Chapter 6

323 40 42
                                    

“You’re the prettiest.” Napangiti ako sa binulong ni Jon sa tainga ko. I was wearing a black and white sleeveless dress that was designed and made by my Mom. Ginawa niya talaga ito para sa event na ito ng mga Madrigal dahil nabanggit na ito ni Jon kay Mommy. Nagsusuot na rin naman ako ng dress pero hindi ganitong hapit sa katawan ko. Pero hindi naman talaga ito hapit na hapit sadyang hindi lang ako komportable dahil intimidated ako sa mga babaeng nakikita ko sa party na ito. Wishing I was voluptious as they were but instead I am slim, too tall for my own good and my curves…maybe hiding somewhere. If only I was sexy and beautiful as they were. “Stop comparing yourself to them, baby. Didn’t I say to you that you are the most beautiful here in the room?” Kilalang-kilala na niya talaga ako. Inangat ko ang tingin ko kay Jon na nakatingin sa akin with such adoration. Siya lang talaga ang nagpapakalma ng isip ko at insecurities ko.

“Okay.” Ngiti ko sa kanya at pisil sa kamay niya na nakahawak sa akin. Giniya na niya ako patungo sa mesa na nakalaan sa amin at doon nakita ko sila Tito Joash at Tita Juana. They were both looking elegant and powerful. Ibang -ibang sa homey at warm na aura ng mga ito kapag nasa bahay. Ngayon ang anibersaryo ng kumpanya nila at imbitado ako. Kasama dapat si Mommy pero masyado siyang  abala sa denidesign niyang entourage ng kilalang tao at kailangan na raw itong matapos.

“Oh hi baby girl! You are so beautiful!” Tumayo si Tita Juana at niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Napangiti ako. “C’mon sit beside me, baby.”

“Hello, Elie baby.” Bati ni Tito Joash at lumapit din kami sa kanya at humalik sa pisngi. Matapos ay sumunod naman kami ni Jon at naupo ako sa tabi ni Tita Juana at si Jon sa kabilang side ko.

“Friends, please meet my—” Natigilan si Tito Joash sa pagsasalita ng dumating si Kuya Jacob at tumikhim na tila inaanunsiyo ang pagdating. He was wearing a black tux like Jon and his hair now is longer than the last time I saw him at Jon’s birthday. He looked my way in a very intimidating way that made me uncomfortable. Paalis na ang tingin ko ng ngumisi ito at naiinisulto ako sa ngisi na iyon. Balik na naman siya sa dating Jacob na kinamumuhian ko at kinamumuhian rin ako. Wala na ang mahika ng tubig ng resort na iyon. “My first born is here.” Masiglang bati ni Tito Joash. Humalik ito sa ama at ina niya at tinapik sa balikat si Jon at nilagpasan ako na tila hindi ako kilala. Well, hindi ko naman kailangan ang pagbati niya. Naupo na ito sa tabi ng mga kaibigan ng mga magulang nila at eksaktong sa tapat ko pa. “Where is your date, Jacob? Where is Patrice?” Nag-angat ako ng tingin kay Tito Joash sa tanong niya kay Kuya Jacob. Kilala ko si Patrice dahil kinakapatid ko siya at sa huli namin pag-uusap ay sinabi nito na boyfriend na niya si Kuya Jacob. Hindi ko naman maiwasan tumingin kay Kuya Jacob dahil doon. Doon ko nalang natanto na nakatingin ito sa akin pero kaagad din naman nilipat ang tingin kay Tito Joash.

“I heard you are dating a famous model, but her name isn’t Patrice.” Salita ng isang matandang lalaking nasa kanan ni Kuya Jacob. Tumawa naman si Kuya Jacob.

“Her name is Alyana and she is beautiful.” Sagot ng isang ginang.

“But I heard you are dating the daughter of Amanda Bella, the famous actress?” Salita pa ng isang ginang.

“Wow, sure you all know about my first born’s affair with women.” Natatawang salita ni Tito Joash. Gusto kong umiling dahil sa pagkakatanto ko. Hindi ko naman kasi naisip na babaero si Kuya Jacob pero dahil sa narinig ko ngayon nadagdagan na naman ng negatibong ugali sa mahabang listahan ko ni Kuya Jacob. Kawawang mga babae at nabihag lang sa gwapo niyang mukha. “He is young and single and who weren’t like that when we were young, right gentlemen?” Tumawa ang mga kalalakihan sa mesa pero natigilan ng tumikhim si Kuya Jacob na nanghihingi na naman ng atensyon.

“The rumors are just rumors. Those are baseless therefore not true.” Kompiyansa pa niyang salita. Gustuhin ko man maniwala sa sinabi niya pero mas kapanipaniwala ang sinabi ng iba kesa sa kanya. Napansin ko ang pagtahimik ng mesa namin ng biglang tumikhim si Tita Juana.

When Hate Is Taught And Love Is LearnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon