
I'm aware of that. Tss.
"Yes ma'am." Sagot ko.
Ano bang iniinom ng Aeious na yon at parang sobrang talino nya? Lagi na lang syang bukambibig ng lahat ng prof ko. Nakakabingi, Sobra.
At kaninang tanghali nakita ko sya, Nainis na naman ako. Bakit kasi kailangan engineering din ang tukneneng na iyon?
Aaminin ko. Pine pressure ako ni nanay sa pagaaral kaya nga lagi akong nagpupursigi na magaral ng bongga kaya lagi akong nasa rank 1. At sa sobrang pressure na binibigay sa akin ng nanay ko, Minsan umiiyak ako kapag bumabagsak ako sa mga subject na hindi ko kaya. Na de depress ako pero hindi ko pinapakita.
Minsan na din akong pinalayas ni nanay ng malaman nyang may bagsak ako sa isang subject. Ayaw nyang napapahiya, Dahil iniisip nya ang sasabihin ng mga kumare nya. Nakakagago lang.
Natapos akong magsagot at nag check na kami ng papel.
Naka 16/20 ang katabi ko at ako.. 18/20. Pakingshet. Hindi ko na kaya, Naka 18lang ako at na perfect ng Aeious na iyon ang Quiz na ito, Oo Naperfect ya ulit, narinig ko ulit sa isa kong prof tss..
"Goodbye class" Paalam ni ma'am.
Nagmadali akong ayusin ang bag ko At lumabas ng room. Dumiretso ako sa Gym at habang naglalakad ako naramdaman kong isa isang tumutulo ang luha ko. Buti na lang walang tao dito sa gym.
Umupo ako sa isa sa mga upuan doon.
"Tangina naman kasi eh, Bakit kailangan kong maranasan ito. Nakakaputa!" sinipa ko ang isang upuan.
Umiyak lang ako ng umiyak. Ginulo ko ang buhok ko at pinagsasabunot ito. Nababaliw na yata ako.
"D-depress na depress na ako! Hindi ko na kaya! Yakapin mo naman ako Lord, Alam ko namang Wala kang binibigay na pagsubok na hindi ko kaya..... Pero kasi... Hindi ko maramdaman maging malaya! Aral dito, Aral doon. Hindi ko na enjoy ang highschool life ko kasi wala akong ginawa kundi gumawa ng assignments... Mag review... Gumawa ng projects! Magdala ng mga props para mag ka grade! Lord, Hindi ko na kaya eh... Hindi na po." Tumungo ako at humikbi. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa harapan ng gym.
"Wala man lang magtanong sakin kung Okay lang ako! Kung Hindi na ako nagsasawa dahil yung mundo ko! Umikot sa Ilang daang notebooks na may nakakahilong notes, Nalunod Sa ilang daang formula na sinaulo ko.... Nakakagago! Nakaka depress! Yung nanay ko..... Saan ba ako nagkulang?! Bakit kailangan i pressure ako ng ganito?! Mygoodness 20's Pa lang ang edad ko! Pagod na pagod na ako at ngayon! Iniiyakan ko ang lintik na quiz na kahit dalawang mali lang, Nagda drama ako! Bwisit, Bakit kasi kailangan mag transfer ng Aeious na yon!" Napahilamos ako sa mukha. Sinipa ko ang upuan sa harap ko at binato ang mga plastic na upuan. Bahala na kung madatnan nila ito ng magulo.
"Kasalanan ko pala lahat." Nagulat ako ng makita ko si Aeious sa tabi ko.
Nakatayo sya at nakita nya akong umiiyak. Sa dami rami ng makakakita at sa dinami rami ng makakaring sa kabaliwan ko, sya pa. Bwisit!
"Oo! Oo, kasalanan mo! Ngayon, Hindi ko alam kung baliw ba ako pero iniiyakan ko ang lintik na----"
Hinila ako patayo ni Aeious at nagulat ako sa ginawa nya.
Niyakap nya ako.
"Umiyak ka lang." sabi nya.
"Tanga ka ba?! Akala ko papatahanin mo ako, bwisit!" Akmang lalayo ako sa pagkakayakap nya sa akin pero niyakap nya ulit ako.
"Oras mo para ilabas lahat ng sakit, pagod, at hirap. Maswerte ka at may taong yayakapin ka ngayong nasasaktan ka... At.. Tristane, Kaya mo yan. Ako lang ang challenge sa buhay mo..."
Lumakas ang tibok ng puso ko. Pero hinayaan ko na lang na umiyak ako. Kailangan ko ito.
BINABASA MO ANG
Without You
RomantizmNasanay ako sa kinagisnan ko at para sa akin? Normal akong nabubuhay ng hindi ko pa sya kilala. Pero hindi ko inaasahan na marami akong matututunan ng matuto na akong magmahal.