I was staring at Ares Fucking Consunji. Nakatayo siya malapit sa glass window habang may kausap sa telepono. He was just holding the phone one his hand – nakakunot naman noo niya habang tila seryoso sa pakikipag-usap sa kung sinuman ang kausap niya sa kabilang linya. Napabuntong-hininga ako. Buong akala ko ay tatanungin niya ako sa nangyari sa amin ni Matthew – kung bakit ko siya sinakal pero hindi. He stayed inside Mercedes’ room the whole night. Tapos noong umaga- he acted as if I didn’t existed at all. Buong araw na naman akong nag-iisip sa library kung anong susunod kong gagawin para sa kanila ni Maria. Halos lahat na yata ng pagkain na gusto ni Maria ay naipakain ko na sa kanya. Iniisip ko pa kung ituturo ko sa kanya ang pagluluto ng pansit malabon pero naalala kong hindi nga pala ako marunong maglutio – kaya nganga na lang kaming dalawa.
Paminsan-minsan ay nakikita ko pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata pero saglit lang iyon. Noong isang araw na sinasabi ko ang paboritong kulay ni Maria – kaisa sa paborito niyang brand ng make up – I suddenly saw that look in his eyes – iyong parang nawala ang kayabangan niya at kabobohan sa buhay and all I can see is the raw Ares Consunji. Noong isang gabi ay nahuli ko siyang hawak-hawak ang paboritonh unan ni Maria. He was looking at it like it’s the only thing that mattered to him. Nakadama ako ng kasiyahan kasi naisip ko nab aka tumatalab kay Ares ang araw-araw na pagpapainom ko sa kanya ng berry blast ni Mercedes. Baka nain-in love na siya kay Maria!
Nagtatagumpay na ang magic ko!
“Ares Fucking!” Tinawag ko siya matapos kong makita na ibinaba niya ang phone at ipinasok iyon sa bulsa niya. Napahagikgik ako nang makita kong nakatitig na naman siya sa akin habang kunot na kunot ang noo.
“Mag-movie marathon tayo. Mercedes especial!” Sabi ko sa kanya. Bahagyang kumunot na naman ang kanyang noo habang titig na titig na naman sa akin. “Papanoorin natin lahat ng pelikulang paborito ni Maria.”
“I don’t like chick flicks.” Sabi niya bigla.
“Wala akong pakialam.” Sabi ko. “Manonood tayo at wala kang magagawa. Now, sit on her favorite chair or else you’re gonna get some.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Natigilan ako nang bigla siyang humalakhak.
“Damn, woman!” He said while laughing. “Can you repeat that last sentence that you said?”
“What? You’re gonna get some?” Nagtatakang tanong ko.
“Dammit! How come you could say that and be as cute as a button?” Walang abog na tanong niya. Tumalikod siya at sak naupo na sa chair ni Mercedes. Hindi ko maintindihan kung anong nakakatawa sa sinabi ko? Anong problema sa “you’re gonna get some?” Naka-pout ang labi ko habang papalapit ako sa kanya. Isinalang ko ang dvd sa player at saka naupo na sa tabi niya. First movie to watch: Crazy, Stupid, Love. Pinanood namin iyon ni Maria noong valentines day na hindi man lang siya napuntahan ng aswang na ito.
The movie is really good. Si Ryan Gosling iyong bida. Crush ko iyon – puro abs kasi. Gusto ko kasi talaga ng lalaking ma-abs na lalaki. Masarap kasi ang pandesal. I was concentrating so much in the movie – panaka-naka at titnitingnan ko si Ares. Nanonood naman siya, tumatawa kapag may nakakatawang scene. Ako naman ay napapalabi. Naalala ko kasi ang kwento ni Maria noon – Ares seldom laughs. Pero mukhang mali naman ang kwento niya. Parang maluwag naman kasi para kay Ares ang pagtawa nang malakas at malutong. Natapos ang movie. I asked him how he find it and he said that it was just okay. Nagkibit balikat na lang ako. Ang sumunod na nilagay ko ay iyong Click. It’s one of her favorites too. Noong pinanood ko iyon ay tawa ako nang tawa pero noong bago matapos ang pelikula ay pareho na kami ni Mercedes na humahagulgol sa iyak.
The movie is about family and love – what struck me the most is that scene when the lead character found out that his father died and he didn’t even had the chance to hug his father. Inulit-ulit niya ang scene na iyon habang niyayakap ang kanyang tatay.
Noong naroon na sa scene na iyon ay tumulo na naman ang luha ko. Walang tissue sa paligid kaya hikbi lang ako nang hikbi. I suddenly missed my father. Nasa states kasi siya kasama ng kabit niya pero kahit ganoon ay nag-uusap pa rin kami.
“Why are you crying?” He asked me after sometime. I smiled at him while trying to wipe my tears away.
“I miss my dad.” Tumulo iyong sipon ko, pinahid ko iyon sa manggas ng t-shirt ko. Ares made a face.
“Yuck. Hindi ka ba marunong gumamit ng tissue?” Tanong niya.
“Wala namang tissue eh!” Sabi ko sa kanya. Napapailing na inilabas niya ang panyo niya at saka ibinigay sa akin. Kinuha ko iyon sabay singa.
“Ang babaw mo, the movie isn’t even that good.” Komento niya.
“Anong hindi good? Ang ganda nga eh! Naiyak si Maria sa part na iyan! Tulo sipon niya! Alam mo ba na ----“
“Her nose turns red every time she cries – her brown eyes become puffy and sore.” He smiled at himself. “I have seen her cry a thousand times, Bathseeba – alam na alam ko iyon.”
“Ikaw naman ang dahilan ng pag-iyak niya kaya malamang alam na alam mo iyon.” Nainis na naman ako. Ares looked at me.
“Her dimples shows when she smiles. Iyong ngiti niya sa’yo umaabot sa mga mata niya. She flips her hair three times before talking whenever she’s nervous. Kaliwete si Mercedes. Her readimg glasses is red – cause she likes everything around her red.” Nakangisi pa rin siya. Nabibigla ako. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang mga detalye na iyon – ang iba doon ay hindi ko alam – tulad ng ginagawa ni Maria sa buhok niya kapag kinakabahan siya.
“Yes, Batsheeba, I know some things. Hindi naman ako ganoon ka-cold. I observe. Minsan nga lang wala akong pakialam.”
Nakatitig ako sa kanya. Naisip kong itanong ulit sa kanya kung bakit niya hinahanap si Maria Mercedes. Kung sa ngayon ba alam na niya ang dahilan niya sa pagpupumilit na hanapin ang kaibigan ko.
“Why are you looking for her again?” I asked her. Ares Consunji kept quiet. Hindi siya nagsalita. He just stared at the tv while I waited for him to speak up. Iniisip ko kung nahanap ko nab a ang momentum na hinahanap ko. Hindi kaya nakakaramdam na siya ng kung ano para sa best friend ko? Maybe he’s in love with her now.
“Ayaw mong sabihin sa akin kung bakit mo hinahanap si Maria?” Tanong ko. He just sighed.
“I don’t know.” He finally admitted. “All I know is that I needed to find her – kung anong rason ay hindi ko alam. You’re right - hindi sapat iyong kailangan ko lang siya. Pero kung iisipin ko pa, hindi ko talaga alam kung bakit ko siya hinahanap. “
I just stared at him. Hindi ko alam kung tama ang naririnig ko.Did he actually told me that he didn’t know why he’s looking for her?
Ares Consunji finally admitted that he doesn’t know why he’s looking for my best friend.
Can it be?
“Oh my god!” I exclaimed. My tears fell down.”Tao ka! May puso ka! Mahal mo si Maria!”
BINABASA MO ANG
Love Somebody
RomantizmAres Adolf Consunji is high mighty. He believes that everything will go on his own way but when his long time FuBu left and was nowhere to be found - he found himself dealing with Bathseeba Madlang-Tao - the only one who knows about the person he as...