❤ Past POEM

11 0 0
                                    

Ballpen/Boyfriend

Sa silid aklatan

Habang ako'y abala sa pagsusulat

May mga matang naliligaw

Nasalo ko ang kaniyang paningin

Binaling niya sa iba ang tingin

Paraan lang niya upang akin siya'y mapansin

Isang lalaking tahimik pa sa pagong

Namahay siya sa aking isipan

Gabi Gabi ko siyang napapanaginipan

Sana parehas kami ng panaginip

Upang kami ay pagtagpuin

Inabangan ko siya sa silid aklatan

Ngunit siya'y di ko napansin

Nawala ang aking ballpen

Hinanap ko ang aking gamit

Nakaipit ito sa isang aklat

Nang binuksan ko ang laman

Ito'y Liham ng pag-ibig

Nakapaloob dito ang tinatago niyang damdamin

Mahal kita sa bawat ligaw kong tingin

Ay nais kitang ligawan

ngunit ako'y may kasintahan

Kaya di kita malapitan

Pumatak aking luha

Paglipas ng taon

sa dating silid aklatan

Nahulog ang aking ballpen

Pinulot ito ng isang salarin

Nakabunggo niya ko't humingi nang paumanhin

Heto ang iyong ballpen,pwede mo ba akong maging boyfriend?

Akoy kaniyang inangkin

Ang tahimik na pagong

Ay sing bilis na ng kuneho

Dahil sa aking ballpen

Isusulat ko ang kwento ng aming kasaysayan at kinabukasan

Ballpen/Boyfriend❤ ( EASY ONESHOT )

♛  ❤ (LOVE - Shots Collection) ✞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon