Pureheart ❤

3K 15 4
                                    

Pureheart

Kung tapat ang iyong puso. Hindi mo lang Mararamdaman. Makikilala niya ito. Sayo niya pinagkakatiwala ang kaniyang Salita.

Tunay ang pinapakita mong pagmamahal. Maging karapat dapat na tagasunod sa kaniya. Dahil ituturo niya sayo ang Daan patungo sa tunay mong landas.

Siya ang unang pagibig ko bago ako nagmalasakit sa iba. Kung nabuhay ako sa Panahon niya. Sana nakilala ko pa siya ng Mabuti. Ito siguro ang paraan niya para maipakita ko sa kaniya. Ang lubos na pangungulila ko. Naghahanap ako ng tunay na Pagibig. Hindi ko ito matagpuan ng mag isa. Kailangan ko ng tulong niya. Dito sa luha't kaluluwa ko sinisigaw ang pangalan niya. Gabi Gabi hinihingi ko ang patnubay niya. Sana ilayo niya ko sa masasamang Panagip. Nakinig siya sa aking hiling. Nag alala siya kaya binigyan niya ko ng alaala para lumakas. Narinig ko na ngayon ang makabuluhan niyang liriko. Naantig ako dahil Naintindihan din niya ko. Para sa kaniya mahalaga ang damdamin ko. Binuksan ko ang paningin ko mula sa pagkakatulog. Totoo siya at akoy kaniyang ginising. Pinasilip niya sa akin ang ngiting tagumpay. Ito ay karangalan aking hari. Nabighani ang puso ko. Sa pinakita niyang kagandahan hindi ko maipaliwanag.  Akoy kuntento na dahil nakilala kita. Sayo ako nagtitiwala ng labis at walang maliw. Gumaling ako't Gumalang ng taas noo sa kaniyang kapurihan. Hindi ko kailanman siya ipagpapalit. Binago niya ang pakikitungo ko sa ibang tao. Linalakbay ko Ngayon ang Daan papunta sa lugar niya. Nagsakripisyo at nagalay. Pinuno niya ng buhay ang puso ko. Mula ng dumating siya para sagipin ako nagkaroon ng kaliwanagan ang lahat. Ang dakila niyang pagmamahal ang pumukaw sa dalisay kong puso. Di ko kakalimutan ang mga pagsubok na tinuro niya nakatira siya sa aking kalooban. Hanggang wakas at sa walang hanggan. Ang kaniyang kariktan at kasikatan ay umabot sa aking espiritu. Puno ng pagpapalang lubos.

Blessed are the pure in heart, for they will see God.

Blessed are those who have not seen and yet have believed" (John 20:29).

Love is the best way to declare and show the invisible God.

Faith in a God we cannot see must be declared by actions of love that can.

Thank you for reading God blessed you. 

♛  ❤ (LOVE - Shots Collection) ✞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon