TESTIMONY
Ako nga pala si LOVE means Living Our Values Every Day (L.O.V.E)
Kayat matulungin ako noong bata mapagmahal, mapagbiro, malikot, clumsy-kayat napapakamot nalang ng ulo ang karamihan. Lumilipad ang isip-mapangaraping tao, Mapagkalinga sa kapatid Mapagbiro sa kaibigan, mapagkawanggawa sa iba at isa pa mapaghanap ng trabaho. One experience ko in my JOB palpak pa, inisip ko bakit ba masyado akong tense. Ang totoo walang confidence sa sarili. hindi katulad ng iba na naguumapaw sa confidence. Kahit pa may kakayanan akong gawin ang isang bagay, Regret parin ang bumabagabag sa akin. mahiyain? hindi naman. Siguro KSP lang talaga Kulang sa Pansit-pansin \(ツ) Hindi ako naghahangad na mapansin noon ang gusto ko lang nasa isang sulok pa humble type. ang aking Papang kasi hindi niya ko hinayaang magshine,dahil pinakuha niya sa akin ang kurso na labag sa aking pusot kaluluwa \(ツ) Ang pangarap ko noong bata hanggang maging ugod-ugod na mukhang di na matatamasa. Kayat ngayon tuloy nahihirapan sumabay sa agos ng buhay.Sa aking buhay tinedyer nakakilala ako ng mga mabubuting kaibigan na nagbigay saya at inspirasyon sa aking buhay,ang iba nagbigay ng konsumisyon sa ulo dahil mahilig silang mang bully sa kapwa.Hindi kalaunay na curious ako nahumaling at napaimpluwensyahan sa ilang ka bataan nakalimot sa Diyos napahiwalay ng tuluyan sa mga tunay na kaibigan sila ay aking Angel in disguise na kulang nalang magkaroon sila ng pakpak sa sobrang buti, ay tinalikuran ko,dahil nais kong mapag-isa di naglaon napalitan ng kadiliman sa aking puso.
Pagsubok nagkasakit ang aking mahal sa buhay, ang ina at kapatid ,maging si LOVE lumalaban nagpapakatatag sa kanyang sarili Dahil kailangan ng Pamilya. AT ang tatay ay muntikan pang mang-iwan dahil sa bigat ng problema. Sinubok kami ng tadhana ang katatagan ng aming Pamilya.Sa katayuan ni LOVE .Mahirap sa kanya na nakikitang nahihirapan sa karamdaman ang mga mahal niya sa buhay.May halong takot na baka mawala sila sa kanilang piling lalo na kapag wala siyang magawa kundi panoorin lamang silang nasasaktan.Malalim siya kung magmahal kaya't namamayani ang awa at pagmamahal nito. Iniisip niya Kung pwede lang siya na ang sumalo sa sakit na nararamdaman ng kanyang mahal sa buhay.
Napag-iwanan na din siya ng kanyang mga kaibigan,nasa tuktok na sila ng tagumpay samantalang siya umiikot ang gulong ng palad.Napanghinaan siya ng loob na gawin ang mga bagay na gusto niya dahil sa mga kabiguan niya sa buhay at mga problemang dumarating. Sa tingin niya wala ng solusyon ang kanyang problema wala ng pag asa. Kailangan niya ng isang kaibigan handang hingan ng tulong sa kanyang mga pasakit sa buhay.Ngunit Wala siyang masandalan sa oras ng kahinaan dahil wala na ang kanyang mga kaibigan tanging ang masasayang alaala ang gumugunita sa kanyang isip.
Madilim sa kanyang kwarto. tanging lampara ang kanyang nagsisilbing ilaw. Nakahiga siya sa kama at umiiyak ,hanggang napansin niya ang isang litratong display. Napakaamo nitong mukha wari'y tinititigan niya ang kanyang pagluha Nakaramdam siya ng Tunay na Pagmamahal ang mabigat na puso niya ay gumaan. Nang may naaninag siyang liwanag, gusto niyang sundan, para lumayo sa kalungkutan dala ng tunay na buhay.
Lumitaw ang isang lalaki napakasimple ng kanyang puting suot at may sash. Parang pinapakita niya na gaano man kasimple ang buhay at kahirap ALways Hope that best days are yet to come
-- Magbago ka (wika ng lalaki at bigla siyang naglaho)
Pagmulat niya ng kanyang mata, si Love ay nagising mula sa kanyang Panaginip at nakita niya ang Pag-aalala ng kanyang Pamilya,niyakap ni LOVE ang kanyang mga mahal sa buhay,may isang tao na hindi tayo iiwan magpakailanman. Siya ang ating ilaw at manggagamot Where there's life there's hope
"I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life." John 8:12New International Version (NIV)
Isa siyang mapagkakatiwalaang kaibigan, Isang Kuya, Siya si JESUS ang ating Panginoon. Ang lalaking nakapagpabago kay LOVE. Lord said -Rejoice with me, for I have found my sheep that was lost. Ang susi sa kanyang problema at karamay sa lahat. Ako ay babangon mula sa pagkakadapa at magsisimula ulit ng may Bagong PAG-ASA. Gagawin ko ang aking makakaya para maging isang Huwarang tao coz I can do all things through Christ who strengthens me and I AM THE CHiLD OF ONE TRUE KiNG.
♛ му иαмє∂ ιѕ ℓσνє, ι ℓσνє GOD αи∂ ι ℓσνє ρєσρℓє Sabay po nating haharapin ang mga pagsubok sa buhay kasama kayo at ng mga tunay na nagmamalasakit sa atin with LOve and Care to each other.
GREATEST COMMANDMENTS LOVE ᴛʜᴇ LORD ʏᴏᴜʀ GOD ᴡɪᴛʜ ᴀʟʟ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀʀᴛ ᴀɴᴅ ᴡɪᴛʜ ᴀʟʟ ʏᴏᴜʀ sᴏᴜʟ ᴀɴᴅ ᴡɪᴛʜ ᴀʟʟ ʏᴏᴜʀ ᴍɪɴᴅ ᴀɴᴅ ᴡɪᴛʜ ᴀʟʟ ʏᴏᴜʀ sᴛʀᴇɴɢᴛʜ. & ʟᴏᴠᴇ ʏᴏᴜʀ ɴᴇɪɢʜʙᴏʀ ᴀs ʏᴏᴜʀsᴇʟF.❤
BINABASA MO ANG
♛ ❤ (LOVE - Shots Collection) ✞
EspiritualMga kwentong magpapatunay na ang Pag-ibig ay wagas. Hinango sa tunay at kakathang kwentong magbibigay tulong sa buhay spiritual Poems,Letters,Stories to help you grow spiritually in LOVE and Enlightenment ➳❤