Infrastructure / The PAST And The FUTURE LOVE

42 1 0
                                    

Ano ba ang tunay na halaga ng buhay.  Nakikipag agawan ng buhay nakikipaglaban sa lahat ng bagay, nag uunahan makarating sa finish line o may masasandalan sa oras na mayroon pang buhay. Mahalagang may makapitan may malapitan sa pangangailangan. Infrastructure ito ang siyang sumusuporta sa pagsasamahan. Bakit may nawawala. Bakit may nagdurusa. Bakit ka nag iisa. Napapalayo sa mga mahal sa buhay. Nangangamba. Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa kaniya. Ilalaan ko buong buhay ko makagawa lang ng daan patungo sa buhay na walang hanggan. Yung matibay at magdudugtong sa aming dalawa. Kahit na lumalawak ang linalakbay ko. Kahit na ako'y lumiko. Sa dulo kami pa rin ang magkasama.

Mahal ko siya ayaw ko siyang mawala dapat ba kong palaging nandoon sa tabi niya. Gusto niya maglakbay sa malayo. Gusto kong manatili dito. Bakit kailangan naming maghiwalay. Bakit hindi nalang siya manatili sa tabi ko. Ang pagmamahal ba kaya bang tiisin ka. Hanggang kailan siya babalik. Hanggang kailan ako maghihintay sa kaniya. Kapag umapaw na ang tubig sa dagat baka sakaling tangayin ka papunta sa akin. Hindi ako marunong lumangoy sana sagipin mo ko. Sobra na kong nangungulila sa pagibig.

"Ged" gusto kong pagaralan kitang mahalin. Sana ipasa mo sa akin ang gusto mong iparating. Lagi akong nagigising madaling araw wala ka na sa tabi ko. Saan ka nagpunta. Gusto kitang sundan pero di ka nagpaalam. Ayaw mo na ba sa akin. Dahil akoy baliw na umiibig sayo. Mas gusto mo siguro ang iba. Dahil may kakayanan silang magbigay ng buhay sayo. Lagi kasing malungkot ang nakagisnan ko. Seryoso ako ikaw lang nagpapasaya sa akin. Ikaw lang ang mamahalin ko.

Siya si Es. Noong hindi kita makita. Ipanadama niya sa akin ang tunay na buhay. Pinangaralan niya ko na magbago. Ayaw niya kong nakikitang umiiyak. Binubuo niya ang araw ko dahil sa matipid niyang ngiti. Naghihintay siya na ngumiti rin ako ng wagas para sa kaniya. "Ged" hindi man kita mahawakan andiyan siya palagi hinahawakan ang puso ko. Dahil sayo hindi ko siya makikilala. Dalawang klase ng pagibig. Ang pinakamatibay dito ang relasyon ng anak sa magulang. Kung gaano ito katapat at kamahal ang isat isa. Kayang Patawarin at tanggapin ng buong buo.

Pero tayong tatlo. Ay ang salitang I love you. You're my love. Ikaw parati ang nasa gitna hindi ka mawawala sa puso ko. Tatatagan ko na ang sarili ko. Dahil umaasa sa akin si "Es". Gusto niya kong makasama. Susuportahan namin ang isat isa. Para kami ay mabuhay ng masagana. Ito ang tunay na halaga para sa akin. Ang matamasa ang malusog na buhay. Hindi na ko magdudulot ng kalungkutan sa sinuman. Ibibigay ko ang buhay ko para Kay "Es" dahil parati siyang nagsasakripisyo para sa akin. Magtitiwala ako sa pagmamahal niya. Dahil  siya ang naging mabuting imahe tungkol saiyo. Na may pagibig pang kayang magmahal ng sapat at magpahalaga sa akin. Dahil dito wala ng sakit sa dibdib ko. Kaya na kitang harapin na kasama si "Es" sa buhay ko. Hindi na ko matatakot mabigo. Dahil may pagmamahal na sa aking puso.
  Sa pamamagitan ng pagibig ko kay "Es" lahat kayang gawin.

Salamat sayo "Ged" dahil parati kang parte ng buhay ko. Hindi ko makikilala sarili ko kung hindi mo ko tinuruan ng leksyon.

Love❤ infrastructure ako ang susuporta sa aming pagsasama. Gagawa ako ng paraan para ito ay magtagal. 😍

♛  ❤ (LOVE - Shots Collection) ✞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon