4. Mapagtitiisan

184K 3.9K 273
                                    

“Anong ginagawa mo dito, mahalay na lalaki?!”

Makita ko lang si Ares Consunji ay tumataas na ang presyon ko. Alam na alam ko naman kung bakit siya nandito. Malamang naramdaman na niya na wala si Maria Mercedes kaya nandito na naman ang ugok na ito. Ang ipinagtataka ko lang, umabot talaga sa halos apat na araw bago niya maramdaman na wala si Maria sa tabi niya? Ganoon ba siya katanga? Nangigigil ako. Mabuti na rin siguro na umalis si Maria at hindi magpakita sa kanya. Ang kapal ng pimples ng lalaking ito! Akala niya biyaya siya ng Diyos sa kababaihan kaya ganito siya kumilos. Naningkit ang mga mata ko. Napahawak ako ng mahigpit sa tabong nasa mga kamay ko. Gusto ko sanang ibato sa kanya ang tabo nang maalog ang utak niya at nang malaman niya kung paano siya dapat kumilos.

“Where is Mercedes?” Tanong niya sa akin. Napangisi ako. Sabi na nga ba.

“Hindi ko alam.” Sagot ko. Totoo naman ang sinasabi ko. Hindi ko alam kung nasaan si Mercedes. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta, hindi ko rin naman tinanong kasi ayokong malaman dahil alam kong pupunta ang lalaking ito dito. Mahalay talaga siya. Siguro gusto na naman niyang ikama ang best friend ko kaya hinahanap niya sa akin si Cedes – mabuti na lang talaga na umalis siya kasi paano kung tuluyan siyang mahulog sa lalaking ito at dumating sa punto nab aka mabuntis siya – anong mangyayari sa kanya at sa bata? Hindi naman siguro masaya kung habambuhay na lang siyang paglalaruan ng lalaking ito na may malaking bird na nakatago sa ilalim ng pants niya.

Napasinghap ako nang mapagtanto ko kung anong panag-iisip ko. Bakit nba palagi kong naiisip ang bird ng lalaking ito? Siguro dahil iyong sa kanya iyong una akong nakita sa buong buhay ko. Huminga na lang ako nang malalim.

“Iba iyong hindi alam sa ayaw sabihin at sa itinatago.” Walang sabi-sabing pumasok siya sa loob ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko. Sumunod ako sa kanya. Nakita kong umakyat siya sa silid ni Mercedes at binuksan ang pintuan niyon. Hinayaan ko siya para na rin makita niya na wa;a na ta;aga si Cedes sa bahay namin – wala naman na siyang gamit, kung meron man ay mangilan-ngilan lang. Binalingan niya ako.

“Nasaan si Cedes?” He asked again. I shrugged.

“Hindi ko nga alam!”

“Bakit wala siyang damit?”

“Naglaba?” Nang-aasar na sabi ko. He made a face. “Niloloko mo ba ako? Hindi ako tanga. Nasaan si Merrcedes?!”

“Nasa bulsa ko, nagkakape!” Sigaw ko. Gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Para bang gigil na gigil na siya sa akin. Hindi ko naman siya pinapansin. Hindi ko talaga sasabihin kung nasaan si Mercedes kasi nga hindi ko alam. Manigas siya! Kung sabagay, matagal nang may matigas sa kanya – lagi nga kayang ,magtigas iyon?

Binawalan ko ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano. Tumalikod ako. Pababa na ako nang hagdan nang bigla niyang hatakin ang braso ko.  Pilit niya akong pinaharap sa kanya.

“Nasaan si Mercedes?!”

“Hindi ko alam!” Seryosong sabi ko. “Umalis siya, noong nakaraan pero hindi ko tinanong kung saan siya pupunta dahil alam kong pupunta ka ditong gago ka! Hindi ko sasabihin kung nasaan si Maria! Her life will be so much better without you!”

“I could fucking kiss you right now, to shut your dirty mouth, bitch!” Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya pero hindi ako makagalaw. Para bang unti-unting napupunta sa kanya ang lakas ko. Para bang ninanakawan niya ako ng enerhiya dahil sa unang pagkakataon – nanginig ang tuhod ko.

“Kiss kiss!” Sigaw ko sa kanya. “Ang kapal mo! Bad breath ka naman!” Sigaw ako nang sigaw. Lapat na lapat na ang labi ni Ares Consunji habang titig na titig sa akin. Lalong humigpit ang hawak niya sa akin.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon