I was looking across the table and smiled small.
"Anak, wala ka bang gana?" Inalis ko muna ang tingin sa lalaking katapat ko na katabi naman ni Mommy.
"Busog lang po."
"Kamusta ang paa mo?" Mukhang nag-aalang tanong ni tito.
"Maayos na po. Magdadalawang buwan na po kaya magaling na." Sagot ko.
"That's good." Nagkatinginan pa sila ni Mommy at nagngitian at hindi ko gusto ang tinginan nilang iyon. "Anyway, try this Elie." Inabot ni Tito David ang dala-dala niyang cake na hinati naman ni Mommy. Hindi na ako nakaalma ng nilagay ito sa platito. "Sabi ni Mommy mo hindi pa rin nagbabago ang panlasa mo. Mahilig ka pa rin sa dark chocolate. Natatandaan ko kahit noon bata ka hilig mo na rin iyan." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Bestfriend ni Daddy si Tito David. Pero bata pa ako ng huli ko siyang nakita.
Tumikim ako ng cake. Mapait iyon at lasang-lasa ang malaking porsyentong cocoa. Gusto ko iyon pero wala akong gana.
"Napabisita po kayo tito?" Tanong ko rito. Nagkatinginan ulit sila ni Mommy. Kinuha ni Tito David ang kamay ni Mommy at hindi maalis doon ang titig ko.
"Helena, baby," panimula pa ni Mommy at tila nalukot ng sobra ang puso ko sa maari niyang sabihin. "Gusto namin ipaalam sa'yo ng Tito David mo na magkasintahan na kami." Naikuyom ko ang palad ko. Sinasabi ko na nga ba. Pakiramdam ko naman ay pinagtataksilan ni Mommy si Daddy. Oo at alam kong matagal ng patay si Daddy pero hindi ba kung talagang mahal ni Mommy si Daddy ay hindi na ito makikipagrelasyon ulit? Nakalimutan na ba ni Mommy ang pagmamahal niya para kay Daddy?
"Paano na po si Daddy?" Mahina ngunit matigas na salita ko.
"Anak." Tumingin sa akin si Mommy na tila alam ang nasa isip ko. Mapupungay ang mga mata niya na tila iiyak.
"Hi-hindi niyo na po ba mahal si Daddy?" Nanginginig ang boses ko.
"Mahal ko ang Daddy mo, anak--"
"Pero bakit po magkasintahan na kayo ni Tito David? Kailan pa po ba ito?" Pinangunahan ko na si Mommy. Nasasaktan ako sa maaring sabihin ni Mommy.
"Anak, your Dad will always be in my heart but I have to move on. And your Tito David made me realize that life after your Dad's death is not miserable. Akala ko anak, hindi ko na rin mararanasan ulit magmahal at sumaya pero heto ako, kami ng tito mo. We are happy. I am happy."
"But what will happen to Dad's love. Was it lost already?" Naiiyak ako. Kahit hindi ko na naabutan si Daddy ay puno naman ako ng kwento, mga sulat at video ng Daddy ko. Marami siyang kuha lalo ng video na kasama ako noon bata ako at pinangangaralan ako na tila alam niya na hindi rin siya magtatagal sa mundo. I love my Dad kahit hindi ko siya nakagisnan. Sapat na ang kwento, sulat at video para maramdaman ko ang pagmamahal ni Daddy. Pero higit pa roon gustung-gusto ko ang love story nila ni Mommy. They were bestfriends first and then they fell in love. Sa mga kwento ni Mommy ko sa akin ay si Daddy ang one great love niya. Pero bakit ngayon ay may iba na?
"Anak, it wasn't lost. Nandito pa rin ang Daddy mo sa isang parte ng puso ko na laan sa kanya."
"Ganoon lang po kadali?" Nalulungkot at naiinis kong tugon.
"It has been more than a decade, anak. Mahirap ng mawala ang Daddy mo, sobrang hirap lalo dahil napakabata mo pa. I was in the verge of giving up, anak. Pinagkatago-tago ko iyon sa'yo dahil ayaw kong makita mo ako ng ganoon. Mahina. Masakit at mahirap. Hindi ko kaya iyon mag-isa at si Tito David mo ang naging karamay ko sa mga panahon na iyon. Hanggang ngayon." Naguluhan ako.
"Meaning dati pa kayong may relasyon?" Halu-halong emosyon ang umangat sa dibdib ko dahil sa rebelasyon ni Mommy.
"Anak--"
BINABASA MO ANG
When Hate Is Taught And Love Is Learned
ChickLitNatutunan ba ang pag-ibig? Natuturuan ba ang puso na magmahal ng iba? Natuturuan ba ang pusong makalimot? Natuturuan ba ang puso na hindi makaramdam?