Kabanata 6
"Ano na Margaret? Matagal ka nang nangangako sa'kin. Bayaran mo na 'ko!"
"Pasensya na talaga Mards. Walang wala talaga kaming pera ngayon... Madaming gastusin sa bahay,"
"Hay ewan ko sayo, Ilang buwan mo ng sinasabi yan sakin. Hirap na hirap din ako, Alam mo yan."
"Titignan ko Mards. Talagang wala din akong matanggap na pera sa asawa ko, Madami din kaming utang. Wag kang magalala Mards, Nagawa naman ako ng paraan eh. Talagang Gipit lang kami ngayon..."
"Pangako na naman yan?! Ewan ko sayo ha, ikaw na may asawa, hindi ka makapag bayad, hindi ka man lang natutulungan ng asawa mo?! Aba"
"Pasensya na talaga mards. Gustong gusto ko ng makapag bayad kaso wala talaga kaming pera, Madaming bayaran sa school ngayon at sa kuryente. Nagawa naman ako ng paraan.."
Nagtatago ako sa tabi ng bahay namin at nakita ko ang isa sa pinagkakautangan namin. Kakauwi ko lang ngayon dahil pinatahan pa ako ni Aeious, Lagot ako kay nanay kasi malapit ng gumabi. Sasabihin nya may Boyfriend ako at etc.
Pagkatapos ng pagmamakaawa scene ni nanay sa Inuutangan nya, Umalis na yung babae at ako naman ang pumunta, papasok sa bahay namin.
"At bakit ka maggagabi ng umuwi ha? Saan ka na naman nagpunta!?" Sabi ko na nga ba, magsisimula na naman si Nanay.
Umiling na lang ako at dumiretso sa kwarto namin, Umupo ako sa kama at naramdaman kong sinundan ako ni nanay.
"Nga pala Lexus, Hiniram ko muna ang pera dyaan sa lalagyanan mo ng pera. Binayaran ko yung isa kong pinagkakautangan" Sabi ni nanay habang nakaharap sakin.
"Po? Pambayad ko yun-----"
"Magbabayad ka na naman?! Aba Wala na akong pakialam don, dapat tinago mo sa hindi ko makikita!"
"Nay naman! Alam nyong marami akong pagbabayaran sa school tapos kukunin nyo pa yan? Pinaghirapan kong ipunin yon!"
Madami pa kong pagbabayaran, Lagot na talaga ako, Paano ako makakapagtest? Paano ako makakagawa ng projects? Paano ako makakagawa ng Reports? Ilang buwan kong pinagkaipunan yan, Ilang buwan akong hindi kumain ng maayos.
"Edi sabihin mo wala ka pang pera! Sinasabi ko sayo Dapat hindi ka na lang nag college noon pa man! Pabigat ka lang! Umalis ka nga dyan, Magpalit ka na ng uniform mo! Labhan mo yan, Meron ka pang uniform na lalabhan doon!"
Tumitig ako kay nanay. Naramdaman kong naluluha na ko, Kailangan ko yung pera eh.. Lagot ako nito. May pa project pa kaya kailangan ko ng pera para makagawa. Si nanay naman kasi.. Huwag nya na kasi akong idamay sa pinagkakautangan nya.. May sarili din akong pinagkakagastusan.
"Alam mo Lexus?! Ang damot damot mo! Ganyan ka na kapag naka graduate at nakapag trabaho ka! Hindi mo ibibigay ang sweldo mo samin, Dapat hindi ka na nagaral! At sana hindi na lang kita pinag-aral!"
'Akala ko ba ako ang pag-asa sa pamilya namin kaya pinagaaral nila ako ni tatay?'
"Nay may pinagkakagastusan din ako! Kapag may sobra akong pera binibigay ko sa inyo! Yung mga inuutang nyo sakin kahit sobrang laki na hindi nyo naman nabayaran"
"Ako pa ang may kasalanan? Sa tingin mo saan ka lalamon kung hindi mo ako papautangin?! Aba huwag kang magdrama dyan Lexus! Lahat ng pinapautang at binibigay mo sakin, nagagamit ko, Kung hindi ako matino edi sana namatay ka na sa gutom!"
"Umalis ka sa paningin ko lexus! Baka kung ano pa magawa ko sayo, umalis ka dito!"
'Siguro stress lang si nanay kaya ganyan sya ngayon'
------
Pagkatapos kong labhan ang mga uniform ay dumiretso ako sa kama at nagreview. Bwisit, bukas may exam na naman.. Makikita ko na naman si Aeious at perfect na naman sya sa quiz at paguusapan na naman sya ng mga prof ko doon. Tsk, Nakakasawa.
Nilapag ko ang mga notebooks ko at sinimulang review-hin bawat subjects. Natatandaan ko naman yung iba eh.. Pero hindi ko parin maalis sa isip ko yung sinabi nya kanina....
'Oras mo para ilabas lahat ng sakit, pagod, at hirap. Maswerte ka at may taong yayakapin ka ngayong nasasaktan ka... At.. Tristane, Ako lang ang challenge sa buhay mo...'
Napangiti ako ng maalala ko yon. Naalala ko tuloy ng sinabi nyang umiyak lang ako, Hahaha akala ko nangaasar na sya, at gusto nyang makita lang akong umiiyak.
Ewan ko pero medyo gumaan ang loob ko sa kanya...
Ugh! Tristane, Hindi pwede, Baka dahil dyan sa pagpapagaan nya sa loob mo, Lalo ka nyang mapaikot, At tuluyan na syang maging rank 1.
-------
Maagang natapos ang dalawa kong subject ngayong araw. May meeting daw ang mga teachers. . .
Kaya ngayon, Nandito kami ni Ivan. Kami lang dalawa dito sa Cafeteria, May gagawin pa daw na assignments sina Mandy.
"Hmm. Tane, Nakita nga pala kita kahapon." Biglang sabi ni Ivan.
"Ha?" Ulit ko. Saan nya ko nakita? Hala, baka nakita nya kong nagsasalita magisa na parang nauulol na aso? At nakita nyang nakayakap ko si.... Ah wala. Tangina, kapag naaalala ko yon.. may kakaiba.. Tss.
"S-sa Gym. Lalapitan sana kita, kaso... Nakita ka na ni Aeious..." Sabi nya at pinagpatuloy kumain.
Tumingin ako sa kanya.
"Umiyak ka dahil natataasan ka na ni Aeious no?" May kaawaan sa mukha nya ng tinanong nya yan.
Dahan dahan akong tumango pagkatapos ay tinuon ko ang sarili ko sa pagkain.
"Nakakatawa lang... Kasi, dapat ako yon..."
"H-ha?" Ano daw?
"Dapat ako yon Tristane. Kasi ang Akward non hindi ba? Umiyak ka dahil sa kagagawan ni Aeious tapos sya pa ang Yayakap at magpapatahan sayo . . ." Makahulugang sabi nya.
"A-ah.. Hahahaha. Hayaan mo na, tapos na yon." Sabi ko.
"Mas maganda sana kung Ak-----"
"Tristane!" Napalingon ako sa harapan ko at nakita kong may dalang tray si... Aeious?
"Oh, Bakit ka nandito?" Tanong ko. Umupo sya sa harapan ko at nagsimula ng kumain.
"Wala akong kasamang kumain." Nakangiting sabi nya.
"Eh---"
"Wag ka na ngang umangal, Tss. Ang arte mo, Bayad mo na to sakin dahil sa ginawa ko kahapon" Aba! Utang na loob ko?! Nangpuputol na nga sya sa sasabihin pati sa paguusap namin ni Ivan, Eepal agad sya?!
"Ahh, Utang na loob ko pa?!"
"Hindi. Tss, kumain ka na nga lang." Sabi nya.
"Ahh, Ivan, Ano nga palang sasabihin mo? Anong mas maganda?" Tanong ko kay Ivan.
"Ah, wala. Kumain ka na" sabi nya at pinagpatuloy ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Without You
RomanceNasanay ako sa kinagisnan ko at para sa akin? Normal akong nabubuhay ng hindi ko pa sya kilala. Pero hindi ko inaasahan na marami akong matututunan ng matuto na akong magmahal.