30. When you love a Consunji

228K 5.1K 1K
                                    

“I don’t know where Ares is…”

Hindi ko alam kung bakit sumama pa ako kay Hera Consunji sa coffee shop na iyon nang hapong iyon matapos niya akong puntahan sa library. Last day ko na ngayon sa trabaho. Nag-resign na kasi ako para makauwi na ako sa Bataan bukas ng umaga. Wala na rin naman akong babalikan so why stay? Nawala si Mercedes dahil minahal ko ang lalaking mahal niya. Kasalanan ko iyon. Ngayong naiisip ko ang mga bagay na ginawa at sinabi ko sa kanya noong nag-away kami, alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit siya wala sa tabi ko ngayon.

Halos isang buwan na rin mula nang umalis siya at isang buwan na rin ang nakaraan mula nang mangyari ang confession ni Ares sa publiko. Walang gabing hindi ko iniyakan ang araw na iyon. Nakakaramdaman ako madalas ng panghihinyang dahil pinabyaan ko siyang masaktan at iniwan ko siya doon. Ayon kay Hera, ilang lingo na rin niyang hindi nakikita ang kapatid niya. Ayoko lang magsalita but I know I am responsible for what happened to him. Siguro nasaktan siya kaya siya umalis at hindi nagpakita o kaya man sa sobrang big ng bird niya nilipad na siya noon kung saan.

“B, why are you so quiet?” Hera asked me. Umiling ako. I saw her smile a bit. “Do you miss, Ares?” Hindi pa rin ako kumibo. “Cause, I miss him.” Nakangiti si Hera pero bakas sa kanya ang kalungkutan. She was sighing. I was playing with my Choco chip frappe.

I do miss him. But I will never let other people know that. Inilabas ko ang phone ko at saka nag-log – in sa facebook. Kahit puro candy crush lang ang alam ko, umaasa ako n asana may message ako galling kay Maria or that she would post a photo for me to see how she is pero wala. Walang kahit na ano. Noong nakaraang gabi ay kausap ko si Jaguar sa Skype. Sinabi niya sa akin na may balak pumunta si Maria sa London. Nag-iiyak ako noon. Naisip ko na wala na talaga si Maria sa akin. Na iniwan na niya ako at lahat iyon ay kasalanan ko. It’s just so sad that I never had the chance to ask for her forgiveness. Ang hirap mag-move on.

Hirap na nga ako sa pagmo-move on kay Ares, hirap pa rin ako sa pag-move on sa amin ni Mercedes. Miss na miss ko na siya – actually, I miss both of them. I miss Maria taking care of me. I miss her so much.

Sa pagbabasa ko sa news feed ay ay kung anong nakakuha ng atensyon ko. Binasa ko iyon nang malakas para marinig ni Hera. Naalala ko kasi na ito ang lalaking nakita namin sa super market na namili ng isang box ng condom. 

"Future Mrs. Hades Sanz - Vejar." 

Maganda ang babae. Bagay sila noong lalaki. His amber eyes were looking at the girl - doon lang nakatuon sa babae ang mga mata niya pero napaisip ako --- bakit parang may kulang? Kulang sa intensity iyong mata noong lalaki -hindi katulad noong mga mata ni Ares kapag sa akin nakatingin. Napatigil ako - naiisip ko na naman siya. I kinda miss the way he looks at me - iyong parang ako lang ang babae sa mundo at hindi na siya nakakakita ng kahit na sino. 

Nanlaki ang mga mata ko nang biglaang ibato ni Hera ang I-phone ko. My mouth formed an O when I saw my I-phone it the floor. Matapos iyon ay sumigaw siya. 

"That woman will have vaginal cancer!" 

"Iyong phone ko!" Sigaw ko. Hera sat on her chair again and took a sip of her cappucino. Napanganga lang ako. Parang wala lang sa kanya ang pagtapon ng I-phone ko! Kahit na plan lang iyon mahal ko pa rin iyon. 

"Bayaran mo iyong I-phone ko, Hera!" Sigaw ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya saka ngumisi. 

"Ilan ba ang gusto mo? Come to think of it, I can even buy the whole Apple company if I want too. That's how rich I am." Sabi niya pa sa akin. I ro0lled my eyes. Tumayo si Hera at kinuha ang Hermes bag niya. "Come, B. I'm gonna buy you a new phone." Sabi niya bigla. Bago ako sumunod ay inubos ko muna ang frappe ko at saka naglakad. PAnaka-naka ay naiisip ko pa rin si Ares. Kung tutuusin ay dapat hindi ako sumasama kay Hera dahil kapatid siya ng demonyo pero nandito ako. It's because I like Hera. Naging kaibigan ko na rin siya. 

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon