"Happy Birthday." Tumango na lamang ako ng bumati siya. Kasalukuyan siya ang kasayaw ko. He's the 16th rose. At kanina pa akong nangangati na hiwalayan siya. Kung hindi lang siya pamilya ay hindi rin naman ako papayag na mapasama siya sa 18 roses ko. Si Tito Joash lang dapat at si Jon. Pero sa pamimilit ni mommy ay sinama siya.
"So wearing gowns now is your thing?" Hindi na lang ako nagsalita at ngumiti na lang. The video is recording and the camera is flashing. Ayokong mukha akong ano kapag pinatulan ko siya sa maaring pangungutya niya. "Pink is not your color. You know that right?" Hot pink ang kulay ng gown ko at disenyo ito ni mommy. Hindi ko gusto ang pink lalo na ang hot pink pero hindi ko siya bibigyan ng satisfaction na malaman iyon. "So, we are not into speaking?"
"Kuya, it is best to shut my mouth than to talk to you and ruin my party. Please, huwag dito." Ngayon ko na nga lang nakita siyang muli matapos ng ilang buwan na ata. Naging abala raw ito sa trabaho sabi ni Tita Juana at wala akong pakialam doon. Kahit saan pa siya pumunta, kung anuman gawin niya at kahit hindi na siya bumalik. Wala akong pakialam.
"You didn't even miss me? I've been away for months."
"No. What is it to be missed?" Pigil kong sagot. Tumawa si Jacob pero hindi ko na lang ininda. Gusto ko ng matapos ang sayaw na ito.
"You are legal now." Pag-iiba pa nito ng usapan. "What do you plan to do?"
"Vote, drive a vehicle and have a boyfriend." Napatingin ako sa magandang relo na bigay ni Tita Juana na bumagay sa suot na damit ko. Bakit ang bagal ng oras? Dapat si Tito Joash na ang kasayaw ko. Tiningnan ko pa ang paligid para hanapin si Tito Joash but nowhere in sight. Nasaan ka na tito?
"Do you think tita will permit you to drive knowing how clumsy and nervous you are? And boyfriend? C'mon? May magkakagusto ba sa'yo?" Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya. Tsk! He can really ruin my day with his words and words alone.
"She did already because Jon will teach me. And I will learn fast because it is Jon. Alam mo naman kuya ang kapatid mo, magaling magturo, magaling sa lahat." Ngumiti ako ng malaki rito. "And fyi kuya, suitors lined up infront of our house. And mommy is thrilled for me to finally have a boyfriend." Tiningnan lang ako ito na tila nakakaloko. At ramdam ko pa ang tila paghigit nito sa akin ng kaunti papalapit sa kanya na hindi naman talaga pwede dahil sa ballgown ang suot ko.
"Let's see about that." Ngumisi pa ito ng nakakainsulto. Tumingin lang ako rito and gave him my sweetest smile. Nawala naman ang smug na ngisi nito.
"Time's up." Salita ko. "Tito what too you so long?" Ako na ang kumalas kay Jacob at naglakad patungo kay Tito Joash. I know it's rude but I can't stand him anymore, his smug smirks, those tiny insults--all of him.
"Sorry baby, kasi si Tita Juana mo nilagyan pa akong foundation. Kailangan gwapo raw ako sa video." Napangiti ako ng malaki kay Tito at inabot ko ang pisngi nito at hinalikan ito. I am very thankful for Tito Joash for he is the father that I never had. Kapag kailangan ng father figure sa school ay siya ang umaattend para sa akin. Hindi ko sinasabi sa kanya na kailangan pero nalalaman niya at ang salarin ay isang tao. Isang tao na mahal na mahal ko. Si Jon. Napatingin naman ako sa gawi niya. Nakatayo na siya sa gilid dahil siya ang pang 18th rose. He is also my escort. Ang gwapo-gwapo nito sa suot na tuxedo. Nakabrush up ang wavy nitong buhok kaya naman halatang-halata mo ang makapal niyang kilay na bagay na bagay sa kanya. Isama mo pa iyon light brown niyang mga mata. Those kind eyes that always look at me with concern and love.
"Dad, it's my turn." Napangiti ako sa pagtapik nito kay Tito Joash.
"It's too early Jonathan." Natatawang salita ni tito.
BINABASA MO ANG
When Hate Is Taught And Love Is Learned
ChickLitNatutunan ba ang pag-ibig? Natuturuan ba ang puso na magmahal ng iba? Natuturuan ba ang pusong makalimot? Natuturuan ba ang puso na hindi makaramdam?