6. Chances lost

188K 4.1K 325
                                    

“Bathseeba, hindi ka pa ba uuwi?”

Napasimangot ako nang tanungin ako ni Ate Alberta nang hapong iyon. Four-thirty na kasi pero naka-park pa rin ang pwet ko sa upuan sa likod ng table ko. Tapos ko na lahat ng aking trabaho pero hindi ako excited umuwi – hindi tulad noon. Kung pwede nga lang na sa library na tumira, gagawin ko ‘wag ko lang makita ang pangit na mahalay na anak ni Satanas na iyon sa bahay ko. Naiiyak pa rin ako sa tuwing maiisip ko na nakita na niya ang lahat sa akin – wala na akong maitatago sa kanya at ang kapal ng mukha niya – hindi nga niya nakakalimutang ipaalala sa akin na nakita na niya ang buong katawan ko – buti na lang I’m shaved all over. I hate it!

Bumuntong hininga ako. Ayokong umuwi. Naiinis lang ako sa bahay. Ilang araw pa lang nandoon ang demonyo pero napakaraming konsumisyon na ang naibigay niya sa akin. Kapag nasa bahay ako, hindi ako lumalabas ng kwarto. Ang gagawin ko, kakain na ako bago umuwi tapos kapag nasa bahay na nila-lock ko ang pintuan. Noong nakaraan ay tumawag si Maria. Hindi ko na nga nasabi sa kanya na naroon ang pangit na demonyong iyon. Ayoko siyang mag-aalala. Ipinaalam ko na lang na palaging nagpupunta doon si Ares – parang wala naman siyang pakialam – hindi na siya kumibo – hindi na siya nagsalita. Sinabihan na lang niya ako na mag-ingat.

“Bathseeba!” Hinampas ni Ate Alberta ang table ko kaya napatitig ako sa kanya. I pouted my lips and sighed.

“Ayokong umuwi.” Sabi ko na lang. Natawa si Ate Alberta at saka napapailing. Sinabi ko kasi sa kanya ang patungkol kay Area. Noong una kong sinabi kay Ate Alberta ay tinawanan niya ako. Ang hindi ko ma-take ay ang sabihin niya din sa iba naming kasama ang nangyari sa akin – ayun, sinasabi nila ngayon na may pag-asa na daw akong hindi mahging BIR. Hindi ko malaman sa mga ito kung bakit nakikita nila si Ares Consunji bilang ganoon. Hindi naman nila kasi kilala ang taong iyon…

Kunsabagay – wala din akong alam tungkol sa kanya. Alam ko lang ang pangalan niya at demonyo siya. I sighed. Kinuha ko ang mga gamit ko at saka nagpasyang umalis. Kasalukuyan akong nagta-time out nang biglang may tumawag sa akin. Nakita ko si Mang Amador – ang house keeping namin sa Library.

“Batseng, may naghahanap sa’yo. Pinsan mo daw.” Kumunot ang noo ko. Pinsan ko daw… sino naman kaya? Hindi naman kami ganoong kadami. Wala akong pinsan dito sa siyudad. Ang mga pinsan ko nasa probinsya. Hindi naman kasi ako talaga sa siyudad lumaki. I grew up in Bataan – doon ako hanggang noong second year high school – matapos iyon ay lumipat na kami sa Metro. Dito na ako nag-aral at nag- lahat-lahat. Kung umuwi man kami sa probinsya ay madalang lang.

Sinundan ko si Mang Amador. Iniisip ko pa rin kung sino nga kayang pinsan ang naghahanap sa akin. Nang marating ko ang waiting area ay napansin kong may babaeng nakaupo roon. Naka-suot siya ng violet na dress at may hawak na bag na pambata. She was playing with her Ipad.

“Esther…” Tinawag ko siya. She looked up and smiled at me. Esther Madlang – Awa – Basuel my only – well not only. May kapatid siya, si Crisostomo Ibarra Madlang – Awa – silang dalawa ang mga pinsan ko. Kumunot ang noo ko habang titig na titig sa kanya. She stood up, walked towards me and kissed my cheeks.

“Kamusta ka na, Bathseeba?” She asked. She looked happy. Parang wala siyang iniisip. Napalunok ako. Anong ginagawa niya dito? May reputasyon kasi si Esther na bad girl. Rebelde siya. Spoiled kasi at matigas ang ulo, palibhasa noong mga bata pa kami ay bigay luho sa kanya kaya ngayon may sariling mundo.

Ilang taon na din yata ang nakalipas mula nang magpakasal siya tapos years later – maybe two years ago – iniwan niya ang asawa niya.

“Honey, halika na.” Napatingin ako sa likuran niya nang marinig ko ang boses na iyon. May kasama siyang lalaki. Ang lalaking iyon, hawak niya ang pamangkin ko – Esther’s daughter – Sydney.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon