"Kahit kelan, hindi ako pupunta sa kasal nilang dalawa... Bahala sila" sabi ni nanay.
Natapos akong kumain at niligpit din ang pinagkainan nila.
May planong magpakasal si kuya kay ate trice,
Ang hirap naman yata nun... Paano kapag nagsawa agad yung isa sa kanila? Edi magdi divorce? Sayang naman yung ginastos nila para ikasal. Nakooo,
Kaya ako? Hinding hindi ako magaasawa!
Dumiretso ako sa kwarto. Humiga ako at nagisip isip.
Sa buong buhay ko, hindi naman ako na inlove.. Kahit crush... Hindi ko talaga trip magkagusto sa lalaki noon.. Puro pa pogi lang naman kasi eh.
Hindi din ako nagtangkang magkagusto sa mga lalaking pogi "lang" excusemeeeee! Pogi nga... Ang obob naman at bastos! Sus, wag ako mga dre!
Minsan nga, nireto ako ng mga kaibigan ko sa ilang mga lalaki. Abay mga gaga! Maitsura nga mukha namang pagnanasa ang hanap, kadiri lang!
Minsan din nilang inisip na tomboy ako, oo! Tomboy, o kaya tibo. Mga gagang yun! Ang ganda ganda ko tapos paggiisipan nilang tomboy ako!?
Well, kaya lang naman nila naisip yun ay dahil wala akong taste sa lalaki. Dapak! Pogi lang naman hanap nila!
Gusto ko yung all in one! Pogi na nga, kaugali pa ni tatay. Hehe!
"Anak. Tara, pupunta sa ninong mo." Sabi ni tatay.
Kapag walang pasok at may free time, dun kami napunta kay ninong... Na laging lasing.
Ewan ko ba, hiniwalayan na nga sya ng asawa nya pero di pa din tumigil sa kakainom. Kawawa ang anak nya, graduating pa naman ng high school.
Bumangon ako at nagpalit ng damit.. Sa kabilang bayan pa ang bahay nila pero mabilis lang kapag naka motor.
Naka short ako na hanggang tuhod at T-shirt na matino.
"Tay, tara na."sabi ko at pinaandar na nya ang motor. Sumakay na ko sa likuran nya.
"Nay! Aalis na po kami!" Paalam ko.
"Sige, hoy teka lang! Saan ang punta aber!?"
"Kay ninong po."
"Ah sige, ingat kayo!"
----
Nandito na kami sa bahay ni ninong. Nakita ko ulit ang naka balandrang lambanog at pulutan. Umiinom magisa. Tsk.
Nakita kami ni ninong at pinaupo.
"Ano, p-pare, kamusta na?" Medyo lasing na si ninong.
Grabe, tanghaling tapat umiinom.
"Ah,pare, pinapatanong sakin ni boss kung bakit di ka na pumapasok. Lahat ng pinagkakautangan mo dinadalaw ka sa office! Patay ka na nyan." Sabi ni tatay.
BINABASA MO ANG
Without You
RomanceNasanay ako sa kinagisnan ko at para sa akin? Normal akong nabubuhay ng hindi ko pa sya kilala. Pero hindi ko inaasahan na marami akong matututunan ng matuto na akong magmahal.