Kabanata 7

11 0 0
                                    

Kabanata 7

"Ang sama mo, Wag mo ngang ganunin si Anne," Sabi ko habang kausap ko si Ivan.

Magkatabi kami ngayon at wala pa ang prof namin, Ang tagal nga eh. Kaya matagal na kaming nagdadaldalan ni Ivan dito. Si mandy at Zach, natutulog. Si flora naman, nakain ulit at si Anne ay nasa labas, Nakain yata sa cafeteria.

Pinagusapan namin ni Ivan si Anne. Sinasabi nya sakin na ayaw nya talaga kay Anne. Hindi naman daw sa pagiging simple nya eh, Dahil daw hindi nya talaga gusto si Anne. Yun lang daw, Period.

"Gusto ko naman talaga sa Simple. Wala lang akong magagawa kung hindi ko magustuhan si Anne. Pati, Wala naman syang gusto sakin ah.."

"Wala nga... Kahit na, Bagay kaya kayo." sabi ko. Dapat hindi malaman ni Ivan na may gusto si Anne sa kanya, kundi? lagot ako kay Anne. Hahaha!

"Hahaha! Hindi naman" Sabi nya.

-------

Pagkatapos namin sa isang subject ay meron pa akong isang subject. Sa kung saan, Kaklasi ko si Aeious.

"Huy, May exam ngayon ah, Nagreview ka na?" Narinig kong tanong ng isang babae doon sa katabi nya.

"Waaaa! Hindi pa! Magre review pa nga pala ako!" Sabi nya tsaka binaba ang cellphone nya.

May exam nga pala ngayon... At... WALA AKONG PAMBAYAD! ANONG IPANGBABAYAD KO? SARILI KO KAY PROF?

Huwag ganon Tristane! Ang halay mo. Di ka lang makakabayad ngayon, Hindi mo kailangan ibayad sarili mo no.

Bukas, Makakabayad din ako. Uutang lang ako kay Mandy o kaya kay Flora.

"Okay class. You'll take an examination, Ang walang pangbayad ngayon for exam ay hindi makakakuha ng exam. Clear?"

"Yes----"

"SIR!" Napasigaw ako kay Prof dahil nga wala akong pambayad.

"Yes, ms. Dominguez?" tanong nya sakin.

"W-wala po akong pangbayad..." Nakatungong sabi ko.

'Halaaaaa'

'Yari ka, Tristane... Babagsak ka na...'

'So, si Aeious na ang papalit dahil matik, Bagsak na si Tane Dahil di sya makakatake ng test?'

'Hayssst. So poor.'

Ang dami kong narinig na bulung bulungan. Naiiyak tuloy ako, Si nanay kasi...

"So, You wouldn't take the Exam. it's your fault anyway Ms. Dominguez." Mataray na sabi ni Sir.

"No." Narinig kong sabi ni Aeious kay Sir.

" Is there a problem Mr. Salvidar?" Tanong nito.


"Ako ang magbabayad sa examination nya ngayon."


Natulala ako sa sinabi nya. Gusto kong sumigaw, gusto kong tumili dahil napaka bait nya sakin kahit minsan mukhang masama dahil nakasimangot kapag wala sya sa mood


"Okay. Ms. Dominguez Thank him later" Napakindat at napangiti si Sir sakin. Binigay nya ang test paper.

'Bakit kaya binayaran ni Aeious si Tane?'

'May gusto kaya si aeious sa kanya?"

'Hmm. Pa eksena tong si Tane.'

Napatungo ako sa mga narinig kong boses mula sa mga kaklasi ko.

Basta ang mahalaga makapag test ako tapos magpapasalamat ako mamaya kay Aeious.




------

Lunch Break ngayon at kakatapos ko lang kumain. Hinahanap ko si Aeious ngayon

Naglalakad ako sa may hallway at habang naglalakad nakakita ako ng limang clown na babae. Grabe ang make up ha!


"Fafa Aeiousssss! Eat meeeeeee!"

"Omygod Aeious you're so handsome!"

"I like you talaga Baby Aei!"

"I brought some foods for you oh!"

"Baby, Samahan mo ko later sa mall ha? Date tayo Yieee~"

At nagtilian sila. Nakita ko ang galit na mukha ni Aeious, nakapalibot sa kanya ang limang babae at parang pinagnanasaan sya hahaha!

"Umalis na kayo dito..." Pakalmang sabi ni Aeious..

"UMALIS NA SABI EH!" pasigaw na sabi nya.

Natakot ang mga haliparot na babae sa kanya kaya umalis na ang mga clown na yon.

Nasa bulsa ko ang kanang kamay ko at sumandal sa poste sa may hallway. Sumipol ako ng parang pa chillax chillax na babae sa kanto habang nakatingin sa kanya  at pinipigilan tumawa.

Lumapit sya sakin.

"So, Are you enjoying watching those girls flirting In front  of me?" Nakatitig na sabi nya sakin at nakangisi.

Habang nakasandal ako sa poste ay nilagay nya ang kamay nya doon at nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Hindi. Natatawa lang." Sagot ko.

"Ohh Haha, So what are you doing here?" Tanong nya.

"Gusto kong magpasalamat." Nakangiting sabi ko, Hindi ko na pinansin ang mukha nyang malapit sa akin na ilang sentimetro na lang ay malapit na kaming magkahalikan.

Hindi ko na lang pinansin ang puso ko, Lintek, Ano na to? Bakit kinakabahan ako?! Bwisit.

"Ohh, Welcome." Nakangiting sagot nya.

"Pwede ba lumayo ka sakin at baka masapak kita!" Sabi ko at pinakita ang kamao ko.

"Hahahaha! Sapakin mo na lang ako kapag hinalikan na kita"

Kumindat sya at lumayo sa kin, Umalis na sya sa harapan ko. Shet, Buti na lang walang nakakita dito... Shet talaga!



----

Sorry, Unedited. Sorry if there's a wrong grammar. Happy new year! 🎉✨🎆🎇🎊

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon