Chapter 4

323 35 19
                                    

Nakatingin ako kay Jon habang kinakantahan siya ng mga tao ng happy birthday. Gusto kong kumanta at maging masaya para sa kanya pero hindi maalis ang lungkot ko lalo na at katabi pa niya ang babae na kanina pa niya kasama.

"Wish!" Hiyawan pa ng mga barkada niya. Nagsalita ang babae sa katabi niya na nagpangiti kay Jon. Masakit.

Tiningnan ko na lang siya. Gustong kong lumapit at batiin siya. Gusto kong iabot sa kanya ang regalo ko at kung maari ay isuot iyon sa kanya pero nanatili lang ako sa kinaroroonan ko at nakatingin sa kanya.

Pumikit siya at nagwish at nang dumilat siya ay saktong dumapo ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitingnan niya o ang nasa likuran ko pero kung sinuman iyon hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Kaagad akong tumungo at nag-iwas ng tingin.

"Are you okay, Elie?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tita Juana. Tumango ako at ngumiti ng bahagya matapos ay tinuon ang mata sa pagkain.

Nasa malayong table ako at kasama ko ang dalawang kasambahay nila Jon. Hindi ko rin kasi kayang makihalubilo sa mga barkada o classmate ni Jon kasi kahit na kilala ko sila ay hindi naman ako malapit sa kanila.

"Hindi na sana kita pinilit na sinama." Malamlam ang mga mata ni Tita Juana at halata ang sobrang pag-aalala sa boses. "Masama talaga ang pakiramdam mo."

"Ayos lang po ako." Kunwari ko pa. "Pagkatapos po siguro ng pagkain ay magpapahinga na po muna ako sa kwarto."

"Sige. Sayang naman at maganda ang dagat at pool at hindi ka makakaligo. Pero makakabalik naman tayo rito at next time mas ayos na ang pakiramdam mo." Tumango na lang ako sa sinabi ni tita. "O siya, maiwan na muna kita rito. Lina, pakitingnan ang baby girl ko ha. Samahan mo na rin pabalik sa kwarto niya."

"Opo, ma'am." Sagot pa ni Ate Lina at ngumiti sa akin. "Love na love ka talaga ni Ma'am Juana, baby girl." Ngumiti na lang ako. "Pati nga si Jon at Jacob mahal na mahal ka rin." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Ate Lina. Pero hindi ako umimik. "Pero bakit hindi ka ata nakadikit kay Jon ngayon, Elie? Nakakapanibago iyon."

"Masama talaga kasi ang pakiramdam ko ate." Tahimik ko ulit at hindi na kumibo.

...

Lumabas ulit ako ng kwarto ko kinahapunan. Nakita ko sa di kalayuan na naliligo sa dagat ang mga kasama ni Jon. Hinanap ko si Jon at nakita ko siyang nakikipagtawanan sa kanila. Nakita kong muli ang babaeng kasama niya na nasa malapit lang din sa kanya.

Gusto ko sanang maglakad at magbasa kahit ng paa lang sa dagat pero hindi ko magawa dahil nandoon sila. Ayokong makihalubilo sa kanila.

Umatras na lang ako at naglakad sa may likuran bahagi ng resort. Walang direksyon ang lakad ko habang pinapakiramdaman ko ang mainit na buhangin sa aking paa. Puro buntong hininga ang kasaliw sa aking paglalakad. Umahon ako ng tingin ng mapansing batuhan na ang nilalakaran ko.

Minasid ko ang mata sa paligid. Maraming mga malalaking bato at napaliligiran nito ang tubig. Maganda ang pagkakasalansan ng mga bato na tila pininta ito. Puting puti ang kulay ng buhangin ngunit batuhan. Mabilis akong naglakad hanggang sa mapalapit ako sa tubig. Napangiti ako sa lamig ng tubig ng dagat. Gusto ko sanang magtampisaw at lumangoy pero naiisip ko pa rin ang muntikang pagkalunod ko kahit dalawang buwan na ang nakakaraan.

Nanatili na lamang akong nakatayo sa mababaw na parte na hindi umaabot sa tuhod ko. Napangiti ako sa magandang tanawin ng asul na dagat. This is a very beautiful place. It somehow calmed the emotions in my heart.

Nang mangalay na ako sa kakatayo ay naupo ako sa isang malaking bato at nilawit ang paa ko sa dagat. Huminga ako ng malalim at pumikit. I am missing Jon so much. Dati rati kapag nag-aaway kami at ako ang may kasalanan ay agad-agad ko siyang lalambingin at yayakapin ngunit ngayon ay hindi ko magawa. Tila may isang pader na itinayo sa pagitan namin ngayon kaya hindi ko magawa ang dati kong ginagawa sa kanya. Dahil ito sa palagay ko sa masakit na nararamdaman ko sa dibdib na hindi ko mapangalanan. I hate this feeling and I want it to go away but it can't.

When Hate Is Taught And Love Is LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon