"No one is born hating another person because of the color of his skin or his background or his religion. People must learn to hate, and if they can learn to hate, they can be taught to love, for love comes more naturally to the human heart than its opposite."
Jason Mandela, Long Walk to Freedom
🌹🌹🌹
"Hi Kuya!" Bati niya sa sa kanyang Kuya Jacob na nakakatandang kapatid ng bestfriend niyang si Jonathan. Pinasadahan lang siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa at mukhang diring-diri pa itong umismid dahil sa itsura niya. Ngumiti na lang siya. Meroon pa bang bago rito? Sa araw-araw niya sa bahay ng mga ito ay ganoon naman siya pakitunguhan ng kapatid ni Jonathan. Para nga bang pinaglihi ito sa ampalaya dahil lagi itong mukhang bitter. Gustung-gusto niya ngang tanungin ang kanyang Tita Juana kung sa ampalaya nga ito pinaglihi. Naglolokohan nga sila minsan ni Jonathan na sa ganoon nga raw pinaglihi ang Kuya Jacob niya at nagtawanan na lang sila at saktong pagdating ni Jacob at tiningnan pa sila ng masama at nagpatigil sa kanila sa pagtawa. At sa ginawa nito ay tila kinukumpirma nito na ganoon nga ang pinaglihian ng kaniyang Tita Juana.
"What are you wearing?" May himig ng galit sa boses nito na hindi niya maintindihan kung bakit.
"A blouse and a skirt." Paliwanag niya. First time niyang magsuot nito. Lagi lasi siyang nakat-shirt na maluwag at shorts na mahaba o kaya naman ay jogging pants. Pero dahil nga birthday ng kanyang Kuya Jacob ay pinilit siya ng mommy niya na magbihis daw ng disente lalo na raw at maraming bisita. Wala naman masama sa suot niya kanina na loose shirt at baggy pants pero pinilit talaga siya ng kaniyang mommy na isuot ang mga damit na ito ang nagdisenyo. Napakarami nga niyang girly na damit dahil fashion designer ang kaniyang mommy pero sadyang boyish siyang pumorma dahil na rin sa impluwensiya ni Jonathan at ni Jacob. Silang dalawa kasi ang role model niya dahil halos dito na rin siya tumira sa bahay ng kaibigan.
"I know what it is. Why are you wearing that?" Halata ang pagkadisgusto sa boses nito at hindi niya alam kung bakit. Si Jonathan nga ay sinabihan siyang bagay na bagay sa kanya ang damit at natuwa siya roon. Pero heto si Jacob na sa itsura at tinig ng boses nito ngayon ay tila napakapangit ng suot niyang damit at hindi bagay sa kanya.
"Pinasuot po ito sa akin ni mommy. Hindi ko rin gusto pero sabi niya dahil birthday mo raw po at maraming bisita kaya kailangan ko po itong suotin." Umiling-iling pa si Jacob na mukhang hindi nagustuhan ang sagot niya.
"Change that." Matigas na salita nito. Tiningnan niya lang ito ng nagtatanong. Napahilot pa ito sa sentido na tila masakit ang ulo. "Change into something that you are comfortable wearing. Not that."
"Pero—"
"Hindi bagay sa'yo."Umiling-iling pa ito. Nalungkot siya sa sinabi nitong katotohanan. Noon unang beses niyang tiningnan ang sarili sa salamin suot ito ay iyon nga rin ang naisip niya. Hindi ito bagay sa kanya. Pero sabi ng mommy niya ay bagay ito sa kanya, ang kanyang Tita Juana at Tito Joash na magulang ng magkapatid ay sinabi rin na bagay na bagay sa kanya at si Jonathan. He told her she is beautiful. Tapos heto ang Kuya Jacob niya na pinagpapalit siya ng damit at sinabing hindi bagay sa kanya. Bakit tila nasaktan siya sa sinabi nito? Well, may bago pa ba rito? Kahit naman noon mga bata pa sila ay wala na siyang narinig dito kundi insulto. Kung hindi siya laging niloloko nito ay iniinsulto siya na tila ba may galit sa kanya. At ngayon nineteen years old na ito ay akala niya ay magbabago na pero hindi pa rin. Mas malala pa nga ngayon ata. Siguro dahil teengager na siya. Fourteen years old na siya at dahil siguro sa peer acceptance na tinatawag kaya siya nasasaktan. Well, hindi naman exactly kasi hindi niya kaedad ito pero nandoon na rin iyon gusto niyang matanggap. At kasama na si Jacob. Kasi pamilya na ang turing niya rito, isang kuya kaya ganoon na lamang.
BINABASA MO ANG
When Hate Is Taught And Love Is Learned
ChickLitNatutunan ba ang pag-ibig? Natuturuan ba ang puso na magmahal ng iba? Natuturuan ba ang pusong makalimot? Natuturuan ba ang puso na hindi makaramdam?