Andito ako sa Fine Art Gallery Janitress ako dito Yung mga tinatapon nilang drawing iniipon ko. Ginagawa kong display sa bahay. Solo akong nakatira sa maliit na studio type. Kung naitatanong niyo kasama ko yung imaginary Friend ko. Si Sammy. Nilikha siya ng aking wildest Imagination. Malungkot ako dahil mag-isa lang ako. Naging Janitress ako para kahit papano makakuha ako ng Ideya sa Fine art palihim akong natututo at nakikinig sa mga lesson nila. Makikilala ko yung lalaking seryoso at may pagkasadista Isa itong Artist lahi sila ng magagaling na Pintor. Yung Lolo niya gusto nitong magkaroon ng puso ang bawat likha niya. Dapat may maipakilala si Jonathan na babaeng papakasalan niya para siya ang maging FineArt CEO ng Company ng Lolo niya at di mapunta sa pinsan niyang si Jeremiah. Mapipilitan akong magpakasal kay Jonathan dahil magigipit ako. Pero di ko pwedeng talikuran yung imaginary friend ko dahil siya yung Wildest Dream ko. Nang ginuhit ko siya sa Papel lumabas yung mukha ni Jeremiah na pinsan niya.
Jonathan nagagalit yung Lolo niya. Dahil hindi nito maipaliwanag kung anong Concept yung ginawa niyang Drawing. Bakit ano itong kabayo at hinahabol niya itong babae sa drawing.
Unicorn po ang tawag diyan Lolo tumatakbo yung babae dahil tutusukin siya nito ng sungay niya.
Hagikgik ng mga empleyado. Hindiko gusto ang ginawa mo at Hindi nakakatawa kailan ka ba makakagawa ng desenteng portrait. Pano kita gagawing CEO kung hindi ka professional.
Biglang sumeryoso si Jonathan gustong gusto niya talagang maging CEO ng Company. Kailangan mo na talagang magseryoso. Paborito kita Jonathan pero ibibigay ko ang pamamahala kay Jeremiah kapag hindi mo sineryoso ang trabaho mo.
Gusto lang naman kitang patawanin Lolo
Jonathan ang gusto ko magkaapo yung lang naman yung maibibigay mo sa akin para tumawa ako.
Kapag napili mo na yung babaeng magbibigay sayo ng inspirasyon sigurado makakabuo ka ng isang Obra maestrang ipagmamalaki mo.Isinapuso ni Jonathan ang huling kahilingan ng kaniyang Lolo.
BINABASA MO ANG
♛ ❤ (LOVE - Shots Collection) ✞
SpiritüelMga kwentong magpapatunay na ang Pag-ibig ay wagas. Hinango sa tunay at kakathang kwentong magbibigay tulong sa buhay spiritual Poems,Letters,Stories to help you grow spiritually in LOVE and Enlightenment ➳❤