Chapter 8

339 36 26
                                    

"Congratulations!" Yakap ko kay Jon. Graduation na niya ngayon at Cum Laude pa. Kung paano niya nagawang ipagsabay ang pag-aaral, pagbabasketball at trabaho sa kumpanya nila ay hindi ko alam basta humahanga ako sa achievements niya. Meroon din siyang medalya bilang parangal sa sports at palagay ko alam naman ng lahat bakit binigyan siya ng medalya roon.

"Thanks baby!" Yakap din nito ng mahigpit sa akin. Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi at tumawa pa siya.

"Congratulations, anak." Humiwalay ako kay Jon para bigyan ng way si Tita Juana. Yumakap din siya ng mahigpit kay Jon at hinalikan din ito sa pisngi. "I'm so proud of you, my bunso." May pride pang salita ni tita.

"Thank you, mommy." Malaki ang ngiti ni Jon. Lumapit din si mommy at bumati rin kay Jon matapos ay si Tito Joash. Jon looked at Tito Joash like he was shy about something. Hindi ko alam kung ano iyon. But when Tito Joash told him he was proud him Jon smiled widely but I saw a hint of sadness in his eyes that I cannot understand.

After the graduation there was an intimate party at the Madrigal's. Nandoon ang mga tito at tita ni Jon, mga kateam niya sa basketball at maging ang ilan niyang mga professors. Para ngang hindi na rin intimate ang party kasi marami. Akala ko nga noon una ay kami lang. Pero iyon mga bisita naman ay talagang kaclose ni Jon.

"Rest room lang ako." Saglit kong bulong kay Jon. Magkasama kami sa mesa habang kausap ang mga kateam niya sa basketball. Sa lahat ng puntahan niya ay dala-dala niya ako. Kinakantiyawan na nga siya ng mga kaibigan niya na nasasakal na raw ako. Pero sa totoo lang ay hindi dahil gusto ko ang ganitong pagkaclingy ni Jon.

"Samahan kita?" Napairap naman ako sa kanya. Tumawa ang mga kateam niya.

"Hindi iyan mawawala, kap. Give her space." Salita ni Mordi, ang dating vice captain ng team nila na ngayon ay captain na. Nagtawanan ulit sila. Tumawa na lang si Jon. "Alis na Elie, hahawakan ko si kap." Niyakap nito si Jon na tila pinipigilan at tawa naman ng tawa ang mga kasama nila. Tumango na ako kay Jon at tumango na lang din siya sa akin bilang pagsang-ayon.

"Elie, baby, I want you to meet someone." Palabas na sana ako ng bahay nila para balikan si Jon ng nakita naman ako ni Tita Juana.

"Sige po, tita." Sumama na ako sa kanya at nakita ko ang ilang mga kamag-anak nila sa side ni Tito Joash. Mas pamilyar ako sa mga kamag-anak ni Tito Juana kesa kay tito kaya ang ilan mukha ay bago.

"This is Elie, Teddy. She is Jon's girlfriend." Ngumiti ako kay Tito Teddy at ngumiti rin siya sa akin at nag-abot ng kamay. May hawig ito kay Tito Joash mas bata nga lang.

"Hello po, Tito Teddy."

"Ikaw pala si Elie." Malaking ngiti sa akin. "Mukhang mas maiinspire si Jon sa pagtatrabaho nito lalo na at maganda ang future wife." Kumindat sa akin si Tito Teddy at namula ako. Future wife? Bakit ang sarap sa pandinig noon? Ako at si Jon mag-asawa.

"Naku Teddy! Buti na nga lang ay sila rin ang nagkatuluyan. Akala nga namin ni Ellen ay kailangan pa namin silang ipagkasundo para mahalin nila ang isa't isa. We wanted them to end up so bad. And thank God it happened without us interefering. It just happened in the right time." Napatingin naman ako kay Tita Juana dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman lubos maisip na ganoon kagusto nila ni mommy na magkatuluyan kami. Hindi naman nabanggit iyon ni mommy sa akin.

"Mabuti naman kung ganoon. Hindi rin naman magugustuhan ng mga bata ang pilit. Hindi ba hindi masarap ang prutas na pilit sa hinog. The same principle applies." Natatawang sabi nito. "Kamusta na nga pala si Jacob? The last time I spoke with him was months ago. Kamusta?" Napatingin naman ako kay Tita Juana. Wala na rin kasi akong balita kay Kuya Jacob matapos noon gabing huli ko siyang nakita.

When Hate Is Taught And Love Is LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon