"Kamusta ang Nanay Bulak mo, Batseng?"
Naghihiwa ako ng sibuyas habang nakikipagkwentuhan kay Manang Ethel. Nang umagang iyon ay magluluto kami ng pnanghalian. Naisip kong ipagluto si Maria ng paborito niyang pork steak. I haven't cooked for her for months. Napansin ko kagabi nang yakapin ko siya ay mas lalo siyang pumayat. Hindi lang talaga halata sa unang tingin dahil sa laki ng dibdib niya pero nang yakapin ko siya - naramdaman ko ang pagbaba ng timbang niya. Hindi ko rin maitatanggi ang pagbabago na naman sa mukha niya. Noong gabing nagkagulatan kami ay kitang-kita ko ang ngiting umaabot sa kanyang mga mata pero ngayon - ilang oras lang ang lumipas ay bumalik na naman ang mga uncertainties sa mga mata niya. She wasn't like that before. She used to be jolly and cheerful. Matalino si Maria. Alam niya ang dapat niyang gawin kaya hindi ako nakikialam sa kanila ni Ares ngayon. Para ano pa? Nandito na silang dalawa, mag-usap na sila. Ang hiling ko lang --- sana sabihin ni Ares Consunji kay Maria ang totoo niyang nararamdaman. I have a feeling that until now - he is so much in love with her. Ang problema kasi kay Ares, masyado siyang duwag. Ang yabang-yabang niya, ang laki-laki ng bird niya pero ang liit ng paniniwala niya sa chances.
Being in love means taking chances and believing in chances. Iyon ang hindi alam ni Ares at sa tingin ko hindi niya talaga paniniwalaan iyon. Iyon ang isang bagay na hindi ko talaga maintindihan kasi nakilala ko ang mga magulang niya at nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Naisip ko kung oriented ba si Ares sa bagay na iyon? Pakiramdam ko ang alam niya lang mahalin, maliban sa sarili niya ay ang Ate Hera The bitch niya.
"Nakikinig ka ba sa akin. Batseng?"
"Po?" Tiningnan ko si Manang Ethel. "Opo. Mamaya po pupunta ulit kami doon. Sasama ko si Maria, kaibigan na rin naman niya sina Oli kaya isasama ko siya. Natatakot nga ako kasi parang ang hina na ni Nanay Bulak."
"Pupuntahan mo ba siya mamaya?" Tanong pa ni Manang Ethel.
"Opo, kaya po dadamihan ko iyong ulam kasi paborito din ito ni Escobar." Ngumiti ako kay Manang Ethel. She smiled at me knowingly. Para bang tinutudyo niya ako. Si Escobar ang first ever boyfriend ko. Siya ang first kiss ko, siya rin ang fiest dance, first date lahat ata ng first ko sa kanya - maliban na lang sa first ever man in my lie. Masyado pa kaming mga bata noon kaya hindi kami umabot sa stage na iyon. I was fourteen, he was seventeen. Pero ten years old pa lang ako, nililigawan na niya ako. Noong thirteen ako, sinagot ko siya, pero our relationship didn't last necause I had to move to the Metro with my Mom. Noong panahon na kasi na iyon sila naghiwalay ni Papa.
Noon ko nakilala si Cedes sa school na pinag-transfer-an ko. she was the Queen Bee. But somehow I knew that she's not really happy. Hindi ko na nga alam kung paano kami naging magkaibigan talaga pero when we became friends - I realized that Maria is the kind of friend that I had always wanted. She's selfless and kind - kaya nga alam kong she deserves the best - at hindi si Ares ang best para sa kanya pero kasi mahal niya kaya wala akong magagawa kundi tanggapin na lang iyon.
Kasalukuyan kong tinitimplahan ang karne nang marinig kong pumasok si Ares "fucking half naked" Consunji sa kusina. Napansin kong sumadal siya sa hamba ng pader at humalukipkip. He was staring at me. Nakipagtitigan ako sa kanya tapos ay inilabas ko ang dila niya.
"Nasaan si Maria?" Tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang magkibit- balikat siya. Para bang wala siyang pakialam. "Anong hindi mo alam? Pumunta siya sa'yo! Nakita ko kayong nag-uusap!"
"Umalis siya kasama si Oligirio." Walang abog na wika niya. Halos lumuwa ang mata ko. Bakit ba sama nang sama si Maria kay Oli? At bakit naman lapit nang lapit si Oli kay Maria? Hindi niya ba alam na kasalukuyang nasa moving on process ang kaibigan ko? At hindi rin ba alam ni Maria ang tungkol kay Esther? Bakit sila palaging magkasama? Hindi ko talaga maintindihan. Tinapos ko lang ang pagtitimpla ng karne at ibinilin iyon kay Manang Etthel. Inis na inis ako, naiinis ako kay Oli at kay Ares. Sa tingin ko imbes na makabuti ay lalo lang nakasama ang pagkikita ni Maria at ni Ares. Mukhang imbes na magkaayusan ay lalo lang nagugulo ang kaibigan ko. Muli na namang nabuhay ang inis na nararamdaman ko sa impaktong ito. Nilagpasan ko siya nang nasa sala na ay hinatak niya ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Sinampal ko siya. "Nawiwili ka na, Bathseeba!" He hissed at me. Tinulak ko siya sa dibdib.
BINABASA MO ANG
Love Somebody
RomanceAres Adolf Consunji is high mighty. He believes that everything will go on his own way but when his long time FuBu left and was nowhere to be found - he found himself dealing with Bathseeba Madlang-Tao - the only one who knows about the person he as...