😇 Angel Mission

33 1 0
                                    

Angela -- isang anghel na ipinadala mula sa langit , a GUARDiAN ANGEL --may maamo at inosenteng mukha. nakaputing suot na may mahabang pakpak.

Siya ay Napadpad sa Mundo dahil sa isang mission. Inatasang bantayan ang isang lalaking nagngangalang Ian.

Ian -- isang lalaking ubod ng sama bagkus hindi naman talaga siya masama dati, Lumihis siya ng landas at nakagawa ng hindi kanais kanais na mga bagay. ngunit binigyan siya ng pagkakataong magbago sa pamamagitan ng kanyang anghel dela Guwardiya

Pano kung magpakita sa kanya ang kanyang Guardian angel ? ito na ba ang simula ng kanyang pagbabago o ipagsasawalang-bahala niya lang ito ?

THE BEGiNNiNG

Nagliwanag sa ere at ang ilaw ay unti unting bumaba sa lupa

Naglaho ang liwanag at may nakatalukbong na pakpak . Pagbukadkad niya ng kanyang pakpak isang Anghel ang nasilayan ni Ian. Napanganga si Ian halos malaglag ang kanyang panga sa kanyang nasaksihan.Napakaamo ng kanyang anyo malumanay ang kilos at napakarilag na babae.

Kagagaling lang ni Ian sa inuman. (LakLak ng LakLak) ang kanyang hilig. Wariy hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Hinawak-hawakan niya ang Anghel. Lalo na ang kanyang pakpak na mahaba. Teka saan ka ba galing? Ganda ng Costume Party mo ahh ! "wika ni Ian na humagikgik sa tawa. Ngunit hindi nagsasalita ang anghel pinagmasdan niya si Ian sa mata -eye contact sila- bigla namang natahimik si Ian. Nangungusap ang mata ng Anghel wariy nagsasabing tumigil ka na "dahil mali ang iyong ginagawa" natigilan si Ian dahil narinig niya ang mga salitang iyon sa kanyang isip.

Kinilabutan si Ian, kaya Tumakbo siya ng tumakbo palayo sa Anghel. Ngunit hinabol siya nito at Lumipad papunta sa kanyang harapan , ngumiti ng matamis ang Anghel, nakakahalina ang awra nito kayat nailang si Ian. Hindi ka ba natutuwa ako ang iyong Guardian Angel si Angela. wika ng Anghel na may nakakapawing tinig

Hinahaplos ng Anghel ang ulo ni Ian habang itoy natutulog, dahil nawalan siya ng malay kanina. Pagmulat niya ng kanyang mga mata nakita niya ang Anghel --nabigla siya ulit at nalaglag siya sa kanyang kama. Nagsabi si Ian na wag na siya nitong kausapin sa isip at sumang-ayon naman ang Anghel. Akoy Nagpakita dahil sa isang Misyon. akoy mamamalagi kasama mo hanggang sa tuluyan kang magbago (nagkaroon ng katahimikan sa paligid)

Tik tock tick tock - tanging tunog ng orasan sa dingding ang naririnig . So, anong gagawin ko sayo. Pano kung makita ka ng mga tao? namomoblemang sambit ni Ian. Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay may dumating sa kanyang condo. Kumatok ang kanyang Foster Dad. Nagulat siya sa kanyang nakita, hindi dahil sa Anghel kundi dahil maraming kalat sa kwarto. Nagtaka si Ian dahil hindi niya nakikita ang Anghel. Pinagsabihan siya ng kanyang Foster Dad ng mga masasakit na salita kesho wala ng patutunguhan ang kanyang buhay-- dahil sa pakikisama nito sa mga basagulero niyang barkada, tutol din ang kanyang daddy sa nakahiligan niyang pagbabanda. Nasa U.S.A si Ian inampon siya ng isang may kayang Pamilya,ngunit laking pagsisisi ng kanyang Foster Dad ang pag-ampon nito sa kanya. Dahil nilulustay niya ang kanilang pera sa walang kabuluhang bagay, tulad ng pambabae,pagpunta sa mga Club,at isa pa siyang sugarol.

Magsasalita pa lang si Ian sa Kanyang Foster Dad ay pinigilan na siya ng kanyang Guardian Angel,dahil ang lalabas sa kanyang bunganga ay pulos mga palaban na salita. Dahil sa kapangyarihan ng anghel nagawa siya nitong maging utal. Pabulol lahat ang boses na lumalabas at mga huni ng ibat-ibang hayop ang nabibigkas ni Ian.

ANGEL ANGELA said: "Honor your father and your mother, so that you may live long in the land the LORD your God is giving you. -- ituring mo silang parang iyong tunay na magulang dahil ikaw ay biyayang ipinagkaloob sa kanilang buhay. Huwag mo dapat sayangin ang tiwalang ibinigay saiyo na maging mabuti at karapat dapat na anak. Kahit ipina-ampon ka ng iyong totoong magulang ay huwag kang mapoot sa kanila, dahil meron silang mabigat na dahilan. Love will lead to forgiving others. Lalong naguluhan si Ian dahil alam lahat ng Anghel ang kanyang talambuhay. Nagwika ang anghel na " Ang Lahat patungkol sayo ay alam ko dahil ako ang iyong tagabantay a Guardian ANgel " Ngunit matigas ang ulo ni Ian nagmadali itong umalis at nagpunta sa kanyang kabarkada.

♛  ❤ (LOVE - Shots Collection) ✞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon