"Inumin mo muna ito." Humilig lang ako sa balikat niya habang pareho kaming nakaupo sa aking kama. "Elie, hindi bababa ang lagnat mo kapag di mo ininom ito." Ngumuso ako saka sinunod siya at ininom ang gamot. "Good girl." Salita pa niya at hinayaan na niya akong mahiga sa kama. Tumagilid ako at humarap kung nasaan siya nakaupo. Sinundan ko siya ng tingin ng sumampa rin siya s sa kama at nahiga. Tumagilid din siya at humarap sa akin. "Ano ba kasing ginawa niyo ni kuya at nilagnat ka? Kung hindi mo sasabihin kokomprontahin ko siya." Kita ko ang inis sa mga mata niya pero natuwa ako roon. He still cares. Kahit na may Lilian.
"Lumangoy lang kami. Napagod ata ako." Inaantok na salita ko.
"Tsk! Pinilit mo na naman siguro ang katawan mo." May himig ng inis pero nangingibabaw ang pag-aalala sa boses niya.
"I'm sorry." Pumikit na ako dahil sobrang bigat na ng talukap ng mga mata ko. May ngiti sa mga labi ko dahil sa pag-aalaga niyang muli sa akin.
Kanina ng matapos niya akong yakapin ay sinapo niya ang noo ko at doon ko na lang nabatid na nilalagnat ako. Parang ang pagsasakit-sakitan ko ay nagkatotoo. Pero totoo naman na may sakit ako. Masakit ang puso ko kanina.
Kaagad tinawagan ni Jon si Tita Juana at mabuti na lang ay may dala itong gamot. Sumugod sila Tita Juana at Tito Joash sa kwarto at alalang-alala sa akin. Balak pa sana nilang magdamag dito kinabukasan pero dahil sa kalagayan ko ay maaga kaming uuwi. Sinabi ko na ngang maayos lang ako pero pinilit ni Jon kaya wala na akong nagawa.
Matapos noon ay naiwan na si Jon at nagpresinta talaga siya na samahan ako sa pagtulog. Tita Juana just smiled because of his son's gesture. Lihim lang din akong napangiti. Miss ko na sobra kasi si Jon.
Ramdam ko ang paghaplos niya sa mukha ko at ang paghalik niya sa noo ko bago ako hinilig sa sarili nya at niyakap.
"I love you, Elie. I love you so much." Alam kong hindi iyon panaginip. He said those words again. I smiled in my thoughts because of it.
...
Nagising ako na mabigat pa rin ang pakiramdam. Pero hindi ko mapigil na ngumiti ng makita si Jon na nakaupo na sa tabi ko at may pinupunas sa mukha kong basang bimpo. His eyes showed so much care that it could drown you.
"May lagnat ka pa rin." Nag-aalalang salita niya. "Aayusin ko ang mga gamit mo na pampalit at papatulungan na kitang magbihis kay Mommy. Dadaan tayo sa ospital bago umuwi.
Tinitigan ko lang siya. Sobra ko talaga siyang namiss. Na para bang panaginip lang na ganito siya kalapit. Sobra ang naidulot sa akin ng isang linggong pagkakahiwalay na iyon. Ayoko ng mangyari iyon. At hinding-hindi ko na gagawin iyon.
"Elie?" Sinapo ng palad niya ang pisngi ko.
"I missed you, Jon. Sobra." Salita ko. Noon una ay passive ang itsura nito pero unti-unti ay sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Ikaw kaya ang tumiis sa akin." Nahimigan ko ang tampo sa boses niya na kinangiti ko lalo.
"And I'm sorry." Sinserong paghingi ko ng tawad. Sinapo ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at hinilig lalo ang pisngi ko sa palad niya.
"You are forgiven, baby." Malambot ang ekspresyon ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Huwag mo ng gawin ulit iyon sa akin. At hindi na talaga ako makakapayag." He smiled widely. Kinalas ko ang kamay niya sa mukha ko at niyakap siya sa may bewang kahit pa ang paggalaw na iyon ay nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko na lang ininda.
"Thank you, Jon. Love you."
"I love you too." Napangiti ako sa sinabi niya pero sa likod ng isip ko ay may bumabagabag.
BINABASA MO ANG
When Hate Is Taught And Love Is Learned
ChickLitNatutunan ba ang pag-ibig? Natuturuan ba ang puso na magmahal ng iba? Natuturuan ba ang pusong makalimot? Natuturuan ba ang puso na hindi makaramdam?