20. It's time

171K 4.7K 1.2K
                                    

On the fifth day of the week, we all had to say goodbye to Mama. That was the most painful part. Until now, I couldn't move on from the fact that she had alredy left us - just like that - with just a blink of an eye - the Queen left and we could do nothing but to let her go. Isang bagay na napakahirap gawin. Lahat kami ay parang nananaginip lang. Hindi kami makapaniwala. Ilang gabi kong naririnig si Papa na iniiyakan ang litarto ni Mama na dinala ni Tita Lexy sa chapel. Once, I caught him embracing Mama's picture and asking her why she had to leave. I controlled the tears in my eyes. Ayokong umiyak. Hindi ko ipapakita na umiiyak at nasasaktan ako. Kailangan makita ako ng pamilya ko na malakas. I might be the youngest in the family but I want to be as strong as a rock. Saan pa sila hahanap ng lakas kung lahat kami ay nanghihina?

That morning, I went home to get dressed. Ilang araw na rin akong sa chapel naliligo at nagbibihis. Naisip kong mas maayos akong tingnan kung sa bahay ako manggaaling bago ang libing ni Mama. I wanted to look good for her. She had always made sure that I look good. Naaalala ko noong first day kong papasok sa kindergarten - Mama prepared all my things. She ironed my niform, she cleaned my shoes, she even gave me a bath - siya pa ang nagsuklay sa akin. Matapos niya akong bihisan ay nagpa-picture kaming dalawa at inihitid niya pa ako sa school. Ayokong pumasok noon kasi natatakot ako sa mga kaklase ko at sa teacher ko, iyak lang ako nang iyak. Ang ginawa ni Mama, pinakiusapan niya ang teacher ko tapos ay nag-sit in siya sa klase namin. Naka-upo siya sa upuan ko habang kandong niya ako. Her protective arms were around me. She was always smiling whenever I look at her. Araw-araw sa loon ng isang buwan ay ganoon ang ginagawa niya sa akin hanggang sa makumbinsi niya akong pumasok na mag-isa sa loob ng classroom in exchange na babantayan niya ako sa labas. Ganoon nga ang ginawa ni mama, nasa labas siya, at sa tuwing dudungaw ako, kakaway siya sa akin at magsusulat ng 1 4 3sa hangin.

I sighed. I miss her. Habang tumatagal ang araw ay lalo kong na-mimiss si Mama. I was in my room, trying to get dressed. Pinili kong suotin ang black suite and tie na binili ni Mama para sa akin three months ago. She said that I looked good on that - hindi ko pa naisusuot iyon. I was kind of sad dahil hindi na nakita ni Mama na suot ko iyon. I sighed again. Sighing had been my habit since Mama died.

I miss her. Habang isinusuot ko ang polo ay may narinig akong humagulgol. I was alerted by the sound of the voice. Alam kong si Hera iyon. Nang dumating ako kanina ay nakita kong paalis naman ang assistant niyang si Jobie. I rushed to her room. I saw her weeping on the floor - she was holding a letter and she kept on calling our mother.

"M-mama... ma-mama... Mama!"

Dinaluhan ko siya at saka niyakap. "Shhh..." Nanginginig ang buong katawan ni Hera. Iyak siya nang iyak. Mapula na ang mukha niya pati na rin ang labi niya. The warmth of her body isn't normal anymore - para bang nilalagnat na siya. I was caressing her back. I know how painful it is for her. Mas malapit si Hera kay Mama kasya kay Papa. Nabitiwan ni Hera ang sulat na hawak niya. Pakiramdam ko ay hinang-hina ang kapatid ko. I carried her and put her to her bed. Hindi siya tumitigil, tulo lang nang tulo ang luha niya. Para bang hindi niya ako nakikita. I kissed her forehead.

"You can't act like this, Adriana. Not now, not ever. Mama will never let you at like this so snap out of it." I whispered to her. Nang tingnan ko si Hera ay nakapikit na siya. I sighed again. I wondered how long she will act like this. Hindi ako sanay na makita ang kapatid ko na ganito - na para bang wala na siyang will making malakas. She has to fight the loneliness.

Palabas na ako ng silid niya nang mapansin ko ang nabitiwan niyang sulat. I picked that up. Hindi ko sana babasahin pero napansin ko ang penmanship ng nagsulat at hindi ako nagkakamali. The letter that Hera was reading was from our mother. Puno ng luha ni Hera ang papel na pinagsulatan noon. Huminga ako nang napakalalim nang mabasa ko ang isang parte niyon.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon