23. Marked

180K 4.8K 765
                                    

I woke up...

That is my problem.

I woke up in a room that is not mine. The violet walls weren't around. All I could see are red walls around me. I mouth parted when I realized that a pair of arms were around me. Ibinukas kong muli ang aking mga mata at muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang mukha ng anak ng demonyo ---este ni Ares Consunji sa harapan ko. He was asleep. Kapag ganitong tulog siya ay mukha siyang anghel. Napapangiti ako habang nakatitig sa kanya. Tumaas ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. He looked like a kid. I sighed when I remembered what happened last night.

He cried. He bent down on my lap and he cried like there's no tomorrow. He cried like things around him didn't matter. Nakadama ako ng simpatya sa kanya. Pakiramdam ko ay nakikita ko sa kanya ang fourteen year old na version ng sarili ko. Noong nalaman ko na may ibang babae si Daddy --- iyak lang ako nang iyak. Kahit si mama ay hindi ako napatahan. Hindi ko na nga alam kung paano ako tumigil sa pag-iyak. Sa totoo lang daddy's girl ako. Kami ni Daddy ang palaging magkasama noon. Kaya nga napalapit ako sa grupo ni Isto dahil palagi rin silang kasama ni Daddy sa trabaho. Kaya noong nalaman ko na may ibang babae si Daddy at may kapatid akong halos isang taon lang ang ibinata sa akin ay ganoon na lang ang sakit na naramdaman ko. Hindi man namatay ang Daddy ko pero halos ganoon ang sakit na naramdaman ko --- the pain of losing someone so dear ---- parang si Ares sa mama niya.

Huminga ako ng malalim at inalis ang braso niya sa baywang ko at saka ako bumaba ng kama. Hinanap ko ang Winnie the Pooh slippers ko at lumabas na ng silid niya. Kailangan ko nang umuwi sigurado ako na nag-aalala na sa akin si Maria. Sana lang hindi niya maisip na magkasama kami ni Ares. Sabagay bakit naman niya iisipin na magkasama kami? Mukhang malayo sa hinagap ni Maria na maisip na magkasama kami ng boyfriend niya.

Nakalabas ako ng gate nila Ares. Napansin kong sinisipat ako ng guard nila pero dire-diretso lang ako. Malayo na din ang nalakad ko. Exclusive talaga ang village na tinitirhan nila. Kinapkapan pa ako ng lady guard bago ako tuluyang pinalabas.

Agad naman akong sumakay ng jeep. Hindi lumipas ang isang oras ay nakauwi na kaagad ako. Bukas na ang pinto ng apartment. Meaning gising na si Maria. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Negative. Baka wala siya. Baka nakatuloh ulit. Umakyat ako sa itaas. I feel like a little kid sneaking away. Akala ko nga ay okay na pero bago ako makapasok sa kwarto ay lumabas si Maria sa kwarto niya --- nakapantulog pa siya.

"Ares --- oww. Bathsee." Malungkot na wika niya pero pinilit niyang ngumiti. "Akala ko si Ares ka. Saan ka galing? Ang aga mo yata nagising."

Napatuwid ako ng tayo. I swallowed hard. Anong sasabihin ko kay  Maria? Paano ko ipapaliwanag na magkasama kami ni Ares buong magdamag na hindi siya nasasaktan? Posible ba iyon? I looked at her in the eye. Lalo yata lumalalim ang mga itim ng mga mata niya. Nakadama ako ng lungkot.

"Ano... kasi uhm. Namili ako ng pandesal kaya lang habang naglalakad ako pauwi ginutom ako ayun kinain ko na lang. I love you! Male-late na ako!" Mabilis pa sa kidlat na pumasok ako sa silid ko ay saka naupo sa kama ko. Nanginginig ang buong katawan ko.Ito ang unang pagkakataon na nagsinungaling ako kay Maria at hindi ko talaga gusto ang pakiramdam niyon pero kailangan para hindi siya masaktan.

I sighed.

------

"Where have you been last night? I was worried about you."

Ngumiti si Mercedes sa akin habang nakaupo siya sa swivel chair sa loob ng office ko. I was working on a case. I was reading some of the witnesses' statement. Pakiramdam ko kasi ay may kulang sa sinasabi ng mga taong nakahalubilo ng kliyente ko. Something is missing and I couldn't figure it out.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon