"Are you sure you are feeling okay?" Tumingin ako sa mukha ni Jon at tumango. He hugged me close and I hugged him tight also.
"I'm better kasi nandito ka na." I really thought I was going to drown. I shouted for Jon's name and true to his word that he will always come to rescue me and he did. Just like a real superhero who saves the day. My superhero is him. "Thank you, Jon. Thank you." Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. I could never really last a day without Jon.
"Shh." Pag-alo nito sa akin. "Huwag ka ng umiyak."
"Hindi ko talaga alam ang mangyayari sa akin kung wala ka." Binaon ko pa ang mukha ko sa dibdib niya. Naalala ko ang mabilis na pangyayari. Ang pagkadulas ko, ang pananakit ng paa at likod ko at pag-apuhap ko ng hangin. "Dito ka lang ha. Huwag mo ako iiwan." Tumawa ng mahina si Jon kaya kinalas ko ang yakap ko at sinilip ko ang mukha niya. "Bakit ka tumatawa?"
"Ang drama mo kasi." Nakangiti na ito ng malaki sa akin. Kinakalas ko ang pagkakayakap niya sa akin pero ayaw niya akong bitawan.
"Sorry at madrama ako. Sorry kasi takot na takot ako kanina na akala ko katapusan ko na." Irap ko rito. Tinukod ko ang palad sa dibdib niya para mapahiwalay sa kanya pero niyakap ako nito ng mahigpit at hinalik-halikan pa sa sentido. "Let go of me!" Kulang sa conviction kong salita.
"Do you think I will let that happen?" Seryosong salita ni Jon. Gusto kong silipin ang mga mata niya pero pinigilan niya ako ng yakap. "Sobrang takot ko kanina na makita kita sa may pool. Mas lalo ng mawalan ka ng malay. Alam mo ba ang takot ko kanina?" Napangiti ako sa sinabi ni Jon. Those words warmed my heart and it was only him that can do it. He is my comfort beyond everything. Just the mere sound of his voice calms me.
"Thank you, Jon. Promise mo ha, from now on hindi mo ako iiwan, lagi ka lang sa tabi ko...at ako lang. Ako lang dapat." I don't know if what happened to me was life and death situation. Pero dahil sa pangyayari talaga na iyon ay ang laki ng instant ng pagbabago sa sarili ko.
"Kailan ba kita iniwan, hmm?" Ramdam ko ang marahan niyang paghalik sa noo ko. "Hinding-hindi, okay. I promise you that." Ngumiti ako. "At ikaw lang naman talaga simula't sapul Elie. Meroon pa bang iba?" Lumaki ang ngiti ko.
Napatingin naman ako ng may marinig akong pagtikhim. Hindi ko namalayan na nakapasok na si Mommy sa kwarto. Lumapit sa akin si Mommy at pinakawalan na ako ni Jon sa yakap niya.
"I'm sorry po, Mommy sa nangyari. Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po gustong madulas--"
"No, no baby. It wasn't your fault." Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. " Noone's blaming you Helena." Tumango na lang ako. Kahit papaano ay masaya ako na kinakausap na ulit ako ni Mommy matapos ng aksidente ko sa kotse at heto na naman pagkatapos noon.
"Pero sorry pa rin po." Kinulong naman ni Mommy ang mukha ko sa mga palad niya. "Sorry for everything. For the car accident and for keeping it a secret. Jon and I's going to tell you about it pero naunahan ninyo na po kami. I didn't mean to keep that as a secret. I'm sorry."
"Shh." Palis pa ni Mommy sa mga luha ko. "I'm sorry too. I over reacted, anak. I shouldn't have done that. Natakot lang talaga ako noon dahil baka kung anung nangyari sa'yo. Tayo nalang dalawa, baby kaya iyong thought na may mangyari sa iyo na masama ay talagang magpapabaliw kay Mommy anak." Niyakap ako ni Mommy at niyakap ko rin siya. Dahil rin ata sa nangyari kaya ako naging ganito kaemosyonal. "Good thing this young man is with you and he is always there to the rescue." Napatingin naman ako kay Jon na nakatingin at nakangiti sa amin. "Halika nga rito, Jon at maggroup hug tayo." Sumunod si Jon at pinalibutan nila akong dalawa at niyakap. "I love you both." Pinaghahalikan kami ni Mommy sa pisngi. "Thank you Jon for taking good care of our Elie. I can really have my peace of mind knowing you are present in my daughter's life. Ngayon pa lang Jon napatunayan mo na sa akin na karapatdapat ka sa anak ko."
BINABASA MO ANG
When Hate Is Taught And Love Is Learned
ChickLitNatutunan ba ang pag-ibig? Natuturuan ba ang puso na magmahal ng iba? Natuturuan ba ang pusong makalimot? Natuturuan ba ang puso na hindi makaramdam?