Kabanata 9

9 0 0
                                    

"We're here." sabi nya at saka humarap sakin pagkatapos bumaba sa bike.

Bumaba na rin ako sa bike ko. Napatingin ako sa paligid ko at napanganga ako, Hindi ko alam na merong ganto dito na medyo malapit sa baranggay namin. Medyo lang naman.

Napapaligiran kami ng palay sa kaliwang bahagi at sa isa namang bahagi ay puro gulayan. Ang hangin hangin nga dito, Tangina, Tinatangay yung cap ko!

Nakita kong umupo si Aeious sa malapit na bench. Sa tabi ng bench ay merong malalaking puno.

Umupo ako sa tabi nya. Hindi naman tabing tabi. May mga 10 inches ang layo hehe!

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

"Tss. wala akong kasamang gumala." sabi nya.

Naggagala din pala ang isang katulad nya? akala ko puro aral lang din ito kaya puro pasa ang scores nya. Hindi pala pasa, wrong term yon, Perfect scores ang dapat itawag.

'Ang talino kase! Tss. Talino ng gagong to!!!'

"Ahm.. Ang hangin no? hahaha!" daldal ko.

Hindi ako komportable sa tahimik lalo na at mukhang tanga si Aeious na nakatulala.

"Malamang. Nararamdaman ko rin. Hindi ako manhid."

Napatingin ako sa kanya

"Hindi tulad nya..." narinig kong bulong nya.

Napangisi naman ako.

"Aha! May pinagdadaanan ka 'no?! Hahaha! ang isang aeious!? Nagmamahal pala! Hahaha!"

Sa totoo lang ay napatawa ako. Akala ko ay puro aral lang talaga at adventures ang trip ng buhay nya pero----

"Lahat naman tayo nagmamahal." Sagot nya.

..... hindi pala...

Ang kaninang ngiti na meron ako ay napalitan ng seryosong mukha. Natigilan ako sa sinabi nya..

Nagmahal na ba ako? Umikot na yata ang mundo ko sa pag aaral at sa mga kaibigan ko kaya hindi na ako nagkaroon ng time pumili ng lalaki. Nagmahal na naman ako, pero pamilya at kaibigan lang ang minahal ko. Hindi yung mga lalaking hindi ko kaano-ano.

"Nagmamahal ka ng manhid." sabi ko.

Tumango sya. Ewan ko pero ang seryoso ng atmosphere dito sa aming dalawa.

"Oo pero hanggang kaibigan parin ang tingin nya sa akin..."  Sabi nya.

Sino kaya yung nagugustuhan nya? Sabagay, Sino magkakagusto sa hinayupak na 'to?! Joke. Ang daming nagkakandarapa wait----

"Mygad Aeious! Ang daming nagkakandarapa sayong mga babae, naalala mo nung nakita kita na pinaliligiran ng mga babae? O diba! Tapos naririnig ko yung ibang babae na pinaguusapan ka----"

"Selos ka naman?" Nakangising sagot nya.

"Ulol mo! Mag gugustuhin kong magalaga na lang ng tuta kesa magkandarapa sayo... Isa kang malaking gago na harang para maging rank one ako sa batch!" Sabi ko at umirap.

"Hahaha! Tama ka naman eh.. Ang daming babae dyan pero sa kanya pa rin ako baliw..." sabi nya.

"Hahaha! Okay lang yan. Makakahanap ka rin ng iba dyan. Yung babaeng hindi ka kakaibiganin! Yung hindi ka na magmamahal ng patago sa kanya kasi pareho kayong may nararamdaman sa isa't isa" sabi ko sabay kindat sa kanya.

Tumingin ako sa paligid ko. Medyo maghahapon na... Tapos na yata ang laro ni kuya! Ugh. Kailangan ko na ba umalis? Tangina nakakatamad! Ang ganda ganda dito at peaceful ang paligid! Mamaya na ko babalik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon