"How about next Saturday?" Tanong ko kay Jon.
"I'm sorry I can't." Tumahimik na lang ako at huminga ng malalim. Ilang beses ng ganito? Hindi na lamang minsan kundi madalas. Alam niya kaya kung anong meroon next Saturday? Kung hindi niya alam ay hindi ko na alam. We are going one year next week. At mukhang wala siyang kaalam-alam. "Baby, nandiyan ka pa?"
"Yeah." Wala kong ganang sagot. "Sige sabihan mo na lang kung may mag open na slot sa sched mo." Binaba ko na ang phone ko. Naiinis ako at may kasama ng pagtatampo. The past two months he was busy. He still sends me to school and fetch me but not as religiously as before. Dati araw-araw ngayon ay hindi na. Gustung-gusto kong intindihin siya. I was trying. Ang kaso hanggang dalawang buwan lang ang limitasyon ko. Hindi ko lubos maisip na ganitong mawawalan siya ng oras at ang karibal ko pa ay trabaho.
Nakita kong nagriring muli ang phone ko. Pangalan iyon ni Jon pero hindi ko na pinansin. Bumaba ako ng second floor at iniwan ang phone ko sa itaas. Ayoko siyang kausapin sa ngayon. Natatakot akong may masabi sa kanya na iregret ko sa huli dahil sa inis ko.
Nakita ko si mommy sa kitchen at mukhang nagbabake. Tumingala siya mula sa ginagawa at tumingin sa akin.
"Wala kayong lakad ni Jon?" Umiling ako at hindi ko maiwasan hindi sumimangot. "Kamusta na siya?" Tanong pa ni mommy habang nagscoop ng batter sa muffin cup.
"As usual po."
"Ano iyon as usual?"
"Busy." Puno ng hinanakit kong salita. Tinunghay ko ang tingin ko at nakatingin sa akin si mommy. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya tinuon ang sarili sa ginagawa niya at nilagay iyon sa oven. Nagpunas siya ng kamay at naupo sa tapat ko sa kitchen counter.
"Nagtatampo ka?" Tumingin ako kay mommy at hindi ako makapagsalita. Tumango na lang ako at hindi ko na mapigilan ang pagluha. "Oh baby!" Kaagad akong nilapitan ni mommy at niyakap. Sumubsob ako sa leeg niya at umiyak dahil sa frustration.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong ganoon pero tumigil din ako sa pag-iyak. Pinunasan ni mommy ang luha ko bago ako binigyan ng baso ng tubig.
"Ilang buwan na ba kayo ni Jon?" Hinawi ni mommy ang buhok ko sa mukha.
"Mag-one year na po." Tumango pa si mommy.
"Do you know why he is busy?"
"Sa work po." Tumango si mommy.
"Baby, alam mong hindi ako against sa relasyon niyo pero dahil nandito na kayo sa relasyon alam kong ito ang magiging pangunahin niyong problema." Napatingin ako kay mommy. "Jon is out in the real world. And the real world is busy and demanding. Isama mo pa ng boss ni Jon ay ang daddy niya. Doble ang stress niya." Sinukbit pa ni mommy ang buhok ko sa tainga. "While you are still in college and have all the time in the world. Kaya mas marami kang spare time sa kanya at dahil doon idedemand mo rin iyon dahil iyon ang meroon ka." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mommy.
"Pero mommy...ngayon lang naman siya naging ganito. Noon naman okay siya sa sched namin...tapos ngayon."
"Pwedeng dahil mas matagal na siya ay mas marami na siyang work at mas mahirap mag-adjust." Napanguso ako. "Be a little patient with him, anak. You know Jon loves you and he just didn't mean to do that. Not intentionally. Nakakwentuhan ko ang Tita Juana mo at sabi niya ay sobrang stressed na ni Jon. Nagkasakit siya. Alam mo ba iyon? Pero pumapasok pa rin sa trabaho."
"Bakit hindi ko po alam iyon?"
"Malamang hindi na niya sinabi dahil ayaw niyang mag-alala ka." Tumango na lang ako. "So give him a leeway. Bago pa lang kayo sa relasyon at alam kong marami kayong kailangan adjustments at matutunan sa isa't isa. Sometimes you have to sacrifice something. Sometimes it is a matter of priority. But always, always learn to listen to your partner. Understand him. Forgive his shortcomings. Love all of him." Nakatingin lang ako kay mommy dahil sa mga sinabi niya. Ngayon lang kami nakapag-usap sa bagay na ito at laking pasasalamat ko na nakausap ko siya.
BINABASA MO ANG
When Hate Is Taught And Love Is Learned
ChickLitNatutunan ba ang pag-ibig? Natuturuan ba ang puso na magmahal ng iba? Natuturuan ba ang pusong makalimot? Natuturuan ba ang puso na hindi makaramdam?