Chapter 7

316 43 38
                                    

Tumitingin ako sa mga sasakyan sa may parking kung saan ako sinusundo ni Jon. Five minutes pa bago ang eksaktong oras ng pagsundo niya sa akin pero nag-aalala ako dahil malimit ay fifteen minutes early siya. Napatingin ako sa nakababang bintana na sasakyan. It was Adi and her driver. Kumaway ako rito para sabihin mauna na siya pero bumaba ito ng sasakyan niya at nilapitan ako sa kinauupuan ko.

"Wala pa si Baby Jon?" Napairap ako sa sinabi niya. Alam niya kasi ang endearment namin ni Jon at magsimula ng malaman niya ay palaging iyong ang tawag niya sa amin.

"He's not late. I'm just early." Ngumiti ng malaki sa akin si Adi. Sa magdadalawang taon namin magkasama ay naging close kami at marami na rin alam sa isa't isa. She is like a female version of Jon. Maituturing ko na siyang female bestfriend. Though at times ay intrimitida ito at antipatika pero nagkakasundo kami. Siguro kasi ay tanggap ko kung ano siya at tanggap niya kung ano ako. Hindi ba ganoon naman sa pagkakaibigan?

"Okay." Ngiti nitong malisyosa at napailing na lang ako. Always she is a devil's advocate. "Oh who's that gorgeous guy?" Napalingon naman ako kung saan nakatingin si Adi at hindi ko inaasahan ang nandito at mukhang palapit pa sa amin. "Who are you?" Nakangiting malawig si Adi at ngayon nga ay nasa tapat na namin si Kuya Jacob. He was wearing a formal blue longsleeves that was folded until his elbow, gray dress pants and leather shoes. Bagong gupit rin ito. Mukha siyang out of place dahil sa porma niya sa school. Anong ginagawa niya rito? Ang alam ko ay bukas na ang alis niya papuntang ibang bansa. Matapos ng insidente sa despedida niya ay talagang hindi ko na hinahayaan na magkrus ang landas namin. Kung magkikita man kami ni Jon ay sa amin at sa labas. Ayoko na munang pumunta sa bahay nila dahil malaki ang posibilidad na makita ko siya. At ngayon nga ay nandito ito.

"Jacob Madrigal." Nakangiting bati nito kay Adi at si Adi naman ay nag-abot ng kamay at napakaeager nitong kinuha ang kamay ni Kuya Jacob ng mag-angat ito ng kamay. Kung alam lang nitong si Adi kung gaano ko kinamumuhian ang lalaking ito. Nakakainis, bakit ba kasi siya nandito?

"Nice to meet you, Jacob. I am Adelaide Ponce. Are you somehow related to Jonathan Madrigal?" Nagtaas naman ako ng kilay dahil dinig ko ang malanding boses ni Adi.

"He is my younger brother." Salita niya matapos ay tumingin sa akin. "Helena here is our family friend." Kinunot ko ang noo ko sa kanya.

"Elie! You didn't even tell me that Jon has a gorgeous older brother." Napailing nalang ako samantalang si Kuya Jacob ay tumawa. Mukhang sayang-saya sa compliment sa kanya.

"Hindi naman kasi importante at relevant kung sabihin kong may nakakatandang kapatid si Jon." Naiinis na salita ko. "Ano bang ginagawa mo rito?" Walang paggalang na tanong ko rito. He didn't deserve respect. Tiningnan ko pa siya ng matalim. Sariwa pa rin sa isip ko ang pambabastos na ginawa niya sa akin. Inulit na naman niya kung paano niya ako nilapastangan noon nakaraan.

"I'm here to fetch you." Kung pwedeng crumpled na lang ang noo ko ay naging ganoon na sana iyon.

"Why would I go with you? I am waiting for my boyfriend that is John your brother." Mataray kong salita.

"He can't come. May tinatapos sila ni Dad sa opisina ngayon. Kaya ako na ang pinakiusapan niyang sumundo sa'yo dahil maaga akong umuwi ngayon." Nanliit ang mga mata ko sa mga detalyeng sinabi niya. Alam naman ni Jon kung gaano ko kaayaw sa kapatid niya tapos gagawin niya ito? Sana sinabi niya na lang na hindi niya ako masusundo para matawagan ko ang driver at masundo ako. Ayoko ng ganito. Ayokong makasama ang taong ito. Siguro hindi ito gagawin ni Jon kung alam niya ang naging insidente sa despedida ng kapatid niya. Pero hindi ko magawang masabi kay Jon na sapilitan akong hinalikan ng kapatid niya. Natatakot ako sa maaring maging reaksyon niya. For the first time in my life, may nilihim ako kay Jon ng matagal.

When Hate Is Taught And Love Is LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon