Kaya pala. Kaya pala ganoon ang mga akbay nya, mga hawak nya sa akin noon simula bata pa ako. Kaya pala lagi nya akong nilalapitan, lagi nya akong tinitignan ng malagkit.
Pagkatapos ng nangyari noong isang linggo, hindi ko na pinapansin ang ninong ko. Pilit nya sakin pinapaliwanag na nakainom lang sya, ang hirap magpatawad,
Hindi ko na din dinamdam yung nangyari at pilit na kinakalimutan yoon. Hindi ko sinasabi sa nanay ko yung nangyari kasi iba syang magalit. Ibang iba..
Hindi ko din alam pero madalas na akong matulala. Lagi akong tinatapik ng mga kasama ko sa school kapag groupings at kadalasan tulala ako kapag nagtuturo ang professor namin .
Takot na din ako sa mga matatandang lalaki except kay tatay. Hindi ko alam, pero kung natuloy yung pangbabastos sa akin ni ninong hindi ko na alam kung ano na ang tingin ko sa sarili ko.
Hindi naman nagbago yung pakikitungo ko sa ibang tao. Masayahin pa rin ako pero mas matured na ang iniisip ko paminsan-minsan.
Nasa cafeteria ako at nakapalibot sa akin ang mga "group-of-friends" ko.
Si Flora Malvar, mataba na medyo cute.
Mandy Vibora, medyo mataba pero nagdidiet hahaha!
Anne Sanchez, mapayat at may pagka tomboy.
Cris Asuncion, Madaming babae pero ang pangit!
Ivan Ramos, Mapayat, Maputi at player, ng mga puso ng babae, hahaha!
Zach Marquez, ang matalino sa amin, pero madldal.
Lahat sila kumakain at habang ako, nakatunganga. Wala kasing binigay na pambaon sa akin si nanay, echos! Pang pamasahe ko na lang. Nakakaasar.
Hindi pa kasi kami nakakabayad sa utang, sad 'no? Napaka utangera kasi ni nanay. Hahaha!
"Hoy! Bakit lagi ka na lang bang tulala tapos hindi ka pa nakain? Anong nangyayari sayo Tristane?!" Tanong ni Anne.
Wow! Grabe, alalang alala sya sa'kin. Tsk. Pakyu!
"Eh ikaw?! Bakit mo ko laging tinatanong ng ganyan?!" Mataray kong sabi at saka sya inirapan.
"Wag mo nga akong iniirapan! Masyado tong maldita! Kaya nga WALA KANG LABLAYP EH!" Pasigaw nyang sabi. Napatingin tuloy mga ibang estudyanteng kumakain dito sa cafeteria.
Ayan kasi, kailangan ipaglandakan na wala akong lovelife? Na walang nagtangkang manligaw sa akin kasi napaka taray ko? Kasalanan ko bang mataas ang standards ko? Kasalanan ko bang hindi pa ako nai-inlove?! Tangina lang.
Sinamaan ko na lang si Anne. Palibhasa umaasa lang sya sa crush nya na si Ivan. Susmaryosep. Wag ako!
Pucha, gutom na gutom na ko. Huhuhu!!!!!!!
"Flora, ang ganda mo ngayon! Hahahah, ang ganda ng kilay mo ngayon tas, anong gamit mong foundation? Hahaha alam----" naputol ang papuri ko tungkol sa mga make up na nakalagay sa mukha nya.

BINABASA MO ANG
Without You
RomanceNasanay ako sa kinagisnan ko at para sa akin? Normal akong nabubuhay ng hindi ko pa sya kilala. Pero hindi ko inaasahan na marami akong matututunan ng matuto na akong magmahal.