10. Girlfriend

175K 4.4K 641
                                    

“Palagay ko Ate, mahal din ng demonyo ang kaibigan ko.”

Iyon naman ang totoo at iyon din ang sinabi k okay Ate Alberta nang sumunod na Lunes na iyon. Sinabi k okay Ares Consunji ang naiisip ko pero tinatawanan niya lang ako. Alam  kong alam niya na tama ang sinabi ko – ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tinitiis niya si Maria. Ang alam ko kapag mahal ng dalawang tao ang isa’tisa, dapat silang maging masaya and to Maria’s case, she deserves a happy ending even if it means being with the same guy who treats her like crap. Nadagdagan nga ang misyon ko, kailangan habang ipinapapakilala ko si Maria kay Ares ay matutuhan din niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya para dito.

Ares  Consunji is a denial king and I hate him for that. Hindi ko alam kung anong problema niya. Sa kakaisip ko nga sa kanilang dalawa ni Maria ay dumarating pa sap unto na napapaniginipan ko silang dalawa. Dati hindi naman ako nananaginip pero ngayon halos gabi-gabi akong dinadalaw ng mukha niya sa panaginip ko.

Lumipas ang buong maghapon sa Library ng si Ares ang pinag-uusapan naming ni Ate Alberta. Lunch break na pero bukambibig ko pa rin siya. Gusto ko kasi talagang maintindihan kung bakit ayaw niyang aminin na mahal niya si Maria Mercedes Samson. They complement one another – both have the same career, matalino sila pareho at higit sa lahat – sinabi ni Isto sa akin noon – mas magkakasundo ang mag-no1byo kung pati sa sex ay nagkakasundo sila. Sa tingin ko naman ay okay na okay sila sa bagay na iyon.

Alas dos ng hapon nang makatanggap ako ng tawag mula kay Maria. Walang pagaatubili na sinagot ko iyon. Miss na miss ko na ang best friend ko.

“Maria! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?!!” Sigaw ko nang sagutin ang tawag niya. Pinagtinginan ako ng lahat ng kasama ko pero kiber lang. Narinig kong humagikgik si Maria sa kabilang linya.

“Namiss din kita, Batse.” Napangiti ako. I missed her calling me that. Napapadyak pa ako.

“Kailan ka ba uuwi? Namimiss ka na din ni Chichi. Miss ka na din ni Ares. Umuwi ka na, mag-usap kayo. Baka pwede naman kayong maging masaya nang magkasama. Alam mo ba noong isang gabi nakita kong niyayakap niya iyong unan mo. Umuwi ka na!  Mahal ka ni----“

Natigilan ako nang biglang naputol ang tawag. Ni hindi siya nagsalita. Sinubukan kong tawagan ulit si Maria pero patay na ang cellphone niya. Napakagat-labi ako. Sumobra kaya ang sinabi ko sa kanya? Pero hindi naman siguro. Sinabi ko lang naman ang mga bagay na napansin ko kay Ares. Sinabi ko lang ang mga bagay na nakikita ko sa kanyang mga mata – iyong lungkot na nakikita ko kapag tinitingnan niya ang mga litrato ni Maria sa sala na para bang gusto niya iyong yakapin nang napakahigpit. Alam kong tahimik lang si Ares – siguro hini siya sanay na sinasabi ang nararamdaman niya ukol sa ibang tao.

Malungkot na nagtapos ang araw ko. Umuwi ako sa bahay na dala sa dibdib ko ang lungkot na dulot nang pagbababa ni Maria sa phone. Gusto ko pa naman siyangf makausap. Dumiretso ako sa sala – naupo ako sa paborito kong silya at saka bumuntong-hininga. Siguro nga napasobra ang pagsasalita ko – dapat siguro hindi ako nakialam sa nararamdaman niya. Best friend ko kasi siya kaya naisip kong sabihin ang lahat sa kanya pero…

“You’re early…” It was no other than Ares Consunji. Mukhang kanina pa siya nandito sa bahay ko. Naka-pambahay na siya – v-neck plain blue shirt and a pair of short jeans. “Why the long face?”

“Nakita kita, na-bad trip ako.” Kunwa’y sabi ko. Humagikgik siya habang nakatayo sa harapan ko.

“Pagod ka na naman. Ano bang ginagawa ninyo sa library?” Tanong pa niya. Nagkibit – balikat ako.

“Nag-aayos ng libro, kung ano-ano basta may kinalaman sa libro.”  Tiningnan ko si Ares. He was grinning at me.

“Gusto mo mag-unwind?” He asked me. Naintirga ako kung anong unwind ang sinasabi niya tatanong ko na sana pero bago pa ako makapagtanong ay hinatak na niya ako patayo. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa hallway ng apartment building ko. Nakatitig lang ako sa kamay niya. Dalawang lalaki pa lang ang nakakahawak sa akin sa kamay – si Matthew at ang first love kong si Escobar.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon